Chapter 7

10.3K 313 16
                                    

This part is for all the silent readers out there! Enjoy! 😉

Realice


DARK circles were visible around her both eyes the next morning. Hindi siya pinatulog ng nagdaang ganap sa kanila ng binata. Umabot siya sa puntong nag-exercise upang mapagod ang katawan para makatulog pero ang walang hiyang ispiritu ng antok ay pinabayaan siya ng bonggang-bongga. Nanatili tuloy siyang dilat at pabiling-biling sa higaan niya.

"Puwede ka bang magsinungaling kahit ngayon lang?" kausap niya sa salamin kung nasaan ang kanyang repleksyon. "Can you at least make me look fresh, hindi mukhang inatake ng sampung aswang?" Buntong-hininga niyang dinuro ang sarili, pero ang pesteng repleksyon ay dinuro din siya. "Pull yourself together, hindi ka puwedeng magpaapekto sa lalaking 'yon. Alalahanin mo ang panata mo sa buhay, and that is to always have the upperhand, okay?" Pumikit siya saka bumuga ng malalim na hininga. "Okay, Berlin, okay. Huwag magpaapekto. Act co---"

"You are taking too long again, Berlin."

Her heart did skip a beat, whipping her head to the bathroom door. Anak ng pating! I'm still composing myself here! Binalingan niyang muli ang sarili sa salamin. "Focus!" she said once again before twisting the door knob, opening the door. Muntik na niyang muling isara ang pinto at bumalik sa loob nang makita itong nakatayo sa harap niya. His presence overpowers her will of determination to survive the day. Her heart is crawling its way out to her chest.

She audibly swallowed, sidestepping him. "S-sorry," umiwas ng tingin na hingi niya ng paumanhin bago tahimik na nagtungo sa sala nito. While doing so, she could feel his burning gaze on her back. Nananayo kasi ang balahibo niya sa batok at likod. She did not dare to look back. Nope, she would never do that.

Na-divert ang atensyon niya nang makita ang dalawang tuta na nginangatngat ang paa ng mesa sa sala. Their cute little tails were wagging, making her smile. Masaya siya dahil komportable na ang dalawang tuta, they're already running around and playing. Nag-indian seat siya sa sahig saka tinawag ang dalawa. Trei and Bern excitedly came toward her, barking and licking.

"Let's go play outside," nakangiting sabi niya saka binuhat ang mga tuta at dinala sa labas ng bahay.

Hah! She found the perfect escape from Trevor! She couldn't be more thankful enough to these two adorable puppies. In the outside, they played catch and fetch. Nagpapasalamat din siya dahil nananatili sa loob ng bahay ang binata. Hindi kaya nakakaramdam ng pagkabagot ang lalaking 'yon? her other side asked. She and the puppies were taking a break when she heard several car engines approaching.

Hinarap niya ang pinanggalingan ng ugong ng sasakyan. A Ford Ranger and a Ford Everest were coming their way. Salubong ang kilay niya habang sinusundan ang mga sasakyan habang ang dalawang tuta ay kumakahol. The two cars stopped just in front of them.

"I swear I will never ever trust your driving skills again with any of my babies," bungad ng lalaking umibis mula sa passenger seat ng naunang sasakyan. He was was wearing a bull cap so she could not really see his face dahil medyo nakayuko ito.

The driver's door opened and revealed another man, grinning. "Man, you really don't know how to have a good time while hitting the road," he said, smirked and tossed the keys at him.

"Good time? Dude, hindi mo na mararamdaman iyan kapag isa ka nang malamig na bangkay."

"Hoy, kayong dalawa," wika ng isang babaeng umibis naman sa isa pang sasakyan. "Puwede bang mamaya na ninyo ituloy iyan? Hindi ba ninyo nakikitang mayro'ng ibang tao dito bukod sa inyo?" Itinuro siya ng babae saka namaywang.

Lumabas na rin ang tatlo pang sakay ng sasakyan. Puro mga lalaki ang mga ito at ang isa ay may karga-kargang batang cute na cute na lalaki.

The first two guys looked at her and almost instantly, their faces broke into their own versions of megawatt smile. Berry awkwardly cleared her throat, nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mga bagong dating.

Her Boss' Broken Heart And Broken LegTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon