NGAYON ang araw nang surprise party ni Grant sa fiancée nito—ang kaibigan ng kuya Tycho niya at nina Troy at Gray. Inimbita din siyang sumama sa party na 'yon at hindi talaga siya tumanggi dahil alam niyang pupunta din si Troy doon.
Hindi siya i-t-in-ext o tinawagan ni Troy para maging partner nito sa party—baka kasi ayaw nitong malaman ng lahat super close na sila nito at hindi naman siya maaaring sumabit sa kapatid niya dahil kasama nito si Joyce sa party, si Gray naman ay may kasama ding iba, kaya no choice siya kundi magpunta doon ng mag-isa.
Nagulat nga si Troy nang makita siya sa yacht ni Grant kung saan gaganapin ang party, pero mas nagulat siya dahil may kasama itong dalawang babae bilang date nito sa party na 'yon pero syempre pa ay hindi siya pumayag na makipag-date ito sa iba—dahil nasa usapan nila 'yon kaya sa huli ay pinaalis niya ang mga isinama nitong date—nang sila lang si Troy ang nakakaalam.
Kaya sa huli ay dalawa din sila ni Troy ang magkasama na ikinangiti niya nang malaki. Nakilala din niya si Jo, ang fiancé ni Grant, ang sweet nga ng kaibigan ng kuya niya dahil niregaluhan nito ng yate ang babae. Nakilala din niya si Michelle, ang date ni Gray sa party at ang soon to be fiancée ng kapatid niya na si Yram Joyce. Iba-iba ang taglay na kagandahan ng mga babaeng kasama nila pero mukhang mababait at friendly.
At syempre pa ay kung magaganda silang mga babae, namumukod-tangi din ang mga lalaking kasama nila, they're very striking; lalo na si Troy, ang guwapo nito sa suot nitong semi-formal attire, nagmukha itong modelo. Nagsuot din siya ng white ball dress na above the knee.
"Buti naman hindi ka na katulad no'ng three days ago na tahimik, ang weird mo." Aniya kay Troy.
"May problema lang ako n'on." Sagot nito.
"Ano naman?"
"You don't need to know." Anito.
Saglit pa ay nagpaalam ito sa kanya, kaya nakipag-usap muna siya sa mga girls na nasa table din at nakipagkuwentuhan, kapagdaka'y nakita na lamang niya ito kasama pa ng iba pang mga kaibigan nito sa harapan nila; may hawak na kani-kanyang mga instrumento; si Troy sa drums, ang kapatid niya ay sa keyboards, si Gray naman ay sa guitar at si Grant ang sa lead vocals at bass guitar. They're going to sing! Kung sabagay, nagkaroon din naman ng banda noon ang mga ito—maaga lang nawala sa banda si Grant dahil magfi-first year high school ito nang lumipat ng manila para mag-aral.
Sa excitement niya ay napatili siya para i-cheer ang mga nagguguwapuhang mga kalalakihang nasa mini-stage para mag-perform, mayamaya ay nakigaya na rin ang iba pa niyang kasama sa mesa para mag-cheer sa kani-kanyang dates, maliban kay Joyce na tahimik lang. Magka-edad sila ni Jo na twenty five, twenty eight naman si Michelle at twenty seven si Joyce.
Kinanta ng The Keso boyband—ang pangalan ng banda ng kuya niya—ang Bruno Mars song na 24K pagkatapos niyon umungot pa uli sila ng isa pa, kaya isa pa uling Bruno Mars ang tinugtog ang kinanta ng mga ito. Nakakaliw at masayang-masaya ang pagtugtog na ginawa ng banda, ang cute kasi ng mga ito. Kaya habang tumutugtog ang mga ito ay nakikisabay na rin sila ng sayaw.
Nang matapos ang tugtugan ay nagsi-upo na ang lahat para sa speech ni Grant para sa fiancée nito, naramdaman naman niyang umupo sa tabi niya si Troy para makinig din sa speech ng kaibigan nito.
INDEED, napaka-sweet ang nangyaring 'yon kagabi. The long, sweet and inspiring speech of Grant to his fiancée, nahiling niyang sana kapag nagkatuluyan din sila ni Troy ay alayan din siya nito ng gano'ng speech o puwede ring haranahin na lang siya nang buong araw, maganda rin naman ang boses nito kapag kumakanta, e.
Habang abala siya sa kanyang itina-tally na sales nila sa shop ay naka-receive siya ng text message mula kay Troy, kaya awtomatiko siyang napangiti, ngunit agad din 'yong nawala nang mabasa niya ang laman ng text message.
"Hindi kita masusundo ngayon, sorry, nagkaroon ng emergency sa Childhood foundation, ipapasundo na lang kita sa secretary ko para maihatid ka sa bahay n'yo." Anito.
Ngunit agad din siyang nag-reply. "No, I'm okay, kaya ko nang umuwi. Ingat." Sagot niya.
"Okay, ingat ka din. Bawi ako sa 'yo bukas."
Sa pagte-text ni Troy sa kanya, nag-i-improve na ba ang samahan nila ni Troy? Hmm... kung sabagay, dati ay siya ang nauuunang mag-text dito, ngayon ay ito na, tapos noon ay hindi din ito nagre-reply sa mga text niya, ngunit ngayon ay nagre-reply na ito. Mas naging caring pa ito sa kanya pero sana ay wala na 'yong kinalaman sa sister thingy dahil ayaw na niyang ma-sisterzone uli.
"'Uy si ma'm Nessie, mas lalong bumu-blooming." Tukso ng mga tauhan niya.
Mabilis naman niyang nasapo ang magkabilang pinsgi niya. "Totoo ba?" nakangiting tanong niya, na mabilis namang tinanguan ng mga ito.
"In love na in love kasi." Sabi ni Yeng. "Well, maganda na tapos pinaganda pa lalo dahil sa love, hustisya naman po, ma'm Nes." Dagdag pa nito. Natawa na lang din tuloy siya.
Na-excite na siya sa kung ano ang pambawi ni Troy sa kanya bukas, sana ay 'yong sobrang kikiligin siya; okay na sa kanya ang love confession nito. Asa ka pa! mabilis na kontra ng isipan niya. O puwede ring dalhin na lang siya nito sa lugar kung saan dalawa lang sila—puwede sa isang malayong isla o 'di kaya sa ibang planeta na lang, 'yong makakasiguro siyang walang gagambala sa kanila, 'yong malaya nilang gawin ang anumang gusto nilang gawin.
Napangiti siya at kinilig sa naisip niya.

BINABASA MO ANG
The Dating Game (COMPLETED)
ChickLitTROY's STORY! Nessie Zayllah has been in love with her brother's best friend Troy Perez. Pero ang nakakalungkot lang ay nakababatang kapatid lamang ang tingin nito sa kanya at hindi siya makasingit sa kali-kaliwaang pambababae nito. Pero kailanman...