BORED na bored si Nessie buong maghapon, thinking na hindi niya makikita ngayong araw si Troy, mas lalo tuloy naging mabagal ang oras para sa kanya at mas dumami ang mga gawain niya. Hindi rin siya nakapag-lunch dahil pakiramdam niya ay wala din naman siyang gana kaya nag-meryenda na lang siya, kaya ngayon ay nagugutom siya.
Nauna na siyang nagpaalam sa mga tauhan niya na mauuna nang umuwi. Ngayong araw ay dala niya ang car niya dahil wala si Troy para sumunod sa kanya. Sa dalawang araw na nakalipas ay nagco-commute siya kapag nagpupunta ng trabaho dahil alam niyang susunduin at ihahatid siya ni Troy afterwards.
Nang makarating siya sa parking lot ay naglakad na siya papunta sa kinaroroonan ng sasakyan niya nang hindi niya napansin ang itim na sasakyang umaatras pala kaya mabilis din siyang napaatras ngunit napatili siya nang matapilok siya dahil sa suot niyang heels kaya natumba siya sa semento at tumama ang pang-upo at likuran niya.
Hindi gaanong masakit pero nagalusan ang kanang braso at pulsuan niya na unang tumama sa pagkakatumba niya dahil sa rough na semento ngunit hindi naman 'yon kalakihan. Mabilis namang bumaba sa sasakyan ang taong nasa sasakyan.
"I'm sorry miss." Sabi ng babae, saka siya mabilis tinulungang tumayo, pinampag pa nito ang skirt na suot niya dahil nadumihan 'yon nang makita nito ang galos sa braso at pulsuan niya ay bigla itong nag-alala. "Dalhin na kita sa hospital." Pamimilit nito sa kanya.
"Ah hindi na, okay lang ako, kasalanan ko din naman dahil hindi ako nakatingin sa sasakyan mo." Aniya.
"Are you sure?" anito, mabilis naman siyang tumango. "Eh, kung bumili muna tayo ng gamot sa malapit na drugstore para magamot agad ang mga galos mo? Teka, dito ka lang—"
Mabilis niyang hinila ang kamay nito. "Okay lang ako miss, ako na lang ang bibili, mukhang may mahalaga kang pupuntahan." Aniya.
Nagbigay ito ng pera pambili ng gamot niya pero mabilis niyang tinanggihan, sa huli ay muli siyang pumasok sa loob ng Mall para bumili sa botika ng gamot panglinis sa sugat niya. Naupo siya sa isang bench para gamutin ang sarili. Napapapikit siya sa hapdi ng hydrogen peroxide sa galos niya.
Pagkatapos niyang gamutin ang sarili ay tuluyan na rin siyang lumabas sa mall para magtungo sa parking lot at nilisan ang lugar. Umuwi siya kaagad sa bahay nila. Nang makapasok siya sa malaking gate ng bahay nila ay napansin niyang nakaparada sa garahe ang kotse ng kuya niya, mukhang narito ito para dumalaw.
Naabutan niya ang kapatid na nasa salas kausap ang mga magulang nila. Masaya siyang bumati sa mga ito at naupo sa tabi ng kuya niya at sa harapan ng mga magulang niya.
"Balita ko kina mom and dad ay nakikipag-date ka na daw." Sabi ng kuya niya, na ikinagulat niya, nakalimutan niyang sabihin sa parents niya na i-secret muna ang tungkol doon sa kuya niya. "Kailangan naming makilala ang lalaking idini-date mo kung gano'n." anito. May pagka-overprotective kasi ito sa kanya.
"Ahm, not now kuya, busy kasi siya sa trabaho niya." palusot niya, pero may katotohanan din naman dahil abala nga naman si Troy.
"Then, tell us kung sino siya? Family background or picture."
"H-Ha?" nagulantang na tanong niya, hindi pa siya prepared ipakilala ang lalaking idini-date niya saka magkakabukuhan na! "I don't have any pictures of him," muli niyang palusot. "Pero I can assure you na galing siya sa mabuting pamilya and his name is..." My gosh, ano'ng sasabihin niya? "T-Tro... Troster." Lihim siyang napailing.
"Troster?" sabay-sabay namang sabi ng mga ito. "How about his surname?" follow up ng kuya niya.
Napakamot siya ng ulo, bakit ba pinapa-kumplika nito ang sitwasyon? "Basta kuya, ipapakilala ko na lang kayo one of these days." Aniya.
"Siguraduhin mo lang ha," anito.
Napangiti ang mommy nila. "Pagpasensyahan mo na ang kuya mo hija, pinapangalagaan ka lang niya, bukod sa prinsesa ka namin ay ayaw ka din niyang masaktan."
Ngumiti siyang tumango sa ina. "Alam ko po, mom." Aniya.
"Hija, what happened to your arms and wrist?" biglang nag-alala ang mukha ng pamilya niya, mabilis naman siyang dinaluhan ng mommy niya para suriin 'yon.
"Muntik po kasi akong maatrasan ng sasakyan sa parking lot kanina, sa pag-atras ko po, e, natapilok ako at natumba at tumama ang arms at wrist ko sa rough part ng semento." Kuwento niya.
"Naku hija, mag-iingat ka naman sa susunod, ako ang hihimatayin sa 'yo, e." sabi ng mommy niya.
"Nagpunta ka na ba sa doctor?" sabi naman ng daddy niya.
"Samahan na kita para mas masuri ang lagay niyang sugat mo." Sabi ng kuya niya.
Mabilis naman siyang umiling at ngumiti. "Thanks for the concern guys, but I'm really okay, malayong-malayo ito sa bituka." Nakangiting sabi niya.
"Pero hija, magkakapeklat ka na." nag-aalalang sabi ng mommy niya.
"Don't worry mom, ipapa-derma ko po agad ito kapag gumaling na po at nagamot ko na din po ito kanina sa mall." Aniya.
Tila nakahinga naman ng maluwag ang mga ito, saglit pa silang nagkausap ng mga ito bago siya tuluyang nagpaalam sa mga ito para mauna na sa kanyang kuwarto. Pero bago pa siya makaakyat sa hagdanan ay narinig niyang dinidiscuss ng mga ito ang tungkol sa babaeng ipapakilala sa kuya niya—Yram Joyce daw ang pangalan.
NAGPAPAHINGA na si Nessie sa kama nang maka-receive siya ng text message, kumabog ang puso niya nang makita niyang galing 'yon kay Troy.
"Hi Nes, nandito ako ngayon sa harapan ng bahay n'yo." Anito. Kaya mas lalong kumabog ang puso niya, mabilis siyang tumayo sa kanyang kama para sumilip sa bintana, nakita nga niyang naroon ang lalaki, nakatayo sa harapan ng bahay nila habang nakasandig sa sasakyan nito at nakapamulsa.
Ano'ng ginagawa niya dito sa ganitong oras ng gabi? Aniya sa sarili, it's ten thirty. Saglit muna niyang sinipat ang sarili sa vanity mirror; naka-pajama na siya noon at white shirt, and she looks okay with that, agad na siyang lumabas ng kuwarto para daluhan ang lalaki sa harapan ng gate nila.
Nang makarating siya doon ay agad niya itong pinagbuksan. Biglang nag-alala ang hitsura nito saka siya agad hinawakan sa magkabilang balikat niya.
"Okay ka na ba? Wala bang masakit sa 'yo? Hindi ba nabagok ang ulo mo?" sunod-sunod na tanong nito. Saka nito chineck ang katawan niya bago napansin ang galos sa kanyang arms at wrist. "Masakit ba?" anito, saka inihipan ang sugat niya.
Hindi niya napigilang mapangiti at kiligin. Saglit siyang napatulala sa nakikita niyang concern sa lalaki. Papaano nito nalaman na muntik na siyang maaksidente? Nag-alala ba ito nang husto sa kanya? Lumubo nang husto ang puso niya, bihira lang kasi niya ito makitang mag-alala nang ganito—nang huli niya itong makitang mag-aalala nang gano'n ay no'ng muntik na siyang madaganan ng griller.
"Papaano mo nalaman?" tanong niya.
"Tumawag sa akin ang kuya mo para ipaalam ang tungkol sa surprise party ni Grant para kay Jo, tapos na-topic ka lang namin at sa lalaking idini-date mo," saka ito tumikhim. "At nabanggit nga niya ang tungkol dito."
"Kaya pinuntahan mo ako agad." Pigil-ngiting sabi niya. Mukhang kagagaling pa nito sa opisina dahil naka-long sleeve pa ito.
Tumango ito. "Feeling ko kasi kasalanan ko dahil hindi kita nasundo." Anito.
Mabilis naman siyang umiling-iling. "Wala kang kasalanan, ako 'yong hindi nakatingin sa dinadaanan ko, e." aniya, dahil si Troy ang laman ng isipan niya nang mga sandaling 'yon.
"Kung gano'n kumusta na ang nararamdaman mo?"
Ito, in love pa rin sa 'yo. Gusto niyang isagot pero 'di bale na nga lang. "Okay na ako, salamat." Nakangiting sabi niya. Nagulat na lang siya nang mabilis siyang niyakap nito nang mahigpit.
"Kinabahan ako nang husto nang malaman ko ang balitang 'yon sa kuya mo. You gave me a fright and a mini-heart attack." Anito, saka mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. Napangiti na lang siya at gumanti ng yakap sa binata.
BINABASA MO ANG
The Dating Game (COMPLETED)
ChickLitTROY's STORY! Nessie Zayllah has been in love with her brother's best friend Troy Perez. Pero ang nakakalungkot lang ay nakababatang kapatid lamang ang tingin nito sa kanya at hindi siya makasingit sa kali-kaliwaang pambababae nito. Pero kailanman...