13

2.6K 81 0
                                        

"KUYA TROY, asawa mo ba si ate Nessie?" nagtatakang tanong ng isang batang lalaking marahil ay nasa pitong taong gulang pababa. Hindi niya tuloy napigilang mapangiti lalo na nang lingunin siya agad ng binata pero agad ding nag-iwas ng tingin, she saw him blushed!

Nasa childhood foundation sila no'n para dumalaw. Inalok kasi siya ng binata kung gusto daw ba niyang sumama doon—na mabilis naman niyang sinang-ayunan dahil wala naman siyang gagawin ng Sabado'ng 'yon, saka ito pa lang ang second time niya na nakapunta doon, no'ng una ay no'ng may charity event na nangyari at ang pamilya nila ang isa sa mga sponsors. May program din naman ang daddy niya na katulad ng mga Perez, na dinadaluhan din nila ng kuya niya.

Si Troy ang ambassador sa childhood foundation na 'yon na ipinatayo pa ng yumaong paternal grandparents nito na mas lalong pinalago ng mga magulang ng binata hanggang sa ito na ang mamahala doon. Mga street children, inabandonang mga bata at pinagmalupitang mga bata ang naroon na wala ng mga nag-aalaga, from eighteen and below. Lahat ng mga bata ay halatang malapit sa binata and vice versa, ang cute ngang tingnan ng mga ito kanina habang nakikipaglaro ang mga it okay Troy.

Kasalukuyan ay nasa canteen sila ng foundation para mag-meryenda at nasa hotseat nga si Troy ngayon.

"Ano sa tingin mo?" siya ang nagsalita para kausapin ang batang lalaki.

Mabilis naman itong bumaling sa kanya. "Ang sweet n'yo po kanina at bagay na bagay din po kayo." Sabi ng batang lalaki.

Napangiti at kinilig tuloy siya. Totoo kasi e, ang sweet, napaka-caring at thoughtful kasi kanina ni Troy sa kanya simula nang dumating sila sa lugar, napapatanong nga sa kanila ang mga madre na doon din namamalagi at nagsisilbing tagapangalaga sa mga bata kung siya na ang babaeng nakapagpatino kay Troy, lahat nagsasabi na bagay sila, pero syempre pa, feel na feel niya. Sadly, siya lang yata sa kanilang dalawa ang feel na feel ang tuksuan.

"Oh, 'ayan, Troy, narinig mo naman ang sabi ng bata." Nakangiting tukso niya sa binata.

"No, Seb, we're just friends." Sagot ni Troy sa bata. Saka nito sinalubong ang mga titig niya. "Kumain ka na nga lang, aalis na din tayo agad, may bisitang naghihintay sa akin sa bahay." anito.

"Sino?" curious na tanong niya.

"Isang kakilala,"

"Tapos na akong kumain, tara na at baka importante 'yon."

Umiling ito. "It's okay, kumain ka lang."

Sumubo uli siya ng pancit bihon na nasa plato niya. Bigla siyang na-curious, sino nga kayang bisita ang naghihintay na binata, babae kaya? Sana hindi!

Pagkatapos nilang kumain sa canteen ay tuluyan na rin silang umalis sa foundation, dadalaw na lang uli sila sa susunod. Ni hindi na nga rin natuloy ang lunch nilang dalawa dahil kailangan na nitong puntahan ang bisita nito, hindi tuloy niya napigilang malungkot, pero babawi naman daw uli ito sa susunod.

Inihatid na muna siya nito sa bahay nila bago ito tuluyang umuwi sa bahay ng mga Perez—kung nasaan ang bisita nito. Naglalakad na siya papasok sa loob ng bahay nila nang maalala niyang nasa kanya pala 'yong phone ng binata, ipinabulsa kasi nito sa kanya kanina habang nakikipaglaro ito ng basketball with the kids.

Nagmamadali siyang lumabas para mag-abang ng taxi, mas mabilis kasi kung mag-commute na lang siya, agad naman siyang nakakita at agad na nagpahatid sa mansion ng mga Perez. After thirty minutes ay nakarating din siya doon, nag-doorbell siya at agad namang pinagbuksan ni Milet, ang isa sa apat na mga katulong nina Troy.

The Dating Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon