***A/N: Pasensya na mga beshy, hindi ko pa kasi ito lubusang nai-edit kaya hindi ko ma-post nang diretso, mas gusto ko sanang i-post na lahat para minsanan ang hirap at saya. haha... Two chaps muna :)***
"KAILANGAN kong magpaganda nang husto para maakit at ma-impress si Troy sa akin at para makita niyang pang-girlfriend material talaga ako, na dapat seryosohin. May one month ako para makuha ang puso niya, I need to give my very best shot!" pagpapalakas ni Nessie sa kanyang sarili. Ang isa sa mga naisipan niyang gawin para ma-impress si Troy ay ang ipagluto ito. It's Saturday morning at dayoff niya.
Nasa kusina siya sa bahay nila kasama si yaya Melva dahil magpapaturo siya nang pagluluto at dala-dala rin niya ang kanyang notebook para makapag-jotdown ng mga importanteng dapat tandaan. Sa buong buhay niya, ngayon lang talaga siya sobrang mag-e-effort para matutong magluto—at dahil 'yon kay Troy Achilles Perez!
Natatakot at naloloka nga ang tatlong katulong nila sa bahay nang sabihin niyang gusto niyang magluto! Kasi no'ng last time na magluto siya ay muntik nang magkasunog sa bahay nila kaya kahit gustuhin niyang magluto ay ayaw talaga ng tadhana pati na ng parents niya kaya pinababantayan siya lagi kapag nasa kusina siya dahil baka daw maisipan niyang magluto.
Isang linggo na lang ay magsisimula na ang 'Dating game' nila ni Troy, kailangan muna kasi nitong makipag-break sa mga current girlfriends nito kaya humingi ito ng ilang araw para maayos muna nitoang relationship status. Kahit kasi babaero ito at maraming nakaka-relasyon ay maayos pa rin itong nakikipag-hiwalay sa mga babaeng nakakasama nito, gentleman nga naman kasi ito.
"Ahm, Nessie, sigurado ka ba talagang gusto mong matutong magluto?" nakangiting tanong ni yaya Melva. Ang mga katulong sa bahay nila ay halos isang dekada na rin sa kanila at tapat na naglilingkod sa pamilya nila, nasa early forties na ang mga ito at may kani-kaniyang pamilya sa probinsya.
"Yaya, sa tingin mo ba matututo talaga akong magluto?" tanong niya.
"Pero 'di ba nag-culinary arts ka dati? Tapos nag-aral ka pa sa online ng cooking?" tanong nito. Two years ago ay nag-enroll siya ng culinary arts sa isa sa mga Universities dito sa bansa pero wala din naman 'yon naitulong sa kanya, kahit na ang pag-aaral niya online. Wala talagang hilig ang pagluluto sa kanya!
"Yaya, baka this time matuto na ako, gagawin ko po ito para sa future husband ko, kailangan ko pong matuto para hindi na siya maghanap ng iba at para mas lalo siyang mahulog sa akin."
"Ideal girl po ba ni Sir Troy ang mga babaeng marunong magluto?" tanong nito.
"Alam n'yo po ang tungkol sa damdamin ko para kay Troy?" gulat na tanong niya. Sa parents lang niya sinabi ang tungkol sa feelings niya para kay Troy at bawal kumalat ang tungkol doon dahil baka makarating sa kuya niya! Kinabahan naman siya.
Ngumiti ito at tumango. "Oo naman, iba kasi ang ningning ng mga mata mo kapag nandito si Sir Troy o kapag nababanggit ang pangalan niya, hindi tulad kapag may mga nanliligaw sa 'yo na pumupunta dito sa bahay n'yo." Anito.
May mga manliligaw siyang minsan ay dumadalaw sa bahay nila para magpahayag ng tunay na damdamin pero ni isa sa mga 'yon ay hindi niya nagustuhan. She was likeable daw pero pagdating kay Troy ay hindi man lang gumagana ang pagiging likeable niyang 'yon. Kaya medyo nacha-challenge din siya sa lalaki dahil ito lang ang namumukod tanging hindi pumapansin sa kanya.
At talaga namang walang kasing saya kapag nakikita niya si Troy, kaya siguro naging obvious kay yaya Melva ang damdamin niya at magdo-doble ingat na lang siya kapag nasa paligid ang kapatid niya.

BINABASA MO ANG
The Dating Game (COMPLETED)
ChickLitTROY's STORY! Nessie Zayllah has been in love with her brother's best friend Troy Perez. Pero ang nakakalungkot lang ay nakababatang kapatid lamang ang tingin nito sa kanya at hindi siya makasingit sa kali-kaliwaang pambababae nito. Pero kailanman...