MSITCK #THIRTY TWO: Good and Bad

1.4K 40 2
                                    

The longest update so far. I do hope you enjoy this one and keep reading. Lovelots!

@Phantom_Knight09

Chapter Thirty Two

Yumi

"Okay, guys! Isa pang shot," saad ni Kid sa kanila. Nag-pause naman sina Elisa at Rankine hanggang sa kinunan sila ng litrato ni Kid. Tiningnan niya ang litratong kinunan niya saka nag-smile sa dalawa.

"Great shot, Elisa and Ran. You two are a perfect couple," komento ni Kid habang nakasilay ang mga ngiti sa kanyang labi. Ngumiti naman si Ran habang nakatingin sa akin kaya naman tumingin ako sa likod kung may tinitingnan siya. Pero I saw nothing. Umiwas nalang ako ng tingin. Matapos ng kanilang photoshoot, tumabi naman sa akin si Elisa habang kasalukuyang namang kinukunan ng litrato sina Lire at Nashi. Si Lucy ang nakatokang kumuha ng larawan sa kanila. Tutok na tutok lang ito sa camera.

Balita ko magpinsan tong dalawang 'to. Kaya pala may resemblance.

Tapos na yung iba at sina Rave at Angeline na lang mamaya ang kukunan. Nagtataka kayo siguro kung nasa'n ako. Nandito ako ngayon sa Photo Journalism Club at kasalukuyan ang photoshoot ng mga Royal Ten. Mapilit kasi si Lucy. Kinulit kulit niya akong sumama sa kanila dahil hindi niya raw makakayanan kung si Kid ang kasama niya. Meron naman sina Elisa na kasama niya, ewan ko ba sa bruhang yun. Wala namang kaso sa subject namin dahil vacant nga namin ngayong buong hapon. Ang kaso, mao-OP lang ako dito noh. Hello, mga Royal Ten kaya tong mga 'to.

"Ayos ka lang ba, Yumi? You seems so uneasy. Kanina ka pa tulala diyan," bigla namang nagsalita si Elisa sa tabi ko. Ay oo nga pala, meron pala siya dito.

"Haha...don't mind me. Ayos lang ako," tugon ko.

"Are you sure?"

"Oo naman! 150 percent, ayos na ayos," pagbibiro ko na naging dahilan ng pagtawa naming dalawa.

"Ok, next, his and her majesty," pagtawag ni Kid sa kanila. Una namang lumabas si Angeline habang inaalalayan ni Rave. They both look perfect with their get up. Simple lang ang suot ni Rave pero bakit ang lakas ng dating niya sa akin. Napako ang tingin ko sa kanya. Ewan ko ba pero biglang bumagal ang ikot ng mundo ko at may nararamdaman akong mga paru-paro sa bituka't kalamnan ko. Am I falling with this guy? He smiled in the cam as well as Angeline too. Sa sumunod na shot nila, binuhat ni Rave si Angeline na para bang yung bagong kasal habang nakapulupot ang kamay ni Angeline sa kanyang leeg at idinikit pa ang kanilang mukha sa isa't isa. There's something that pinch my heart suddenly. Parang nakaramdam ako ng kaunting kirot. Bakit? May karapatan ba ako?

"Uhmmm Elisa, Cr lang ako. Feeling ko kasi puputok na tong pantog ko," pagdadahilan ko kay Elisa. Mukhang nakumbinsi ko naman siya dahil dagli siyang tumango saka nginitian pa ako.

Lumabas ako ng club at napasandal sa may wall. Napahawak na lamang ako sa aking dibdib. Ba't ganun? Masakit, may kirot?

Hindi ko na lamang pinansin ang unusual na nararamdaman ko at tumungo nalang din sa may Cr kahit di naman talaga ako naiihi.

Pumasok ako sa isa sa mga cubicle. Umupo ako at saka sinubukang linawin ang aking isip. Naulinigan ko namang bumukas ang main door ng cr at pumasok ang isang babaeng may familiar na boses.

"Great, let's break his break then. It's an awesome idea..." Saad ng tinig na para bang may kausap sa kabilang linya. Ilang sandali pa matapos kong marinig ang pagsara ng gripo ay muling bumukas ang pinto. Umalis na ata.

Lumabas na ako at saka naghilamos ng aking mukha. Paulit-ulit na tinitigan ang aking repleksiyon sa salamin. Hindi ko na lamang pinansin ang narinig ko kanina.

My Slave is the Campus King- [Completed] (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon