Nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi kaya naroon ang i-d-in-ilete niyang message? Oh, hindi! Mabilis siyang tumakbo palapit sa kapatid niya, tumama pa nga ang pinky finger ng paa niya sa maliit na mesitang sa tabi, napa-aray siya pero wala na siyang time indain 'yon dahil ang mahalaga ay mabura ang message na nasa recycle bin nito.
"N-Nasaan?" kinakabahang tanong niya.
Nakita niya itong tumawa at umiling. "Joke lang!"
"Kuya!"
Muli itong natawa. "Nakita kasi kita mabilis na kinalikot ang messages ko kanina kaya naisip ko na siguro na-wrong send ka sa akin kaya gusto mong i-delete 'yon nang hindi ko nalalaman."
Napakagat siya sa ibabang labi niya. Kahit kailan talaga ay ang galing nitong mag-conclude ng tama, sana ay nag-psychiatrist na lang ito, e. Napangiti na lang siya dito bago tuluyang bumalik sa kanyang kuwarto.
That was tough! Naiiling na sabi niya sa sarili.
"MAY DATE ka na naman? Lagi ka na lang may date kapag niyayaya kitang kumain sa labas. Tayo na lang kasi ang mag-date at tigilan mo na ang pambababae mo," naiiling na sabi ni Nessie kay Troy. Nagpunta siya sa bahay ng parents ng binata nang malaman niyang naroon ito.
Malapit lang naman 'yon sa bahay nila at alam din naman ng parents nito na patay na patay siya sa binata at ang nakakatuwa ay very supportive ang mga ito sa kanya pati na ang mga tita nitong malapit ang bahay sa mga ito. Ka-close na nga niya ang lahat ng miyembro ng pamilya nito, lalo na ang lola nito.
"Nessie, paano ko mahahanap ang right girl para sa akin kung hindi ko susubukang hanapin, 'di ba?" Naabutan niya ito sa kuwarto nitong noon ay bihis na bihis, at nasabi nga nitong may date daw ito.
"Eh, kasi naman e, nandito na nga ako ay naghahanap ka pa ng iba." Nag-start siyang lantarang manligaw sa binata simula nang magtapos siya ng kolehiyo—twenty five na ito noon at nagha-handle na ng Perez Group of companies.
Lumapit ito sa kanya at ginulo ang buhok niya. "Nes, para na kitang little sister and that would be incest."
"Excuse me, we're not blood related!"
"But in my heart, you're still that little girl I used to fond with."
Napalabi siya sa sinabi nito dahil tumagos ang sakit sa puso niya. "I'm not that little girl anymore, marunong na akong magmahal ng lalaki and I love you! Nanliligaw na nga ako sa 'yo, e." lantarang sabi niya.
"Hey," anito saka hinawakan ang magkabilang balikat niya. "Mahahanap mo din ang tamang lalaking nakatadhana para sa 'yo."
"Pero ikaw ang mahal ko, ayoko ng iba!"
He gently tapped her face. "Lagi ko itong sinasabi sa 'yo; akala mo lang mahal mo ako dahil lagi mo akong nakikita at nakakasama pero wala din 'yon ipinag-iba sa nararamdaman mong pagmamahal para sa kapatid mo."
"Of course not, alam ko naman kung paano i-distingusih ang dalawang 'yon, 'no!" aniya.
"Here we go again, Nes," naiiling na sabi nito.
"Stop dating those girls, ako na lang!" pagpupumilit niya. There were several times na sinundan niya ito sa date nito at itinaboy ang mga babaeng ka-date nito kaya madalas din ay sakit siya ng ulo nito.
"Lagi na nga tayong nagkikita, e, kailangan pa rin ba tayong mag-date?"
"Oo naman, 'yong tayong dalawa lang." nakangiting sabi niya.
"Gusto mo sabihin ko 'tong mga pinaggagagawa mo sa kuya mo—"
"No!" mabilis na sansala niya. "Okay, fine! Pumunta ka na sa date mo at sa susunod na lang tayo magde-date." Nakasimangot na sabi niya.
Ngumiti naman ito sa kanya at napailing na lang, bago ito tuluyang nagpaalam sa kanya. 'Yon naman lagi ang panakot sa kanya, e. Palibhasa alam nitong ayaw niyang malaman ng kapatid niya ang tungkol sa damdamin niya para dito, though may hula na din naman siyang alam na ng kapatid niya na crush niya si Troy—pero crush lang ang alam nito at hindi love.
Napabuga na lang siya ng hangin at umupo sa malaking kama nito. Kahit lagi-lagi siya sa kuwarto nito, hinding-hindi siya magsasawa pumunta doon; simple lang with a black and blue designs and wallpapers pero napaka-manly nang dating.
Napangiti siya nang makita niya ang photo frame ni Troy na nasa bedside nito. Kinuha niya 'yon at pinakatitigan nang husto, ni isang beses ay hindi siya nagsisising minahal at minamahal niya ang lalaking ito kahit pa madalas ay naiinis at nasasaktan siya dahil sa lantarang rejection at pakikipag-flirt and date nito sa ibang mga babae.
She could still remember how it all started. Napangiti siyang humiga sa kama nito habang nakatitig sa larawan ng binata at inaalala ang unang beses na nakaramdam siya ng kakaiba sa binata.
Fifteen years old lang siya no'n at nagkaroon ng barbeque party sa bahay nila, na ginanap sa labas ng bahay nila, summer vacation no'n at nagkataon naman na dumalaw si Troy sa kapatid niya. Siya at ang kuya niya no'n ang nakatoka sa pag-iihaw ng barbeque ngunit saglit itong nagpaalam dahil may kukunin sa loob ng bahay habang ang parents nila ay nagluluto din ng ibang putahe.
Habang nag-iihaw siya ay bigla na lang may malaking iguana na dumaan sa paanan niya—na hindi niya malaman kung saan nanggaling—at sa sobrang gulat at takot niya ay napatalon siya at napasigaw, hindi niya napansin na natabig pala niya ang ihawan at akmang mahuhulog 'yon sa kanya kasama na ang mga nagbabagang mga uling at mga iniihaw ay agad siyang nahila ni Troy.
Ngunit ito naman ang nasaktan dahil natapunan ang paa nito ng nagbabagang mga uling. Kaya ngayon ay may palatandaan ito ng paso sa kanang paa nito na siya mismo ang dahilan. Lubos siyang nagpapasalamat sa binata ngunit imbes na indain nito ang sakit ng paa ay nagawa pa nitong mag-alala at ngumiti sa kanya kaya hindi napigilan ng puso niya na mahulog dito.
Ang dating binabalewala niyang ginagawa nito para sa kanya katulad nang pagtulong sa paglilinis ng hapag-kainan kapag nakikikain ito sa kanila, ginugulo ang buhok at nanunood ng movie kasama siya ay nabibigyan na niya ng ibang kahulugan palibhasa ay aware na aware na ang puso niya sa presensya nito.
Wala pa siyang naging crush sa buong buhay niya maliban kay Troy. Oo, maraming mga guwapong artista, basketball players at singers pero parang tinamad na siyang tumingin sa iba dahil naka-fix na lamang ang puso at mga mata niya sa lalaki. At nang hindi na niya maintindihan ang inire-react ng puso niya ay kinausap na niya ito at sinabing gusto niya ito.
And that was her first confession, ever. At hindi siya magsasawa kailanman sa lalaki. Iba kasi ang intense ng pakiramdam na ipinadarama nito sa kanya, wala nang ibang makakatumbas n'yon dahil nag-iisa lang ito. Kaya kahit sino pang i-date at i-girlfriend nito, alam niyang hindi rin 'yon magtatagal!
Mahal niya ang lahat dito; mula sa pagiging babaero nito hanggang sa pagiging musikero, obsession sa squirrels at kahit sa anupamang kabaliwan nito. That's love!
BINABASA MO ANG
The Dating Game (COMPLETED)
ChickLitTROY's STORY! Nessie Zayllah has been in love with her brother's best friend Troy Perez. Pero ang nakakalungkot lang ay nakababatang kapatid lamang ang tingin nito sa kanya at hindi siya makasingit sa kali-kaliwaang pambababae nito. Pero kailanman...
