7

2.7K 70 1
                                    

"BABALIK AKO Nessie! Hinding-hindi ako susuko sa 'yo kahit harangan mo pa ako ng sibat at taniman mo pa ng bomba ang buong kapaligiran mo, lalapitan at lalapitan pa rin kita. That's how much I love you, Nessie."

"Kahit isang milyong beses ka pang magpabalik-balik dito, Marc, hinding-hindi pa rin magbabago ang nararamdaman ko para sa 'yo. As in, wala ka pa ring mahihita sa akin, please give up!" nakikiusap niyang sabi.

Though, nakaka-relate siya sa sitwasyon ni Marc—ang lalaking dalawang buwan na niyang manliligaw, na dati ay kaklase niya no'ng college sa parehong kurso. Nanligaw din ito sa kanya during college days ngunit binasted niya at ngayon nga ay nagbabalik-loob ito, palibhasa ay two months ago ay nagkita sila sa isang dinaluhang birthday party ng kakilala nilang pareho at nalaman nitong single pa rin siya kaya agad itong nagparamdam agad sa kanya.

Guwapo ito, may-kaya ang pamilya dahil nagmamay-ari ang mga ito ng isang malaking hotel chain at ito naman ay may sariling business at ma-effort itong tao ngunit hindi pa rin sapat ang charm nito para mapalitan nito sa puso niya si Troy. Alam din naman nito na may itinitibok na ang puso niya at matagal na niyang mahal ang lalaking nasa puso niya.

"Kilalanin mo sana ako nang mas mabuti pa at hayaan mong maipakita sa 'yo kung gaano ako ka-sincere." Anito. Balita rin niya sa mga naging kaklase niya dati ay wala pa daw itong niligawan simula nang mabasted ito sa kanya—mukhang tinamaan daw ito sa kanya.

Katulad din noon, hindi ito agad sumuko sa kanya hangga't hindi niya ito kinausap nang masinsinan, nagbakasyon pa nga siya sa States para makalayo dito. Siguro kung wala sa buhay niya si Troy ay baka sakaling mapansin niya ito. Minsan nata-touch siya sa mga efforts na ginagawa nito dahil sa lahat ng mga nanligaw sa kanya, ito ang pinaka-ma-effort at sweet.

Katulad ngayon, nagbigay ito nang sandamakmak na rosas at chocolates, gusto nga din nitong bilhin ang lahat ng stuffed toys niya sa shop niya at ireregalo lang din sa kanya, pero hindi niya 'yon hinayaan. Hindi naman ito nakakatakot na manliligaw—o obsess sa kanya dahil mas tamang sabihing napaka-pursigido nito para makuha ang puso niya.

"We can just be friends, Marc, can't we?" aniya. Mas gusto kasi niya itong maging kaibigan kahit kasi papaano ay nararamdaman niya ang nararamdaman nito—mahal ang taong may mahal nang iba.

"Hindi mo ba ako kayang bigyan ng chance?" anito.

Nakokonsesnya din tuloy siya sa binata dahil siya ikinulit kay Troy na bigyan siya nito ng chance, samantalang ito ay hindi man lang niya mabigyan ng chance. Hindi rin naman kasi puwede dahil kahit bigyan niya ito ng chance, si Troy pa rin ang laman ng puso niya at magiging unfair lang siya dito.

"I'm really sorry, Marc, but I really can't. As you know, I'm already in love with someone else."

"Si Troy pa rin ba?" anito, nasabi niya noon dito ang tungkol kay Troy dahil sa pangungulit nito. Tumango siya. "Ang ironic talaga ng mundo, may ibang mahal ang babaeng mahal ko. Ang tagal na nang damdamin mo para sa kanya, hindi ka pa rin—"

"No, actually, we're having a date tonight." Mabilis na sansala niya.

"R-Really?" gulat na tanong nito. Alam din nitong one sided ang damdamin niya sa binata kaya nagpu-pursige ito—kaya sana ngayon nalaman nito na magdi-date na sila ni Troy, mag-give up na ito. Tumango siya. Nakita niya ang biglang paglungkot ng mukha nito.

"Can we just be friends, please?" nagsusumamong sabi niya.

Saglit itong hindi nakapagsalita. "I-I'll think about it. Ayoko pa kasing sumuko sa 'yo, e." anito. "Basta kapag sinaktan ka niya, nandito lang ako willing yumakap at mag-tap ng likuran mo."

The Dating Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon