"Troy?" tawag niya sa lalaki. Saglit pa ay narinig niya ang ingay na nagmumula sa bathroom, mukhang naliligo ang binata.
Napangiti siya at napahagikgik nang may pumasok na maharot na ideya sa isipan niya. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa pintuan ng bathroom para idikit ang isang tainga sa pintuan at nang mapakinggan ang ganap sa loob.
Narinig niya itong kumakanta ng isang Adele song. Napangiti siya. Buti pa si Troy napaka-milennial hindi katulad ng kuya Tycho niya na ipinanganak yata sa panahon ng mga lolo niya at nag-time travel lang. Naalala tuloy niya ang dalawang classical songs na nasa phone pa niya, na hindi pa pala niya nai-erase.
Muli niyang itinuon ang atensyon sa lalaking nasa loob ng CR, ang ganda ng boses nito; ang husky pero ang sarap pakinggan, sabagay miyembro naman ito sa The Keso band no'ng high school na miyembro din sina; Gray, Tycho at Grant—na umalis din agad sa grupo para mag-aral sa Manila.
Kumakanta din naman siya pero sa loob lang talaga ng CR though sinasabi naman ng mga kaibigan at pamilya niya na may boses siya. Wala lang kasi siyang lakas ng loob para i-share at ipakita 'yon sa iba. Exclusive lang 'yon sa kanya at sa malalapit na tao sa buhay niya.
Natutop niya ang kanyang bibig nang hindi niya napigilang mapahagikgik. Ini-imagine kasi niya kung ano ang hitsura ni Troy na nasa loob ng CR; naka-boxers kaya itong naliligo o baka... Napailing-iling siya. Pakiramdam niya ay nag-init ang air conditioned room ng binata dahil sa pinag-iisip niya at kung saan-saan na agad naglalakbay ang kanyang isipan.
Pero in fairness talaga ay napakaganda ng katawan ni Troy, walang-wala sa mga abs at biceps ni Piolo Pascual o ni Chris Evans, though naihahawig niya si Troy sa huling Hollywood actor na naisip.
Ang hot nito at lakas ng appeal kaya marami talagang nahuhumaling dito kung puwede nga lang niyang itago ito sa bag niya at ikandado na lang para kanya lang ito ay ginawa na niya o piringan ang mga babaeng tumitingin dito.
Yeah, nakita na niya ng ilang beses ang hubad na upper body ng binata pero hindi pa rin kasi siya ma-immune-immune dahil ang lakas pa rin ng tibok ng puso niya kapag bumubulaga ang biyaya ng Diyos na 'yon sa harapan niya!
Mahilig din ang lalaki sa sports tulad niya lalo na ang basketball, actually lahat din ng mga kaibigan nito ay sportsminded kaya lang ay mas active si Troy sa iba at isa pa sa mga napag-kasunduan nila ay ang panonood ng basketball.
Mas lalo niyang inilapit ang tainga niya sa pintuan para marinig ang pagkanta nito sa loob pero nagulat at napahiyaw siya nang biglang bumukas ang pintuan ng CR at muntik na siyang matumba at masubsob sa semento, mabuti na lang at maagap siyang nasalo ng binata.
Ngunit nanlaki ang mga mata niya nang mahawakan niya ang hubad na upper body nito at ang akto pang nahuli siya nito na nakikinig sa harapan ng pintuan nito. For sure, bawas ganda points na naman ito sa kanya at baka isipin pa nito na manyakis siya. Nag-iipon pa naman siya ng ganda points dito pero...
"Were you peeping on me?" anito. Saka siya tinulungang umayos ng tayo.
Napalunok siya nang mariin dahil lantaran ang ka-hot-an nito sa harapan niya! God! Sira yata ang aircon sa kuwarto ng binata. Napatulala siya just like the old times. Kung hindi pa ito pumitik sa harapan niya ay hindi pa siya babalik sa katinuan niya.
"H-Hindi ah," pagkakaila niya saka siya mabilis na nag-iwas ng tingin sa lalaki. "T-Tatawagin lang sana kita para mag-dinner," palusot niya. Akmang tatakas na siya sa lalaki nang mabilis itong humarang sa harapan niya. Ang bilis ng tibok ng puso niya at halos magtumbling-tumbling na yata ang sikmura niya sa loob ng katawan niya.
Sinundan ni Troy ang kanyang tingin. "You want to see me naked, huh!" tukso pa nito sa kanya, saka nito hinawakan ang buhol ng tuwalya nito at mukhang nagbabantang ipakita ang kayamanan nito sa likod ng tuwalyang 'yon!
![](https://img.wattpad.com/cover/147871983-288-k68673.jpg)
BINABASA MO ANG
The Dating Game (COMPLETED)
ChickLitTROY's STORY! Nessie Zayllah has been in love with her brother's best friend Troy Perez. Pero ang nakakalungkot lang ay nakababatang kapatid lamang ang tingin nito sa kanya at hindi siya makasingit sa kali-kaliwaang pambababae nito. Pero kailanman...