"So, magkasama pala kayo buong maghapon ni Marc." Anito.
Tumango naman siya. "A-Ano'ng ginagawa mo dito?"
"'Di ba ang sabi ko pupuntahan kita dito?" walang kangiti-ngiting sabi nito.
"Oh! Sorry, nakalimutan ko."
"Nakalimutan mo kasi may kasama kang iba."
Ikaw din naman kanina, ah! Gusto rin sana niyang sabihin pero napailing na lang siya. "Ahm, pumasok na tayo sa loob," aniya, saka niya hinila ang braso nito. "Kumain ka na ba?"
"Nawalan na ako ng gana."
"Ha? Bakit? Tiyak nagluto si mommy ng dinner, 'di ba favorite mo ang mga luto ng mommy ko?" nagtatakang tanong niya.
"I think, I need to go." Binawi nito ang braso sa kanya. Saka ito naglakad palabas ng gate na mabilis niyang sinundan.
"Wala kang dalang sasakyan?"
"Wala."
"Ihahatid na kita, dito ka lang." akmang maglalakad na siya papunta sa garahe nang pigilan siya nito sa braso.
"No need." Saka nito binitiwan ang braso niya.
Napatitig siya sa binata. "Galit ka ba sa akin?" hindi niya napigilang tanong.
Umiling ito saka ito napabuga ng hangin. "Siguro pagod lang ako."
Lumapit siya dito saka umangat ang isang kamay para haplusin ang mukha nito. "You really look so tired." Aniya.
Hinawakan nito ang kamay niyang nakahawak sa pinsgi nito. "At masakit sa part na 'to." Anito, saka ibinaba ang kamay niya papunta sa tapat ng puso nito.
"Bakit? Nagpa-check up ka na ba? What happened—"
Nagulat siya nang mabilis siyang niyakap ng lalaki. "Kailangan ko lang mag-charge saglit, Nes." Bulong nito sa kanya, saka hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. "Ang dami kong stress at pagod sa kompanya—pero wala 'yon sa nararamadman ko ngayon."
Gusto niyang kumalas mula sa pagkakayakap nito para makita ito ngunit hindi ito pumayag kaya nanatili siyang yakap nito. "Troy, napapagod ka na ba sa kakasunod ko sa 'yo?" naitanong niya. Hindi ito sumagot, instead ay mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya saka nito ipinatong ang baba nito sa kanyang ulo. "Let's stop the dating game."
"A-Ano 'yon, Nes?" pagpapaulit nito sa sinabi niya.
"Let's stop the dating game." Muling sabi niya.
Nagulat siya nang mabilis itong kumalas sa pagkakayakap sa kanya. "W-Why? Have you fallen out of love?" tanong nito.
"Gusto kong ikaw na mismo ang maghanap ng sarili mong kaligayahan nang hindi ipinipilit sa 'yo. 'Yong ikaw na mismo 'yong hahabol sa kaligayahan na gusto mo." Madamdaming sabi niya, pigil na pigil kumawala ang luha sa kanyang mga mata.
"But I already have fallen for... you." Pagtatapat nito na ikinagulat niya, kaya hindi siya agad nakaimik.
Gusto niyang magtatatalon at magsisisigaw sa labis na kasiyahang nararamdaman niya, ngunit naisip niyang baka nadala lamang ito sa mga sinabi niya, ayaw siyang masaktan kaya sinabi nito ang mga salitang 'yon.
"Nes..." hinawakan nito ang dalawang kamay niya. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?" tanong nito.
Bumitiw siya sa pagkakahawak nito sa kanyang mga kamay at siya ang humawak sa mga kamay nito. "Galing ba 'yan sa kaibuturan ng puso mo?" tanong niya, pero hindi ito kaagad nakasagot. "Troy, alamin mo muna sa sarili mo kung sino ba talaga ang makakapagpasaya sa 'yo at sino ang mahal ng puso mo, dahil once na pumili ng maling tao, sa huli masasaktan ka lang."
"I knew I loved you."
"No! Ang pag-ibig ay hindi nalalaman kundi nararamdaman, kaya bibigyan kita ng panahon para tuklasin ang bagay na 'yan, ayokong mapasubo ka dahil lang ayaw mo akong masaktan o kung ano pa man—dahil ako, matagal na akong sigarudong mahal kita, ten years ago pa."
"Nessie..."
"Kung ako pa rin ang dating Nessie, nagtatatalon na ako sa tuwa dahil sa wakas mahal mo na rin ako," nakangiting sabi niya. "Pero binibigyan pa kita ng time para mapag-isipan ang totoong nararamdaman mo," dahan-dahan niyang binitiwan ang mga kamay nito. "Nandito lang ako maghihintay sa magiging desisyon mo, Troy, ramdamin mo sa pinakakaibuturan ng puso mo kung ano talaga ang nararamdaman mo para sa akin at kung sino ang taong sa pakiramdam mo ang siyang totoong makakapagpasaya sa 'yo."
Matagal itong nakatitig sa kanya bago ito dahan-dahang tumango. "Kung 'yan ang gusto mo, gagawin ko," anito.
Tipid siyang ngumiti sa binata. "Good luck."
"I'll see you again, tomorrow."

BINABASA MO ANG
The Dating Game (COMPLETED)
Chick-LitTROY's STORY! Nessie Zayllah has been in love with her brother's best friend Troy Perez. Pero ang nakakalungkot lang ay nakababatang kapatid lamang ang tingin nito sa kanya at hindi siya makasingit sa kali-kaliwaang pambababae nito. Pero kailanman...