Chapter 20

9.7K 250 8
                                    

Magiging busy ako sa mga susunod na araw kaya ngayon na ako maga-update... Anyways, medyo mahaba-haba naman ang part na ito. Hehe.

And, cud u pls. suggest names for my other heroines? Hindi kasi ako makapag-isip ng pangalan ng magiging irog nina pareng Cloud at Khyryu ... Please leave an inline comment for suggestions. 😊

Thanks so much guys! Enjoy!

P.S This isn't edited. ☺


"PARANG ayaw kong pumasok," wika niya habang panay ang hila niya sa palda pababa. They just pulled over on the driveway of Soriano's mansion.

Trevor looked at her with a raised brow. "Bakit?"

Nakagat niya ang labi. "Parang hindi naman ako bagay diyan."

That's not truly the case. Well, sort of. Nagsuot siya nang maigsing palda na abot lang sa kalahati ng hita niya ang dulo dahil gusto niyang pakitaan ang binata ng kanyang alindog. But she's never been so confident to show some skin all her life. Sadya niya talagang binili iyon para kay Trevor. Kay Trevor lang.

As they approached the driveway, at makita niyang maraming sasakyan ang nakaparada sa malawak na bakuran ng mansion ay nag-alangan na siya. Hindi na siya mapakali sa kinauupuan.

Bumaba ng sasakyan ang binata. "Nonsense. Come on."

Berry chewed the inside of her mouth. Kinalas niya ang pagkakakabit ng kanyang seatbelt at bumaba na rin, bitbit ang paper bag na may lamang regalo.

Trevor is patiently waiting for her with his forehead knotted. "Bakit ka nagsuot ng ganyan kung hindi ka naman pala komportable?" sita nito nang mapansin ang ginagawa niya.

Pinamulaan siya ng mga pisngi. "Hmmm? I just want to try new wardrobe," sabi niya saka tumabi rito. "Bagay naman, 'diba?"

She held her breath when he eyed her. "Puwede na," komento nito bago naunang naglakad papasok sa mansyon.

Naiwan siyang naitulos sa kinatatayuan at awang ang mga labi. Puwede na? Iyon lang? This time, she looked down to see her exposed legs and thighs then scoffed.

Puwede lang pala, ha!

She digs hole in the back of his head as she walks behind him. Pero biglang tumigil ito at nilingon siya. "Why the hell did you dress up like that anyway? Mahangin pa man din ngayon."

She also stopped on walking. Think, Berlin! To hide her uneasiness, she cleared her throat. "Bakit? Ganito naman ang trend ngayon, ah."

"Pero ibinabagay iyan sa klase ng panahon. It's windy today. Naka-sweatshirt ka nga, pero kulang nalang ay tangayin ng hangin 'yang palda mo."

"Sa panahon talaga? 'Diba dapat sa okasyon? Saka ano ba ang ipinuputok ng butsi mo, sabi mo kanina ay okay naman, ah?"

Lumapit ito sa kanya at tumabi. Lalong nakita ang layo ng taas nila dahil naka-rubber shoes lang siya. Lumagpas lang ng kaunti ang ulo niya sa balikat nito. "Fine. But stay close to me," utos nito bago siya igayang pumasok na.

Palihim siyang napangiti. People are scattered around inside the mansion once they're in. She saw Cloud, Zero and Khyryu playing with the birthday boy. Marami rin sa bisita ang hindi niya kilala. Ang ibang bisita ay nakapang-opisina pang suot na parang sumaglit lang para sa selebrasyong 'yon.

"Whew!" Napasipol si Cloud nang makita sila. Napangisi itong siniko si Khyryu na buhat si Seb. Napadako naman sa kanila ang tingin ng huli at napangiti.

Cloud then approached them, giving her a bear hug. "Ang seksi natin ngayon, ah. Kumusta ka?"

Natatawang tinapik niya ang likod nito. "Okay naman."

Her Boss' Broken Heart And Broken LegTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon