19

3.5K 83 0
                                        

"MAY PA-I'LL SEE you, I'll see you again tomorrow pa siyang nalalaman pero hindi rin naman pala makakapunta. Nakakainis! Pero tama ba ang ginawa kong pagbibigay sa kanya ng oras na pag-isipan ang tungkol sa nararamdaman niya? Hindi ba dapat sinunggaban ko na lang 'yong '...I already have fallen for you' niya sa akin? Pero ang selfish ko naman n'on dahil alam kong nabigla lang siya sa sinabi niyang 'yon sa akin pero alam kong special ako sa kanya, pero baka hindi lang niya na-differentiate 'yon sa love. Sa dinami-dami ba naman ng babaeng naka-date at nakasama niya, baka nabigla lang uli siya. Pero paano kung totoong mahal niya ako?" Shut up! 'Di ba nga, kung mahal ka niya babalikan ka niya, kaya chill ka lang! Isang araw lang naman siyang hindi nagpapakita sa 'yo, feeling mo naman forever na, kalma lang! "But I couldn't help it! Gusto kong magsisi dahil hindi ko gr-in-ab 'yong moment na sinabihan niya ako ng gano'n, pero gusto ko din palakpakan ang sarili ko dahil naging considerate ako. Pero paano nga kaya kung ang totoong kaligayahan pala niya ay si Amber? Paano na ako?"

"Nessie, okay ka lang ba?" nagtatakang tanong ng Kuya Tycho niya, na hindi na pala niya namalayang nakapasok na sa kanyang kuwarto. Nakahiga siya no'n sa kama niya habang kausap ang kanyang sarili—kaya mabilis siyang napaupo saka bumaling sa kapatid.

"Kuya, hindi ka man lang kumatok!" Aniya.

Umiling-iling ito sa kanya. "Nakikita mo ba itong kamao ko, mahal kong kapatid? Namumula na nga sa kakakatok ko pero hindi mo man lang naririnig!" anito.

"Eh, ano, kasalanan ko?"

"Naka-isang daang katok yata ako, e," exaggerated na sabi nito. "Nang hindi mo ako pinagbubuksan ay pumasok na ako, narinig pa nga kitang nagsasalita mag-isa. Ano'ng nangyayari sa 'yo?" nagtatakang tanong nito, saka ito tumabing umupo sa kama.

"Wala kuya, may iniisip lang kasi ako." aniya.

"Si Troy?"

Hindi siya agad nakasagot pero sa huli ay tumango na lang din siya. "He said that he already have fallen for me, pero kuya, tinanggihan ko siya!"

"Sinabi na niya sa 'yo ang lahat?" gulat na sabi nito.

Napakunot-noo naman siya. "Tungkol saan?" nagtatakang tanong niya.

"Silly!" natatawang sabi nito, saka nito ginulo nang ginulo ang buhok niya hanggang sa maging bruha siya. "To tell you the truth, a decade ago, he said to me that he loved you more than friends or a sister," anito, na ikinalaki ng kanyang mga mata sa gulat. "Pero sinasabi ko sa kanya na kung nagbibiro siya ay hindi 'yon magandang biro at maghanap na lang siya ng ibang babaeng maloloko dahil hinding-hindi ko siya mapapatawad kapag sasaktan ka niya at baka magulpi ko dagdag pa na itatakwil ko talaga siya bilang isang kaibigan—and the following days ay nalaman ko na lang na gusto na niyang ligawan si Amber, kaya tama ako nang hinuha na baka trip-trip lang ang nararamdaman niya sa 'yo. Kaya lang naudlot ang panliligaw niya kay Amber at naunahan siya ng iba at makalipas ang ilang taon ay naging talamak na siyang babaero, but you know what, a few weeks ago, inulit niya ang sinabi niyang 'yon sa akin ten years ago, sinubukan ka daw niyang kalimutan sa pamamagitan nang panliligaw nang iba't ibang mga babae pero hindi ka nga daw niya makalimutan kahit ilang babae na ang i-d-in-ate niya—nakikiusap siya na bigyan ko daw siya nang pagkakataon para mapatunayan sa akin ang totoong intension niya sa 'yo, inamin naman niyang maloko siya at hindi maipapangako na hindi ka niya masasaktan, ngunit gagawin daw niya ang lahat nang makakaya niya para hindi ka saktan." Naiiling na sabi nito. "I asked him, bakit ngayon lang uli siya naglakas ng loob na sabihin 'yon at magpaalam sa akin—at ang sabi niya, ngayon lang daw siya nakaipon ng lakas ng loob para kung sakaling gulpihin ko siya dahil sinaktan ka niya—kaya na niyang depensahan ang sarili niya."

The Dating Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon