"OH MY GOD!" natatarantang sabi ni Nessie saka mabilis na tumayo mula sa kanyang kinahihigaang kama at nagtatakbo papunta sa kalapit kuwarto—ang kuwarto ng nakatatanda niyang kapatid na si Tycho.
Eh, paano ba naman kasi siya hindi matataranta, e, na-wrong send siya ng 'I love you, Troy' sa number ng kapatid niya, palibhasa ay magkalapit lang ang pangalan ng mga ito sa phone book niya at ang malupit pa niyan ay sekreto lang ang damdamin niya para kay Troy dahil natatakot siyang kapag nalaman 'yon ng Kuya niya ay pigilan siya nito sa nararamdaman niya dahil parang magkakapatid na sila.
Siya lang itong MU—as in mag-isang umiibig kay Troy mula High School hanggang ngayon, kung may award lang ang pagiging loyal niya sa lalaki ay marami na siyang trophies and medals. Mag-iisang dekada na rin niyang minamahal si Troy; she was just fifteen and he was in his fourth year in Business Administration major in Management course, nag-aral ito ng kolehiyo sa De La Salle University sa Manila samantalang siya ay naiwan sa Puerto Prinsesa para mag-aral ng High School.
Kaedad at kababata ito ng kuya niya at malapit ito sa pamilya niya na parang isang tunay na kapatid since solo itong anak—katulad ng dalawa pang kaibigan ng kuya niyang sina Grant at Gray. No'ng bata siya ay madalas siyang nakikipaglaro kay Troy dahil mas magkasundo sila sa mga adventures, music and playing instruments.
Ngunit habang tumatagal ay mas lalong lumalalim ang damdamin niya para sa binata. At kahit alam niyang 'certified babaero' ito dahil sa kaliwa't kanan nitong pambababae ay hindi siya sumusuko dahil alam niyang hindi naman magtatagal ang mga relasyong 'yon. Hangga't hindi dumadating ang babaeng ramdam niyang seseryosohin nito ay hindi niya ito susukuan.
Nagsimula lang naman ang pagiging babaero nito nang maunahan ito ng ibang lalaki sa panliligaw sa babaeng gustong-gusto nito. Nag-mature ito at na-develop ang self-confidence nito kaya feeling nito ay mapapasagot nito agad ang sinumang babaeng liligawan nito. Torpe ito noon kaya nahuli itong duma-moves pero nang mawala ang ka-torpehan nito ay hindi na ito naging seryoso sa pakikipag-relasyon. Well, nandito naman siya para sumeryoso sa magiging relasyon nila, if ever.
At alam ni Troy ang damdamin niya para dito since open siya sa nararamdaman niya para sa binata—sa kuya Tycho lang niya itinatago ang pag-ibig niya para kay Troy dahil minsan may pagka-righteous ang kapatid niya at baka pangaralan pa siya nang pagkahaba-haba kapag nalaman nito ang damdamin niya for his best friend.
Una siyang nagtapat kay Troy no'ng fourth year high school siya—over the phone at tinawanan lang siya ng lalaki dahil 'nene' pa ang tingin nito sa kanya. Naulit 'yon no'ng second year college siya ngunit gano'n pa rin ang reaksyon ng lalaki. Nag-aral din siya sa DLSU kung saan nag-aral si Troy, kahit pa gusto siyang pag-aralin sa school ng kuya niya sa UST dahil alma matter din ng parents nila doon pero sinundan niya ang alma matter ni Troy.
Hindi pa rin ma-seryoso ni Troy ang pagtatapat niya dahil parang nakababatang kapatid lang ang tingin nito sa kanya at ang huli niyang epic fail na pagtatapat sa lalaki ay no'ng graduation niya ng college—nagtapos siya sa kursong Industrial design at ngayon nga ay may sarili nang Stuffed toys shop, sa tulong na rin ng parents niya, though mas gusto sana ng parents niya na samahan niya ang kuya niya sa Arenaz Food Corp, na pag-aari ng pamilya nila.
Sibukan na rin niyang yayain si Troy makipag-date pero syempre pa ay tinawanan lang siya nito. Naisip niya tuloy; hindi ba siya kaseryo-seryoso para i-reject nito nang paulit-ulit?
Akala siguro nito ay hindi siya nasasaktan o 'di kaya ay na-immune na siya sa pagba-basted nito sa kanya. Pero gayunpaman ay hindi pa rin niya ito susukuan at lagi niyang ire-remind dito na lagi lang ito sa puso niya.

BINABASA MO ANG
The Dating Game (COMPLETED)
ChickLitTROY's STORY! Nessie Zayllah has been in love with her brother's best friend Troy Perez. Pero ang nakakalungkot lang ay nakababatang kapatid lamang ang tingin nito sa kanya at hindi siya makasingit sa kali-kaliwaang pambababae nito. Pero kailanman...