Chapter 22

9.1K 254 9
                                    

Author's Note: Hello everyone! Finally, nakapagsulat din akong muli! Hay, ang tagal ko ring nawala...

Sana ay magustuhan ninyo ang parteng ito! *smiles*



“HUWAG mong masyadong titigan at baka matunaw.”

Hindi pinansin ni Berry ang mapanuksong si Khyryu at ipinagpatuloy lamang ang pagtitig kay Trevor na kasalukuyang nakikipag-meeting sa mga kliyente nito sa loob ng Oreo’s. She even waved and sweetly smiled at him when his eyes trained to her. Natawa siya ng bahagya nang makita ang pagtikhim nito.

Narito rin siya dahil bibisitahin niya sana ang binata ngunit hindi niya ito nadatnan sa opisina. Mabuti na lamang at nandoon ang bagong sekretarya nito at sinabi kung nasaan ang binata. Ilang araw niya rin kasing hindi nasilayan ang guwapo nitong mukha pagkatapos ng insidente sa parke. Pagkatapos nilang magka-aminan. Dahil naging busy ito sa mga kasong hinahawakan. Siya naman ay naging abala rin sa trabaho dahil sa paglobo ng maga pasyente. So she's here to ask him for a date.

“See that? You’re making him uncomfortable,” she heard Khyryu’s voice spoke once again.

Doon na niya ito nilingon. Nakaupo na pala ito sa bakanteng upuan kanina sa tabi niya. Iginala niya ang paningin sa paligid. “Khyryu…” simula niya. “Imbes na pakialaman mo ako rito, bakit hindi mo na lang asikasuhin ang mga kostumer mo?”

“My, my, my…” wika nito sa nakataas na kilay. “Ano’ng pinakain sa’yo ni pareng Trevor at sumasagot ka na ngayon, hmmm? At dahil diyan, maniningil ako ng doble sa kinain mo.”

Nanlalaki ang mga matang hinampas niya ang balikat nito. “Loko-loko!”

Khyryu only snickered, gesturing the direction of his friend. “Do you recognise his client?” tanong nito kapagkuwan.

“Hindi. Bakit?”

“That’s General Hidalgo. Maraming nagbabanta sa buhay niyan. He is also active in fighting illegal drugs in the country.” Huminga ito nang malalim saka seryosong tumingin sa kanyang mga mata. “Kaya kung ako sa’yo ay bibilisan ko na ang maka-iskor kay pareng Trevor. Maikli lang ang buhay. You’ll never know, baka bigla na lang may bumaril kay Trevor at mama---Aww!”

Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil sa malakas na pagkakadiin ng baso sa daliri nito sa kamay na nakapatong sa lamesa. “You were saying?” she asked, innocently smiling at him. Pero mas diniinan pa niya ang pagkakaipit ng daliri nito.

“Nothing,” he gasped and pulled out his hand. Hinipan nito iyon. “Ikaw naman. Hindi mabiro,” reklamo pa nito.

“It wasn’t a good joke!” she hissed.

Itinaas nito ang isang kamay sa ere na parang nanunumpa. “I know. And I won’t do it again.” Binigyan siya nito ng maliit na ngiti pagkatapos. “Pero kilala ko ang kaibigan ko. Hindi ‘yan tinatablan ng bala.”

“Khyryu!” She warned him.

Nailing na lang siya nang tumawa ito saka tumayo. “O siya, sige. Ituloy mo na ang pagtitig sa irog mo at ako ay magmumukmok muna sa aking kusina.” Then he made a sound in his tongue. “Kapag namatay ang kuko ko, Berry, pababayaran ko kay Trevor.” Pagkasabi niyon ay iniwan na siya nito.

Muli naman niyang ibinalik ang tingin sa direksyon ni Trevor. Only to be met by his intense and angry gaze? Bakit parang galit ito? Kanino? Alangan naman na sa kanya? She continued in watching him while his meeting with his client goes on. Manakanaka itong susulyap sa kanya tapos kukunot ang noo nito.

“Hey,” pansin niya rito nang sa wakas ay matapos na ang pakikipag-usap nito sa kliyente. Pumalit siya sa inuupuan ng Heneral kanina saka nginitian ito. He did not smile back.

Her Boss' Broken Heart And Broken LegTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon