16

2.8K 77 0
                                        

KINAHAPUNAN ay lumabas sila ni Troy para gumala sa kung saan-saan; nag-malling sila, nanood ng sine, nag-foodtrip, naglakad-lakad, nag-dinner sa isang magandang restaurant, nag-bar hopping at comedy bar. Indeed, this is one of the best days of her life.

He was really such a gentleman and sweet, nakahawak ba naman ito sa kamay niya sa buong oras na magkasama sila at siyempre dahil hindi siya maarte ay nagpaubaya lang siya but seriously, siya na siguro ang pinaka-masuwerteng babae sa mundo. Umabot ang kiligness niya ng lagpas hundred percent!

Pagkalabas nila sa comedy bar ay pasado alas dose na, ihahatid na sana siya ng binata sa bahay nila nang umungot siyang dumiretso sa bahay nito for another movie. Ayaw pa kasi niyang matapos ang oras na magkasama sila nito. Nagpaalam siya sa parents niya na baka doon na lang siya matulog sa condo ng binata—malaki naman ang tiwala ng mga ito sa kay Troy dahil gentleman at mabait ito, kaya sa huli ay pinayagan siya.

Ipinahiram ng binata sa kanya ang pajama at t-shirt nito para maging kumportable siya. Napangiti siya dahil para silang naka-couple na pantulog dahil pareho sila ng suot. Nasiyahan siya dahil hindi komontra si Troy sa balak niyang pagtulog sa condo nito. Naisip tuloy niya—nakapasok na nga ba siya nang tuluyan sa puso nito? Hindi niya napigilang mapangiti.

Nagsalang ang binata ng isang japanese horror movie, for a challenge; kung sino ang unang titili, sisigaw at pipikit ng mga mata ay matatalo at susundin ang consequence ng panalo. Ang weird din nilang dalawa e, nagawa pa talaga nilang manood ng horror movie sa gano'ng oras ng gabi.

Hindi nga sila tumitili, sumisigaw at pumipikit pero sobrang magkadikit naman silang dalawa ni Troy—'yong tipong wala nang space para sa hangin at imbes na sa pinapanood nila siya mag-concentrate ay sa lalaking katabi naman nakatuon ang atensyon niya, ang bilis ng pagkabog ng puso niya; hindi dahil sa pinapanood nila kundi dahil sa epekto ng binata sa kanya.

Nang hawakan nito nang mahigpit ang kamay niya dahil nasa climax na sila ng movie ay napakapit din siya sa leeg nito para yakapin ito. Kaya no'ng matapos ang movie ay saka lang uli niya nabigyan nang pansin kung gaano sila kalapit sa isa't isa. Nanlaki ang kanyang mga mata at mabilis na bumitaw sa leeg nito ngunit ito naman ang humapit sa baywang niya at inilapit ang mukha nito sa kanya.

Awtomatikong napapikit ang kanyang mga mata. Naramdaman niyang hinalikan nito ang magkabilang pinsgi niya, tungki ng ilong, magkabilang mga mata at sa kanyang noo—ang hinihintay niyang pagdapo ng mga labi nito sa kanyang mga labi ay hindi nangyari.

Saka lang siya napamulat ng mga mata nang magaan nitong tinapik ang pinsgi niya, niyaya na siya nitong matulog sa loob ng kuwarto nito. Walang natalo sa naging challenge nila. Pero ang lakas ng kabog ng puso niya dahil first time niyang makakasama itong matutulog sa iisang kuwarto.

"Diyan ka na sa kama, dito na ako sa sofa." Imporma nito nang makapasok sila sa kuwarto nito saka ito nagtungo sa sofa, siya naman ay sa kama. Sabay pa silang nahiga sa kani-kanyang higaan bago pinatay ang ilaw ngunit napa-paranoid tuloy siya dahil sa pinanood niya.

"Ahm, Troy, pwede din namang dito ka na lang sa tabi ko matulog, promise, hindi kita gagapangin, may unan naman, e." aniya.

Narinig niya itong tumawa. "Baka ako ang hindi makapagpigil,"

"Ha?"

"I mean, I'm okay here,"

"N-Natatakot kasi ako..." pag-amin niya, narinig uli niya itong tumawa bago niya narinig ang mga yabag nitong palapit sa kanya, kapagdaka'y naramdaman niyang tumabi na ito sa kama.

"Kamay mo," anito, naaninag niya gawa ng liwanag ng buwan sa bintana, itinaas nito ang kamay nito kaya itinaas din niya ang kamay niya, nagulat siya nang pagsiklupin nito ang mga 'yon. "Matulog ka na, babantayan kita." Anito.

Hindi niya napigilang mapangiti sa kilig. "S-Salamat," saka siya pumikit, ngunit parang ayaw pa niyang matapos ang gabing ito para sa kanila ni Troy. Paano kung hindi na ito muling maulit? Pasado ala dos na at may pasok pa siya sa shop bukas ngunit ngayon lang naman niya ito makakasama nang ganito katagal at magkatabi pa sila sa kama. "P-Puwede bang magtanong sa 'yo nang kahit ano?" aniya.

"Okay,"

"Ang sabi mo kanina, iba ako sa mga babaeng nakilala mo, ano ba ang kaibahan ko sa kanila?" curious na tanong niya.

Hindi ito kaagad nakasagot. "'Yong mga babaeng nakaka-date ko, hindi mahilig manood ng mga horror movies at sports at masyado din silang conscious sa sarili nila."

"'Yon ba ang mga type mong babae?" aniya at kaya ba siya hindi magustuhan nito dahil medyo boyish ang dating niya?

"No." sagot nito.

Tipid naman siyang napangiti, ibig bang sabihin ay may pag-asa na siya? "Ahm, m-may nakasama ka na bang babae na matulog sa isang kuwarto?" lakas-loob na tanong niya.

"Yes," diretsong sagot nito. "But it's just pure... you know," anito.

Saglit siyang natahimik at tila nawalan nang itatanong. Tanggap pa rin naman kung hindi siya ang una nito basta ang mahalaga ay siya ang huli nito—siya nga ba?

"Tulog ka na ba?" narinig niyang tanong nito.

"Thanks for this day, Troy, I will cherish this day, forever." Aniya.

"Thank you Nes for being with me today, I really had so much fun and I'd never been this happy in my entire life."

Napangiti ng tipid at medyo naiiyak na sinabi nito, she was touched! Kapagdaka'y naramdaman niyang hinalikan nito ang ibabaw ng kamay niya. "I love you, Troy, forever..."

"Hmm?"

"I said, good night Troy."

"Good night Nessie, see you in my dreams."

Ngumiti at tumango-tango na lang siya sa sinabi ng binata saka siya nakangiting pumikit. Sana nga ay magkita sila sa panaginip nito—sana din ay kahit sa panaginip man lang ay maramdaman niyang mahal siya nito at magkatuluyan sila.

The Dating Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon