"WOW! THAT was awesome! Ibang klaseng basketball game." Natatawang komento ni Troy habang nanunood sila ng Fireball ni Nessie, isang Thai movie na d-in-ownload niya last time para panuorin kasama ng binata, nakabasa kasi siya ng magandang feedback sa internet tungkol sa movie, actually ay no'ng 2009 pa ang movie na 'yon.
"Oo nga ang astig, walang rules and regulations sa paglalaro ng basketball." Amazed ding sabi niya, kaso masyadong pisikal at madugo ang laro at sa bawat laro at panalo ay may nababaldado. Nakakalokang palabas pero for the love of basketball.
Sinundo siya ng binata sa shop after ng work niya pagkatapos ay napag-desisyonan nilang mag-takeout na lang ng dinner dahil nasabi nga niyang may basketball movie siya at nagyaya naman agad ito sa condo nito para manood. Pagkatapos nga nilang kumain ay nagkayayaan na silang manood ng movie.
Pasimple siyang lumapit sa sofa na kinauupuan ng binata at hindi naman ito nag-react nang isandal niya ang kanyang ulo sa balikat nito. Gusto tuloy niya magtatatalon sa kilig pero nagkasya na lamang siya sa pagngiti nang lihim. Naalala na naman tuloy niya ang pagyakap nito sa kanya last week.
Yes naman, may almost isang linggo na rin sila nagdi-date nito at may isang linggo na rin siyang heaven ang pakiramdam, okay na din ang gasgas niya mula sa minor accident niya last week at hindi nag-cause ng grabeng peklat. Hindi man niya alam kung dahil ba sa nakonsensya ito sa nangyari sa kanya kaya siya nayakap pero inisip na lang niyang nag-alala talaga ito at nag-ki-care sa kanya. Ayaw na lamang niyang kontrahin ang isiping 'yon para may hugutan siya ng kilig everyday.
Sa awa ng Diyos, wala pa namang isa sa mga kaibigan ni Troy ang nakakaalam sa "dating game" nila ng binata even their family members kaya gano'n muna sila hangga't hindi natatapos ang one month na usapan nila.
"Kumusta na nga pala kayo ng manliligaw mo?" kapagdaka'y tanong ni Troy sa kanya.
Saglit din siya nag-isip. "Si Marc? Friends na kami n'on." Sagot niya. Nagpunta uli nang magkasunod na araw si Marc sa shop niya para dalhan siya ng fruits kaya kinausap niya ito nang puso sa puso at sinabi ditong nagdi-date na nga sila ni Troy, sakto din naman nakasalubong nito si Troy that day. Kaya nang mga sumunod na araw nang muli itong nagpakita sa kanya ay itinanong nito ang friendship na in-offer niya last time kung valid pa, na mabilis niyang tinanguan.
"Pero hindi naman agad-agad mawawala ang feelings n'on sa 'yo." Anito.
"Alam naman niyang ikaw ang gusto ko, e, matagal na."
Hindi ito nakasagot. "You really don't have any feelings for him?" tanong nito.
Umayos siya nang pagkakaupo at bumaling sa binata. "Pinagtutulakan mo ba ako kay Marc?" malungkot na sabi niya.
Mabilis naman itong umiling. "Amazed lang ako sa hardwork niya." anito. Tumango naman siya at hindi na lang ito kinibo, inabala na lang ang sarili sa panunood ng movie. "Galit ka ba?" kapagdaka'y sabi nito.
"Hindi." Tipid na sagot niya habang ang mga mata ay nasa harapan ng TV, ngunit wala naman ang atensyon niya doon. Malungkot pa rin siya dahil parang gusto nito ay mabaling na lang ang atensyon niya kay Marc.
"Pero galit ka e, ramdam ko." Anito.
"Hindi nga." Sagot niya, nagtatampo lang siya. Bakit naman siya magagalit sa taong mahal niya?
Nagulat siya nang isinandal nito ang ulo sa kanyang balikat saka hinawakan ang kanyang kamay para laruin 'yon. "Hindi talaga kita pinagtutulakan kay Marc, nagtatanong lang naman ako, e." anito.

BINABASA MO ANG
The Dating Game (COMPLETED)
Chick-LitTROY's STORY! Nessie Zayllah has been in love with her brother's best friend Troy Perez. Pero ang nakakalungkot lang ay nakababatang kapatid lamang ang tingin nito sa kanya at hindi siya makasingit sa kali-kaliwaang pambababae nito. Pero kailanman...