"Okay lang naman, ayoko kasi kayong ma-istorbo saka ayaw mo no'n nakapag-usap kayo nang medyo matagal, after how many years na hindi n'yo pagkikita."
Nanlaki ang mga mata nito. "How did you know? You eavesdropped?"
Yumuko siya saka tumango dito. "Eh, sa na-curious kasi ako nang sabihin ni yaya na si Amber ang bisita mo, ilang beses ko na ding naririnig ang pangalan niya—at siya ang first love mo, 'di ba?" Hindi ito sumagot pero silence means yes. "Siguro masayang-masaya kang makita siya uli, 'no?" pinilit niyang ngumiti sa lalaki.
"Oo," kapagdaka'y sagot nito. "Ilang taon din kaming hindi nagkita ni Amber, e. Nakakatuwang sa foundation ko pa siya makikita uli."
"She is a beauty with a heart." Aniya, pero deep inside para siyang sinasaksak ng punyal sa pinakagitna ng puso niya.
Tumango naman ito. "Halika na sa baba, kumain ka na at mag-take ng medicine para okay na ang pakiramdam mo mamaya." Anito, saka ito tumayo sa kinauupuan nito para lumapit sa kanya, hinila nito ang kamay niya para lumabas ng kuwarto niya para magtungo sa hapag-kainan.
Magkahawak-kamay sila habang pababa sa hagdan ngunit mabilis din niyang binawi ang kamay sa lalaki nang makita niyang palabas naman ang kuya niya galing sa kusina. Nanlaki ang kanyang mga mata at kinabahan.
"Oh, Troy, nandito ka rin pala, kaya pala sabi ni mom nasa room ka ni Nes." Anang kuya niya, mabilis naman silang nakababa sa hagdan.
"Oo 'tol, dinalaw ko, masama daw kasi ang pakiramdam." Ani Troy.
Mabilis naman bumaling sa kanya ang kapatid niya at tinitigan siya nang mapanuri. Kinabahan siya. May nahuhulaan na kaya ito sa nangyayari sa kanila ni Troy? Pagsasabihan na ba siya nitong layuan ang kaibigan nito? Sakaling masaktan siya kay Troy, posible bang masira ang friendship ng mga ito dahil involved siya? Ayaw naman niyang mangyari 'yon.
"D-Dinalaw lang ako ni Troy, wala namang ibig sabihin 'yon, e, saka pauwi na din siya." aniya, saka siya ngumiti nang pilit sa kapatid.
"Pauwi? 'Di ba sasamahan pa kita kumain?"
"Okay na ako Troy, magpahinga ka na rin, sige na," aniya.
"Are you really okay?" anito, akmang hahaplusin ang pinsgi niya nang mabilis siyang umatras.
"O-Oo, sige na, bye Troy, ingat sa biyahe." Aniya, saka niya agad itong hinila palabas ng bahay.
"Bakit? Natatakot ka pa rin ba sa kuya mo na malaman kung ano ang nangyayari sa atin at sa nararamdaman mo para sa akin?" anito.
"Bakit ikaw, hindi?" tanong niya.
"Hindi."
"Ano ka ba," naiiling na sabi niya. "Ayokong masira ang friendship n'yo ni kuya dahil sa akin."
"Teka, masisira? Bakit naman?"
"Kapag nasaktan ako dahil sa 'yo—syempre hindi naman 'yon maiiwasan dahil sa one sided feelings ko para sa 'yo—tiyak maapektuhan si kuya, ayaw kasi ako n'ong nasasaktan, e." aniya.
"Eh, bakit mo ba kasi iniisip na sasaktan kita?"
"Ano ka ba? Para naman hindi mo alam itong kahihinatnan nang ginagawa natin," napabuga siya ng hangin. "Alam ko naman na hindi pa rin ako nakakapasok sa loob ng puso mo,"
"Nessie—"
"Troy, pipilitin kong maging okay kapag sakaling naisipan mo nang lumugar sa tahimik lalo pa at nakita mo na uli ang babaeng unang nakapagpatibok sa puso mo, sabi ko naman sa 'yo, gagawin ko ang lahat para sa ikaliligaya mo."
BINABASA MO ANG
The Dating Game (COMPLETED)
Chick-LitTROY's STORY! Nessie Zayllah has been in love with her brother's best friend Troy Perez. Pero ang nakakalungkot lang ay nakababatang kapatid lamang ang tingin nito sa kanya at hindi siya makasingit sa kali-kaliwaang pambababae nito. Pero kailanman...
