20

4.5K 114 12
                                        

Akmang paparahin niya ang taxi an paparating ay mabilis siyang hinila ng binata papasok sa entrance gate ng towers ngunit agad din siyang kumawala.

"I need to go home!" mariing sabi niya, hindi na niya napigilang tumulo ang kanyang mga luha na mabilis namang pinunasan nito.

"Why are you crying? Nasaan ang masakit sa 'yo?" nag-aalalang tanong nito. Mabilis naman niyang itinuro ang puso niya.

"I was struck here." Aniya.

"What?"

"Akala ko makakamit ko na ang love na matagal ko nang hinihintay pero hindi pala dahil marami pa akong pagdaraanang pagsubok."

"What are you saying?"

"I love you." Aniya.

"I know, and I already said I love you too." Anito.

"I already knew about your feelings for me for the past few years, sinabi lahat sa akin ni Kuya, pero, si Troy ka nga pala—the playboy." Aniya.

"I don't get you."

"I saw you with Amber, ipinakilala ka pa nga niya sa lalaki kanina na boyfriend ka niya, nakipagkamay ka pa nga sa lalaki at hindi tumanggi. Akala ko seryoso ka na sa akin, e, akala ko, sa nalaman ko kay Kuya ay posible nang maging tayo pero hindi pala,"

"Listen to me first, Nessie," awat nito sa kanya. "'Yong mga nakita at narinig mo kanina, pawang pagpapanggap lamang 'yon, believe me."

"What are you saying?" nagtatakang tanong niya.

"Kaya nandito sa Palawan si Amber kahit sa Manila na siya nakatira ay hindi talaga dahil sa pagiging sponsor niya sa childhood foundation—kundi dahil sinundan niya dito si Renzo, ang close friend niyang matagal na niyang mahal, kaso hindi niya masabi ang nararamdaman sa lalaking 'yon dahil ayaw niyang mag-take ng risk, kaya nakiusap siya sa akin na kung pwede ko daw siyang tulungang pa-selosin ang lalaki—which happened na nakatira din sa Queen towers." Paliwanag nito, na ikinagulat niya. "Tumawag siya sa akin na pupunta nga siya sa Queen towers para isagawa ang plano niya—na mas lalong napadali dahil nalaman niyang doon ako nakatira. Pero nang makita kita kanina, hinayaan ko na silang dalawa doon at ayusin ang kung ano'ng meron sila—dahil mas mahalaga ka pa rin sa akin. At naisip ko na baka na-misinterpret mo sakali mang narinig mo ang usapan o nakita mo kaming magkayakap ni Amber, walang mayroon sa amin, believe me, she's just a friend,"

"R-Really?" naiiyak na tanong niya na mabilis naman nitong tinanguan. She felt better now. Oh God, thank you!

"And I got really scared when you didn't notice the car a while ago, my heart had almost stopped." Anito, saka siya muling niyakap. Saglit silang natahimik na dalawa bago muli itong nagsalita. "Ang sabi mo, sinabi na sa 'yo lahat ng kuya mo ang tungkol sa nararamdaman ko few years ago?" anito, saka kumalas sa pagkakayakap sa kanya.

Tumango naman siya saka tipid na ngumiti. "N-Nauna ka pa palang nagkagusto sa akin, kaysa ako sa 'yo." Pigil-ngiti at kilig na sabi niya. Tumango ito at ngumiti sa kanya. "How did you fall in love with me? Saka bakit mo ako laging nire-reject kung mahal mo pala ako?" tanong niya.

"Did you still remember the first time I saw you dancing in the rain, nasa garden ka ng mommy mo at parang batang noon lang nakaligo sa ulanan?" tanong nito sa kanya, of course, naaalala niya 'yon, nahiya pa nga siya no'n dahil hindi niya alam na naroon pala sa loob ng kuwarto ng kuya niya si Troy at nanonood sa kanya. She loves rain so much! "Ang totoo niyan, matagal kitang pinanood no'n na masayang nagsasasayaw sa ulanan at tuwang-tuwa and I was stunned by your smile and charm." Anito. "At doon na nga nagsimula ang kakaibang inire-react ng puso ko, na sa una ay hindi ko maintidihan—you were just eleven or twelve that time and I was fifteen turning sixteen," kuwento nito sa kanya. "Ang layo ng age gap natin kaya hinayaan ko muna ang puso ko dahil baka na-overwhelme lang ako sa 'yo—pero no'ng nag-high school ka na, mas lalong naging weird ang puso ko kapag nakikita at nakakausap kita na pilit kong nilababanan—kaya kung sino-sino pa ang mga babaeng niligawan ko para iwala ang nararamdaman ko sa 'yo dahil hindi tama, you're like a sister to me dahil kapatid ka ng best friend ko pero dumating 'yong time na hindi ko na makaya itong nararamdaman ko kaya nagsabi ako ng nararamdman ko sa kuya mo, nagpaalam ako sa kanya, pero hindi niya ako hinayaan dahil ang akala niya ay nangti-trip lang ako at hindi seryoso sa 'yo. Hindi lang niya alam na ikaw ang babaeng gusto kong seryosohin, lagi kitang sinusubaybayan at pinababantayan kahit nasa malayo ako dahil nag-aaral ako sa manila—sa isang source ko—na anak ng isa sa mga katulong naming nag-aaral sa parehong school mo, no'ng college naman, may kakilala ako sa DLSU para ipabantay ka, hindi mo alam ang mga 'yon dahil pa-simple lang kumilos ang mga bantay ko," nakangiting pagtatapat nito, sa amazement niya ay hindi na yata siya makapagsalita sa sobrang pagka-overwhelm. "Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya no'ng malaman ko mula sa 'yo na gusto mo ako—na mahal mo ako, kaya lang ang sabi ko ay dala lang siguro 'yon nang pagiging teenager mo, kaya panay ang reject ko sa 'yo at panay ang papalit-palit ko ng girlfriend para iwala ang nararamdaman ko sa 'yo—pero nang makapag-graduate ka na ng college, doon ako muling nag-ipon ng lakas ng loob para sa 'yo, sa pamilya mo, lalo na sa kuya mo, tiyak ang tingin na ng pamilya mo sa akin ay talamak na babaero dahil sa paiba-iba ko ng girlfriend, kaya ginalingan ko sa field ko para ipakita sa lahat na may strength din ako at patutunayan ko sa kanila na kaya kong magbago dahil ikaw lang ang makakapagpatino sa akin. Mahal na kita noon pa, Nes, ngayon pa ba 'yon mawawala? I'm so used of loving you at hindi na mababago ang nararamdaman ng puso ko. Ikaw lang mula noon hanggang ngayon, maniwala ka man o hindi." Anito.

"T-Troy..." naiiyak na sbai niya, saka siya ginagap ang guwapong mukha nito para hawakan ito sa pinsgi. "I didn't know about your hardship, but I am really thankful for loving me. I am really so happy and overwhelmed." Aniya.

Ngumiti ito at tumango sa kanya. "Siguro naman ngayon, papayagan na ako ng kuya mo na ligawan ka at maipakita sa 'yo kung gaano kita kamahal." Anito, bago ito dahan-dahang yumuko sa kanya para halikan siya sa kanyang mga labi, pero agad din nitong tinapos.

"Ang sabi ni kuya nagpaalam ka daw uli sa kanya last week."

Tumango ito. "And also to your parents."

"R-Really?"

Tumango ito at ngumiti. "They even gave me their blessings. Total daw pareho naman na tayong adult at may sari-sariling stable job, why not?" anito. Napangiti siya at agad na yumakap sa binata na agad din nitong tinugon. "When I close my eyes, I see you. When I open my eyes, I see you. There is nothing I can do without thinking of you."

"Thank you for saving me that day," tukoy niya no'ng iligtas siya nito sa pagbagsak ng griller. "dahil doon ay na-in love ako sa 'yo—na in love ako sa lalaking worth it mahalin for a decade and forever. I am so happy that my heart had chosen you, kailanman ay hindi ako nagsisi o magsisisi na ikaw ang minahal at mahal ko."

He gently kissed her forehead. "And I love you, so much. Time is gold but time spent with you is absolutely priceless."

"I love you too, with every inch of my body, with every ounce of my soul, with every beat of my heart, forever."

"Aww! You made my heart melt with your love, baby." Natatawang sabi nito.

"You're the one that I want to be with, forever."

"Aww! You're so cheesy, baby." Natatawang sabi nito.

Natawa din tuloy siya. "Look who's talking, ikaw kaya nauna."

"Yeah, I know." Natatawang sabi nito. "Because you really took my heart away."

"Buti buhay ka pa," natatawang sabi niya. kumalas naman na ito sa pagkakayakap sa kanya, saka siya hinawakan sa kamay para igiya papasok sa condo.

"Siyempre naman, kasama ko ang buhay ko, e." anito.

Hindi tuloy niya napigilang hampasin ang braso nito. "Oo na, kinikilig na ako." pag-amin niya. inakbayan naman siya nito saka hinalikan sa kanyang sentido. Nang makapasok sila sa towers ay naabutan nilang magkayakap na sina Amber at Renzo—na nilagpasan na lang nila, ngunit napangiti sila sa isa't isa, mukhang bukod sa kanila ni Troy, may dalawa pang nabuong pag-ibig.

"I need to tell this to everyone, for sure, they'll throw a party for the both of us." Aniya.

"Yeah but we'll surprise them." nakangiti naman sabi nito na mabilis niyang sinang-ayunan. Napangiti at napayakap siya sa baywang nito saka isinandig sa katawan nito ang kanyang ulo.

Nasa earth siya, pero feeling niya ay nasa heaven na siya, being in love with this man feels like heaven—so as, with Troy. They like to continue the journey of their love with each other forever; their journey will start forever and end at never.

Sa wakas, na-achieve din ni Nessie ang happily ever after na matagal na niyang pinapangarap!

The Dating Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon