"Thanks," nakangiting sabi nito. "I'm sorry, I didn't bring anything. What do you want for tomorrow?" tanong nito, saka nito binuksan ang box at nagningning ang mga mata nito nang makita ang nasa loob. "A squirrel." Masayang sabi nito. It's a squirrel keychain. May pagka-obsess kasi ito sa cute animal na 'yon since high school days.
Sa katunayan ay may collections na ito ng squirrel; dolls, shirts, even his bed sheets and pillowcase, phone and laptop wallpapers—ang dahilan nito ay nakakagaan ng puso ang panunood sa squirrel and he loves the movie 'Alvin and the chipmunks' at kumpleto ito sa lahat ng volumes.
"Thanks! I don't know what to say." Masayang sabi nito. Hindi rin niya maiwasang mapangiti, ang dali kasi nitong pasayahin and she didn't find it gayish, mas nacu-cute-an pa nga siya dito, e. "This is the twenty third squirrel gift you've given me." Nakangiting sabi nito.
"Bilang mo?" amazed na tanong niya.
Tumango ito at ngumiti sa kanya. "Oo naman, thankful kasi ako lagi at tumatatak 'yon sa puso ko." Anito.
"Buti pa pala 'yong pagbibigay ko ng squirrel gift tumatatak sa puso mo, sana pati 'yong nagbibigay." Nakangiting sabi niya.
"Nasa puso rin naman kita."
"Right," naiiling na sabi niya; of course, as a sister and a friend.
Ngumiti ito sa kanya saka inabot ang ulo niya para guluhin ang buhok niya. "Thanks talaga, ang cute."
"Cute kasi ng pagbibigyan ko," nakangiting sabi niya.
"Akala ko dahil cute ang nagbigay." Nakangiitng sabi din nito.
"Puwede rin." natatawang sabi niya. "Tungkol pala sa tinatanong mo kung ano ang gusto ko, actually, ikaw lang sapat na sapat na, pero may gusto rin sana akong gawin na matagal ko nang pinapangarap gawin kapag kasama ka."
Napakunot-noo ito sa pag-iisip. "Ano 'yon?"
"Do you still have that cute chipmunks shirt that I've given you several months ago?" tanong niya sa lalaki.
"Why?" curious na tanong nito.
Napangiti siya dito. "Meron din kasi ako no'n at balak ko sanang isuot 'yon para couple t-shirt, kaso ayaw mo naman yatang isuot lalo na kapag suot ko din." Nalungkot siya.
"Kaya pala kinukulit mo akong isuot 'yon para makasabay ka sa akin." Naiiling at nangingiting sabi nito.
"Tama!" natawa na din tuloy siya. "Kaya nga bukas sabay nating isuot 'yon."
"Kailangan pa ba talagang isuot 'yon? Hindi pa ako nakakapagsuot ng couple t-shirt." Tila may pagtutol sa tinig nito.
"Sige na, isang beses lang naman, e." nagsusumamong wika niya.
"Masarap ba ang frappe mo?" pag-iiba nito, muli niyang kinulit pero iniba lang nito uli ang topic kaya alam niyang hindi talaga nito feel ang magsuot ng couple shirt, sayang dahil akala niya ay makakalusot na siya, pero hindi pa rin pala.
Habang abala silang nagkukuwentuhan tungkol sa kani-kanilang mga trabaho ay biglang may babaeng sumingit sa eksena. Malandi itong ngumiti sa lalaking kasama niya and they seemed to know each other. Maganda ito, matangkad at sobrang sexy ng damit; hapit na hapit sa slim na katawan nito at kitang-kita ang cleavage nito. Mabilis namang napatayo si Troy at nginitian ang babae bago bumaling sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Dating Game (COMPLETED)
Chick-LitTROY's STORY! Nessie Zayllah has been in love with her brother's best friend Troy Perez. Pero ang nakakalungkot lang ay nakababatang kapatid lamang ang tingin nito sa kanya at hindi siya makasingit sa kali-kaliwaang pambababae nito. Pero kailanman...
