"HELLO! MAGANDANG hapon po sa inyong lahat—" naputol ang masayang pagbati ni Nessie at unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang mga labi nang mabungaran niya ang buong pamilya Perez sa salas—kasama si Amber—na mukhang masayang nagku-kuwentuhan.
Lumingon ang lahat sa kanya at sabay-sabay na ngumiti sa kanya, binati din siya ng mga ito at niyayang maupo sa sofa, na tabi ng parents ng binata at tapat ng magkatabing sina Amber at Troy.
"Nessie, si Amber nga pala, isa sa mga sponsors sa childhood foundation at Amber, si Nessie pala, childhood friend at kapatid ng best friend ko." Pagpapakilala ni Troy sa kanila ng dalagang katabi nito.
"Hello, Nessie!" Nakangiting bati ni Amber sa kanya.
Ngumiti din siya. "Hi, Amber!" sagot din niya sa babae. At saglit pa ay nagkasarilinan nang usapan sina Troy at Amber, kaya lihim siyang napabusangot.
"Kanina pa po ba si Amber dito, tita?" pabulong na tanong niya sa katabing ginang.
Tumango naman ito at ngumiti sa kanya. "Oo hija, nakakatuwa pala si Amber dahil magkaklase sila dati ni Troy no'ng high school, what a small world, tapos ang giliw pang kausap at mahusay sa gawaing-kusina kahit mukhang hindi marunong magsaing." Nakangiting sabi ng ginang.
Saglit siyang natigilan. Mukhang sa sandaling oras lang ay nakuha na agad ni Amber ang puso ng pamilya Perez, taglay nito ang pinakaasam-asam niya sa buhay; ang mahusay sa mga gawaing-kusina—pang wife material na nababagay para kay Troy. Kung ang dalawang ito ang magkakatuluyan, tiyak si Amber ang magluluto ng hapunan ng dalawa; kapag sila naman ni Troy ang nagkatuluyan, tiyak si Troy ang magluluto ng hapunan kahit pagod na—dahil bukod sa epic fail naman ang pagluluto niya, bilang din sa isang kamay ang alam iluto na putahe.
"Mukha pong bagay na bagay sila, tita." Malungkot na sabi niya sa ginang.
Naramdaman niyang t-in-apped nito ang balikat niya. "Hija, huwag kang magselos, sponsor lang namin si Amber at ang pamilya niya sa foundation."
"Naiintindihan ko po, tita." Aniya, pero siyempre hindi lang niya maiwasang masaktan dahil masayang-masayang tingnan si Troy habang kausap ang dalaga, ni hindi nga siya nito malingon, e.
Nagpunta lang naman siya sa bahay ng mga Perez para yayain sana si Troy na mag-dinner sa kanila since niyaya din siya ng binata kahapon na mag-dinner sa condo nito bilang pambawi, pero mukhang wrong timing siya ngayon.
Muli siyang bumaling sa magkausap na dalawa, pinag-uusapan ng mga ito ang tungkol sa business at sa foundation, saglit pa ay nakisali na rin sa usapan ng dalawa ang mga magulang ni Troy, feeling tuloy niya ay OP na siya doon dahil hindi naman siya makasingit nang sasabihin dahil wala naman siyang maikukuwento sa mga ito.
Labag man sa loob niya pero tumayo na lamang siya at nagpaalam na mauuna na. Nasa labas na siya ng bahay nang tawagin siya ni Troy at mabilis na humarang sa kanyang daraanan.
"I'm sorry, hindi kita nabigyan ng atensyon, uuwi na kasi the next day sa Manila si Amber, kaya pinag-uusapan na namin ang tungkol sa gagawing renovation sa foundation at kung ipagpapatuloy pa nila ng family niya ang sponsorship."
"I understand." Aniya.
"Akala ko din magtatagal ka pa sa bahay," bumuga ito ng hangin. "I'm really sorry, can't you stay?" pakiusap nito.
Ngumiti siya at umiling sa binata. "Mahalaga 'yong usapan n'yo kaya siguro babalik na lang ako sa ibang araw." Aniya.
"No! Ako na lang pupunta sa bahay n'yo mamaya." Anito, tumango na lang din siya. Nang malaman nitong nag-commute lang siya ay ihahatid sana siya nito pero nag-insist siyang huwag na lang, kaya kahit ayaw sana nitong mag-taxi siya ay wala na itong nagawa.
BINABASA MO ANG
The Dating Game (COMPLETED)
Chick-LitTROY's STORY! Nessie Zayllah has been in love with her brother's best friend Troy Perez. Pero ang nakakalungkot lang ay nakababatang kapatid lamang ang tingin nito sa kanya at hindi siya makasingit sa kali-kaliwaang pambababae nito. Pero kailanman...
