9

2.5K 75 0
                                        

SOBRANG laki nang pagkakangiti ni Nessie nang makita niyang pumasok sa loob ng shop niya si Troy, at hindi lang 'yon kundi dahil sa hindi niya inaasahang makita ito na suot ang black t-shirt na may chipmunks design. Akala niya ay hanggang sa imahinasyon na lamang niya ito makikitang isuot nito 'yon pero hindi siya nag-iilusyon!

Mapanuksong mga ngiti ang iginawad ng mga tauhan niya sa kanya bago nagpaalam ang mga ito na mauuna nang umuwi. Naglakad si Troy palapit sa kanya, hindi niya maiwasang mapangiti dahil sa cuteness nito lalo pa at tila nahihiya ito dahil sa suot na t-shirt.

"Akala ko ba couple shirt tayo, bakit hindi mo suot 'yong sa 'yo?" pansin nito sa kanya, naka-long sleeve kasi siya at fitted jeans.

Napangiti na siya nang tuluyan. "Wait lang! Dito ka lang at babalik ako agad." Aniya, saka siya nagmamadaling pumasok sa loob ng opisina para kunin sa bag niya ang kapareho ng damit ng lalaki saka siya nagmamadaling nagtungo sa CR para magpalit ng damit, tuluyan na rin siyang nag-ayos doon ng sarili bago lumabas. "'Ayan! Pareho na tayo ng suot." nakangiti at kinikilig na sabi niya.

Ngumiti ito at napailing. Halatang nahihiya ito dahil sa magka-terno nilang damit, at ang cute nito dahil ngayon lang niya ito nakitang nahiya nang gano'n. Akala niya dati ay makapal ang mukha nito at puro babae lang ang alam pero bukod pala sa workaholic din ito at magaling na negosyante, he's also shy about some things.

Nagpaalam muna siya sa binata para ayusin ang ilang stocks na bagong dating ngunit nag-insist pa itong tumulong sa kanya, sa pagmamadali ng mga empleyado niyang makapag-solo sila ni Troy ay nakalimutan nang ayusin 'yong ibang stocks. Pagkatapos nilang mag-ayos ni Troy ay tuluyan na rin silang umalis ng shop.

Habang naglalakad sila ni Troy ay napapangiti siya dahil napapatingin ang mga tao sa kanila. Kumuha siya ng remembrance na picture nila together, ang cute pala talaga nilang tingnan suot ang couple shirt—para silang magkasintahan!

"Where do you wanna eat?" tanong nito, nang tuluyan na nilang nilisan ang Mall.

"Hmm... gusto ko rin sana ng lutong bahay, e." nakangiting sabi niya.

"Are you gonna cook?" gulat na konklusyon nito. Alam din kasi nito na tulad ng mommy nito ay epic siya pagdating sa kusina.

"Hmm... kung ayaw mong sumakit ang tiyan or worst ang masunugan ng mga kawali, then why don't you cook, instead?" nakangiting suhestyon niya.

Saglit itong napaisip bago nagsalita. "Gusto mo lang uli matikman ang luto ko e, nagpapalusot ka pa." natatawang sabi nito. Siguro ay nasa limang beses pa lang niya natitikman ang luto nito. Like his dad and her kuya, magaling din itong magluto o lahat yata sa mga magkakaibigan e, at siya lang talaga ang itinadhanang hindi magaling sa kusina.

"Exactly!" nakangiting sabi niya.

Nakita niyang napailing at napangiti na lang din ito. "Okay, why not?" sa huli ay sabi nito.

Sa condo na sila ng lalaki dumiretso. Nang makapasok sila sa Queen towers ay mabilis siyang pinagbuksan ng pintuan ng sasakyan saka sila sabay na pumasok sa loob ng towers at naglakad papasok sa elevator, nasa ika-fifth floor ang room nito sa ten storey building.

Nang makarating sila sa fifth floor ay lumabas agad sila sa elevator at saglit lang na naglakad papunta sa room five-zero-three, i-sw-in-ipe nito ang keycard nito saka bumukas ang pintuan, pinauna siya nitong pumasok bago ito sumunod. Isa sa pinakakilalang condo ang Queen towers at talagang mataas ang quality ng bawat condos, sobrang galing ng interior designs at pagkakagawa—malapit lang din 'yon sa Perez Group of Companies.

The Dating Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon