15

2.9K 80 0
                                        


"...I KNEW I loved you then but you'd never know 'cause I played it cool when I was scared of letting go. I knew I needed you but I never showed but I wanna stay with you until we're grey and old. Just say you won't let go... just say you won't let go..."

Napatigil sa pagpasok si Nessie sa loob ng kuwarto ni Troy nang marinig niya itong tumutugtog ng gitara habang kumakanta ng 'Say you won't let go ni James Arthur'. Nasa mansion siya ng mga Perez para dumalaw sa binata at sa mga magulang nito, may niluto kasi siyang menudo, na this time ay proud na siyang ipatikim sa lahat, dahil maraming kalakip 'yon na pagmamahal—kahit na parents at kuya niya ay nasarapan sa niluto niyang 'yon, na may guide ng mommy at ni yaya Melva.

Kaso ang parents lang ni Troy ang naabutan niya sa salas, kaya iniwan na niya doon ang dinalang ulam para puntahan ang lalaki sa kuwarto nito, off kasi nito kapag weekends tulad niya. Dapat ay susunduin siya nito mamaya sa bahay nila para sa early dinner nila together, kaso naisip niyang i-surpresa na lang ito sa bahay nito.

Oo, nalaman na ng pamilya nila ni Troy ang tungkol sa 'dating game' nila—nang ipaalam niya ang tungkol doon sa parents niya ay tinawagan agad ng mommy niya ang mommy ni Troy, na-excite yata masyado. Pareho namang nakasuporta ang kani-kanilang mga magulang sa kanya ngunit nakiusap siya sa mga ito na huwag i-pressure o ipilit si Troy sa kanya at hayaan ang binata na gumawa ng sariling desisyon, na in-agree-han naman agad ng mga ito.

Naiwang nakaawang ang pintuan ng kuwarto ng binata at akmang kakatok sana siya nang marinig nga niya itong tumutugtog ng gitara habang kumakanta. Napangiti siya ng malaki, nakakakilig kasi ang boses nito dahil smooth lang pero malakas ang dating tapos ang sweet din ng kantang kinakanta nito, one of her favorites. Multi-talented talaga ito; instrumentalists na singer pa plus negosyante.

Napasilip siya sa loob ng kuwarto nito, nakita niya itong nakaupo sa malaking kama; nakapikit ang mga mata habang nakangiting kumakanta. Mas lalo tuloy itong naging mas attractive sa kanyang mga mata. Dahan-dahan siyang pumasok sa loob at naupo sa couch na tapat ng kama nito habang nakangiting pinapanood ang binata.

Nawili yata siya sa panunood sa binata kaya hindi niya namalayang tapos na pala itong kumanta.

"Did you like it?" nakangiting tanong ni Troy—na siyang nakapagpabalik sa kanyang lumilipad na diwa—pakiramdam tuloy niya ay namula ang kanyang mukha dahil nawala siya saglit sa katinuan dahil sa panunood ng pagkanta nito. At alam din pala nitong pinapanood niya ito!

"A-Ang galing at ganda ng boses mo." Nakangiting sabi niya, saka niya pinalakpakan ito.

Ngumiti naman ito sa kanya, saka tumayo sa kinauupuan nito para lumapit sa kanya. "'Di ba marunong ka rin namang mag-gitara?"

"Medyo, tinuruan lang ako ni kuya." Aniya.

Tumango naman ito. "Akala ko mamaya pa tayo magkikita,"

"Ahm, nagdala kasi ako ng menudo, ako mismo ang nagluto." Nakangiting pagmamalaki niya.

"Hindi ba 'yan sobrang alat o maasim na mapait?" natatawang sabi nito. Hindi kasi talaga siya marunong magtimpla nang niluluto.

Natawa din tuloy siya. "Once you taste it, for sure, you'll fall in love with me." Nakangiting biro niya.

"No need."

"Ha?"

"I mean, really? So, kailangan ko bang ubusin 'yong dala mo para ma-in love ako sa 'yo?" natatawang sabi nito.

The Dating Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon