Napabuga siya ng hangin at napailing ng lihim. "G-Galing lang ako somewhere with my friends na malapit dito, so, I've decided na dumaan na rin." Palusot niya.
Tumayo din si Troy sa kinauupuan nito saka nito tinanggal ang suot na sweater saka itinakip sa likuran niya. "Ang gusto lang naman ng kuya mo ay hindi ka naglalalabas ng ganyan ang suot, baka magka-pulmonya ka dahil lantad na lantad ang likuran mo." Anito.
Lihim siyang kinilig at napangiti. Kaya nga tumitindi ang pagkahulog niya dito dahil sa mga simple ngunit nakakakilig na gestures nito e, madalas nitong idinadahilan na dahil sa kuya niya, sa mommy at daddy niya—pero ramdam din naman kasi niyang nagki-care din ito sa kanya—'yon lang, sana ay hindi tinging 'nakababatang kapatid o kaibigan'.
"Bakit ba kasi nandito sina kuya?" bulong niya kay Troy na mas malapit sa kanya kaysa sa kapatid niya.
"Why?" ganti din nito.
"Ano'ng oras ba sila aalis?" tanong uli niya.
"Isang oras pa lang sila dito. Bakit?" nagtatakang tanong nito, nakangitin naman sa kanila ang dalawang kaibigan nito. "Don't tell me wala ka talagang pinuntahan na malapit dito at ako ang sinadya mo?" pambubuko nito.
"Oo na! Kaya paalisin mo na muna sila." Aniya.
Bumaling naman si Troy sa dalawang kaibigan nito. "Guys, may gustong sabihin sa inyo si Nessie." Natatawang sabi nito.
Nanlaki naman ang mga mata niya at umiling. Syempre ay hindi niya kayang paalisin ang dalawang kaibigan nito, ano'ng ira-rason niya kung sakali? "Wala akong gustong sabihin, 'no," mabilis na depensa niya saka siya saglit na nag-isip ng pasimpleng tanong. "Hindi yata kayo busy ngayon," aniya, saka siya naupo sa sofa, tumabi naman si Tycho sa kanya at sa harapan niya naupo sina Troy at Gray.
"Actually, pauwi na kami ni Gray nang bigla kang dumating." Sabi ng kuya niya, "So, ihahatid na muna kita bago umuwi sa condo ko—"
"Kuya, dala ko 'yong kotse ko." Mabilis na imporma niya.
"Oh, 'di iwan mo na lang dito, ihatid na kita sa bahay tapos balikan mo na lang bukas dito."
"No!" mabilis na sagot niya saka siya napangiti dito, nadadala yata siya sa emosyon niya. "I mean, sige na, mauna na kayo ni Gray, magju-juice muna ako dito kina Troy." Palusot niya.
"No, I'll just wait for you." Matatag na sabi ng kuya niya. Why so manhid, kuya? Pero dapat nga palang maging manhid ito para hindi nito mapansin ang tungkol sa damdamin niya para kay Troy!
"No, kuya, you need to rest, sige na, go ahead," tinulungan pa niya itong tumayo kaya pati si Gray ay napatayo na rin. "Umalis na kayo." Please lang!
"Parang pinagtatabuyan mo sila, ah," natatawang sabi ni Troy kaya pinanlakihan niya ito ng mga mata.
"Are you sure?" nagtatakang tanong ng kapatid niya.
"Oo naman, puwede rin naman akong magpahatid kay Troy e,"
Akmang aalis na sana ang dalawang binata nang mabilis itong inawat ng mga magulang ni Troy, doon na lang daw mag-dinner ang mga ito dahil nakapaghanda na sa dining table. Kaya naudlot na naman ang pag-alis ng mga ito. Pagkatapos ng dinner ay saka lamang nakauwi ang mga ito at sa wakas ay nakahinga na siya nang maluwag nang siya na lang ang naiwan sa bahay ng mga Perez. Wala ng mga asungot! Nakangiting sabi niya sa sarili.
"Ang sexy mo yata ngayon, hija." Nakangiting puri ng mommy ni Troy, tinanggal na kasi niya ang sweater na ipinahiram ni Troy sa kanya kanina.
Gustong-gusto na niyang sabihin sa ginang na pumayag na ang anak nito na makipag-date sa kanya, kaya lang ay ipinagbawal din ng binata—the dating game thing is just between the two of them. Ngumiti siya sa ginang nang matamis.
"Hindi ko lang po kasi nagagamit ang dress kong ito kaya isinuot ko na po ngayon." Nakangiting sabi niya. Pero gusto lang naman niyang maging maganda sa mga mata ni Troy. Nasa salas na sila noon kasama si Troy at ang parents nito para mag-kuwentuhan.
"Hija, kumusta ang stuffed toy business mo?" tanong naman ng daddy ni Troy.
Ngumiti siya sa matandang lalaki. "Okay naman po tito and guess what po, may latest doll design po ako." masayang imporma niya.
"Really, what is it?" tanong naman ng ginang.
Malapad siyang ngumiti at tumingin kay Troy. "It's a Troy-inspired doll po, pero hindi ko po 'yon ibebenta sa market dahil for collection ko lang po." Nakangiting sabi niya, nakita niyang napangiti at nailing si Troy.
"That's cute, hija." Masayang sabi ng mommy nito. "Can I also have one?"
"Sure tita," nakangiting sagot niya.
Nagkakuwentuhan pa sila kapagdaka'y nagpaalam muna ang mag-asawa dahil may gagawin pa daw ang mga ito—pero alam naman niyang binibigyan lang siya ng time na makasama si Troy—buti pa ang mga ito hindi manhid.
"Thanks pala sa dinner," nakangiting sabi niya. "So, tuloy na bukas 'yong usapan natin, ha?" aniya.
"Oh no!" tipid itong napailing. "Sorry but I have a business meeting and some business deals to be attended tomorrow kaya baka hindi matuloy 'yong usapan natin. I supposed to call you a while ago kaya lang dumating sina Tycho."
Parang nahulog ang puso niya sa sinabi nito. Ang tagal niya itong hinintay tapos... "Gabi naman tayo magkikita, e..."
"Baka gabihin 'yong meetings ko."
"Are you doing this to escape from this agreement?"
"Of course not,"
"Fine!" aniya, nalungkot talaga siya sa nalaman niya. "Sa susunod na araw na lang natin ituloy."
"Let's see."
"Troy!"
Natawa ito sa hitsura niyang nakabusangot. "Do you really like me that much?"
"Hindi!" mabilis na sagot niya, na saglit nitong ikinagulat pero agad naman siyang nag-follow up. "Because I love you!"
Bumuga ito ng hangin. "Fine! Susunduin na lang kita shop mo, basta ang kasunduan natin ay isang buwan lang, okay?"
"Yeah!" masaya, excited at nakangiting sabi niya! This is it! Tiwala lang! Humanda ka Troy Achilles Perez, yayanigin ko ang puso mo at mag-iiwan ako ng malaking puwang diyan sa loob!
BINABASA MO ANG
The Dating Game (COMPLETED)
ChickLitTROY's STORY! Nessie Zayllah has been in love with her brother's best friend Troy Perez. Pero ang nakakalungkot lang ay nakababatang kapatid lamang ang tingin nito sa kanya at hindi siya makasingit sa kali-kaliwaang pambababae nito. Pero kailanman...
