3

3.4K 75 0
                                        

"ANG CUTE naman po nitong latest doll design n'yo, Ms. Nessie. Ilalabas n'yo na po ba ito sa market?" Nakangiting tanong ng isang empleyado niya.

"Sorry but this is an exclusive design." Nakangiting sagot niya. It was a Troy-inspired doll para sa kanyang doll collections. Karamihan sa mga collections niya ay siya mismo ang nagde-design at lahat din ng mga dolls na nasa shop niya ay mayroon siyang kopya—at ito lang kay Troy ang hindi niya maaaring ibebenta sa market—possesive kasi siya at gusto niya ay sa kanya lang ang doll version ni Troy. Kasi naman, inaangkin na nga ito ng ibang mga babae, e, ibebenta pa ba niya ang doll version nito sa iba? No way!

Ang 'Stuffed toy land' ay located sa third floor ng isang malaking Mall sa Puerto Prinsesa na pagmamay-ari niya. May four years na rin ito sa business at may isa na ring branch na ipinatayo sa MOA sa Manila na minsan ay binibisita niya. Kahit wala siya sa linya ng Arenaz Food Corporation ay masasabi niyang proud siya dahil naitayo niya ang sarili niyang pangalan ng mag-isa.

"Asus! Si Ms. Nessie, puma-pag-ibig." Tukso naman ni Yeng sa kanya.

"Siyempre hindi naman puwedeng kayo lang ang may love life, 'no!" natatawang sabi niya. Ang apat na empleyado kasi niya sa shop niya ay mga kaedad lang niya at may kani-kanyang mga boyfriends, nakaka-inggit nga dahil sinusundo ang mga ito after work.

At siyempre ay kilala na rin ng mga ito si Troy dahil bukod sa lagi niyang bukambibig ang binata ay nagagawi din ito doon kasama ng mga isinasama nitong girlfriends na mahilig din sa mga dolls. Isa kasi ang store niya sa sikat na bilihan ng mga stuffed toys. Alam din ng mga empleyado niya ang totoong damdamin niya para sa lalaki, at ang sweet ng mga ito dahil lagi siyang ini-encourage na huwag basta-basta susuko sa pag-ibig niya sa binata—kahit milyon-milyon pa daw ang i-date at maging kasintahan nito.

Naputol ang usapan nila nang sunod-sunod na magdatingan ang mga customers sa shop nila at karamihan sa mga customers nila; kung hindi mga bata ay mga teens at couples. Medyo millenials, latest at unique kasi ang mga designs niya kaya dinarayo ang shop ng mga tao at nakadagdag pa sa popularity ng shop niya ay dahil endorser niya ang kuya niya at ang mga kaibigan nito, naglagay pa nga siya ng standees ng mga ito sa harapan ng shop niya.

Bumaling siya sa mga taong nasa loob ng shop, napapangiti na lang siya dahil kahit lumihis siya sa nakilala business ng family nila ay masasabi niyang naging successful pa rin siya. Muli siyang napangiti nang lumitaw sa alaala niya si Troy at ang guwapo nitong mga ngiti. Isa kasi ito sa mga naging inspirasyon niya kung bakit nabuo ang stuffed toy land bukod sa pagkahilig niya sa mga 'yon.

Naputol ang pagkakangiti niya nang may isang matangkad na babaeng pumasok sa loob ng shop, tangay ang isang matangkad na lalaking nakatakip ng mukha ngunit kahit siguro nakasuot pa ito ng costume o mag-mascot ay makikilala pa rin niya ito! Mabilis siyang tumayo sa swivel chair na kinauupuan niya para lapitan ang mga bagong dating, nakita niyang sumilip sa kanya si Troy at nang makita nitong nakatingin siya ay pinilit agad nitong hinila ang kasamang babae para lumabas pero mukhang may gustong bilhin ang babae kaya naudlot ang balak ng binata na lumabas sa shop niya.

"Hey, Troy!" nakangiting bati niya sa binata. Mabilis na bumaling ang babae sa kanya, dahan-dahan namang inalis ni Troy ang takip nito sa mukha.

"Hey," nakangiting bati rin ni Troy.

Mabilis niyang binalingan ang babaeng kasama nito. "And she is?"

"Lana."

"Oh, hi, Lana!" bati niya sa babae, saka siya muling bumaling sa lalaki. "So, wala na kayo ni Angel?" tukoy ang ka-date nito last time. Alam niya ang pangalan ng mga babaeng idini-date nito dahil isa siyang dakilang stalker ng binata at alam din naman ni Troy 'yon kaya hindi na ito nagtataka.

The Dating Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon