Special Chapter

1K 31 5
                                        

"Mom, dad, kuya, nasaan na ba kayo? Ang tagal n'yo, ha! Baka maging epic fail pa tong planned wedding proposal ko for Troy!" sigaw ni Nessie.

Mabilis namang nakalapit ang kapatid sa kanya. "Ikaw ba talaga ang dapat mag-propose sa kaibigan ko? Hindi mo ba kayang maghintay ng isa pang taon? Baka sakaling mag-propose na rin siya." suhestyon ng kuya Tycho n'ya.

Umiling-iling siya. Final na ang desisyon n'yang mag-propose sa kasintahan. Two years na ang relasyon nila at matagal nang magkakilala, ano pa ba dapat ang hihintayin nila? Saka stable na silang dalawa ni Troy at may sarili na ring bahay ang kasintahan, kasal at asawa na lang ang kulang sa lalaki--at siya 'yon!

Ang ipinaalam ni Nessie sa kasintahan ay may family and friends get together dinner sila sa may yate, ngunit kinakuntsaba n'ya ang lahat. On hands din siya sa naging preparations at ayon sa chef na nagluto ng mga foods ay maayos na daw ang lahat.

Sabi n'ya kay Troy ay sa yate na lang sila magkikita-kita nang alas-siyete y media, pero malapit nang mag-alas siyete y media ay nasa bahay pa rin sila.

"Mom! Dad!"

"Nandyan na!" sabi ng mga magulang n'ya. Hindi n'ya napigilang matawa sa ayos ng mga ito.

"Dinner ang pupuntahan natin at hindi ko pa kasal." naka-gown ang mommy n'ya at naka-tuxedo naman ang daddy n'ya, samantalang siya ay simpleng knee length dress lang para di masyadong obvious na pinaghandaan nya nang husto.

"You look stunning and very beautiful, hija, dapat makasabay kami ng dad mo." sabi ng mommy nya. Napapailing na lang ang kuya nya. Pero sa huli ay nagpalit din ang mga ito nang mas simpleng mga damit.

Nang makarating sila sa yate ay naroon na rin ang mga kaibigan nila maliban na lang sa kasintahan nya.

Mag-aalas-otso ay wala pa ito kaya tinawagan na nya ito. At napag-alaman n'yang inaayos pala nito ang nasirang sasakyan, though malapit na rin naman daw ito doon, kaya sa huli ay nagpasya na lamang siyang sunduin ito at hilain na lang ang sasakyan nito para dalhin sa safe place at ipagawa na lang kinabukasan.

Hindi maaaring hindi matuloy ang wedding proposal n'ya tonight, halos isang buwan n'ya 'yon pinag-isipan at since may yate ang isa sa mga kaibigan nila, nakiusap siya ditong hiramin muna.

Alam ng mga kaibigan nila ang plano nya, though at first ay nag-alinlangan ang mga ito dahil siya ang magpo-propose, di pa daw kasi nakakakita ang mga ito na babae ang magyayaya ng kasal, ang sabi lang n'ya ay nasa new generation na sila at pantay-pantay na lang ang mga lalaki at babae.

Nagpaalam lang siya saglit sa mga kasama nya sa yate para sundan ang kasintahan. Dala ang sasakyan n'ya ay tinungo ang lugar na sinabi ni Troy.

Malayo pa lang siya ay tanaw na tanaw na niya si Troy na nag-aayos ng sasakyan. Nang makarating siya doon ay agad itong bumaling sa kanya at ngumiti.

"I'm sorry, wrong timing..." nakakamot at nakangiting sabi ng lalaki sa kanya. "And wow! You look extra beautiful tonight, baby." dagdag pa nito, saka nito isinara ang hood ng sasakyan nito at agad na nakalapit sa kanya saka siya hinalikan sa kanyang ulo.

"You look the handsomest too, baby." ganti n'ya. He was wearing a black long sleeve ngunit nakatupi 'yon hanggang siko.

"May rope ka ba d'yan? Hilain na lang natin ang car mo para dalhin sa isang safe place para ipagawa bukas." suhestyon nya.

Umiling ito. "I'll just call someone to take care of this matter," sabi nito, na tinanguan nya.

Akmang maglalakad na sila pabalik sa sasakyan ay mabilis siyang pinigilan nito. Nagulat na lang siya nang iniluhod nito ang isang tuhod saka mabilis na inilabas ang isang yellow gold diamond ring.

Napatakip siya sa kanyang bibig at mabilis na tumulo ang luha sa kanyang mga mata sa mixed emotions na noon ay nararamdaman nya.

Is this for real? Pero siya dapat ang magpo-propose dito.

"Please marry and spend forever with me, Nessie..." masayang sabi nito.

Mabilis siyang tumango-tango saka ipinasuot ang singsing na hawak nito sa kaliwang daliri nya saka tinulungang tumayo ito at sinugod nang mahigpit na yakap.

And the fireworks started to light up in the night sky that added sweetness to his proposal. Sino'ng mag-aakala na sa daan magpo-propose ang lalaking mahal n'ya?

"Yuhoo! Congrats, guys!"

Narinig n'yang may nagsigawan at nagpalakpakan. Nang kumalas siya sa pagkakayakap sa lalaki ay nakita n'yang sumunod din pala ang pamilya at mga kaibigan nila sa kanila. Mabilis nakalapit ang mga ito para batiin sila.

"You knew all of this?" tanong nya na tinanguan ng mga ito. "Pero alam nyo din na magpo-propose ako sa kanya."

"Nauna siyang nagplano, hija, nakapagpaalam na nga siya sa amin, e, at dapat sa yate din gaganapin kaso nauna kang nagpa-reserba." nangingiting sabi ng mom nya.

Nagkatawanan ang lahat. Mabilis siyang bumaling sa lalaking ngayon ngayon nga ay mapapangasawa na nya.

"You surprised me." muli siyang napaiyak kaya mabilis nitong pinunas ang mga luha nya. "But i'm still going to propose to you." aniya saka niya mabilis ring inilabas ang singsing na binili nya. "Be my husband, Mr. Perez."

"Teka, parang command naman 'yong sinabi mo, hindi tanong." natatawang sabi ni Tycho. Natawa uli ang lahat.

"I'll promise to love you every single day of forever, Mr. Troy Perez. Will you be my husband?"

Natawa ito saka siya mabilis na hinalikan sa mga labi n'ya. "Of course, even in our next life, next next life and till eternity and beyond..."

Muling nagsigawan at nagsipalakpakan ang lahat. Kasabay n'yon ay ang malakas na putukan ng fireworks na may iba't ibang kulay sa kalangitan.

He then again kissed her with tender love and care. This man is the sweetest.

She have found her soulmate, her one true love, her one and only forever and always, all in one with her beloved Troy.

"Balik na tayo sa yate, gutom na kami! Mamaya na lang uli 'yang mga ka-sweet-an na 'yan!" reklamo na ng mga pamilya at kaibigan nila.

At nakaalis na ang mga ito patungong yate ay naroon pa rin sila at ipinapadama ang labis-labis na pagmamahal sa isa't isa.


-Wakas-


The Dating Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon