Because I'm having a very good day today, hindi ko na ipagpapabukas ang pag-update. Hehe.
And... puro silent readers po ba ang nagbasa sa chapter 7? Can u vote for it, please? Naaawa kasi ako, eh. Cheret! Hehe.
Enjoy!
Trevor's Point of View*
"SO, what's going on between the two of you?"
Lumagok si Trevor mula sa beer na kanyang hawak. Kanina pa siya inuusisa ng mga mokong kung ano ang namamagitan sa kanina ni Berlin. Gusto niyang mapailing. Ano ba ang tingin ng mga ito sa kaniya? Gagamit ng iba para lang makapag-move on? Heck, ang gusto niya lang ay ang mapag-isa. Kinuha niya ang isang piraso ng kahoy at inihagis sa umaapoy na bonfire sa harap nila. Nandito sila sa labas ng bahay niya at nagkakaroon ng inuman session habang sina Berlin, Seb at Sassa ay nasa loob at nagpapahinga na. His friends decided to stay the night, hindi naman kasi biro ang six hour drive na nilakbay ng mga ito.
Pero tanging si Julian lang ang hindi tumitikim ng alak sa kanila. Hindi na nila ito kinantiyawan dahil baka sila pa ang malagot sa asawa nito. May pagka-amasona pa man din ito kapag nagagalit.
"I told you she's a nurse. Si mama ang nagpadala sa kanya dito para tingnan ako. Nothing more," giit niya.
"We already know that. Sigurado ka bang wala ng iba?"
Gusto na niyang dagukan si Khyryu. "Ilang beses ko bang sasabihin na wala?"
"So ayus lang sa'yo kung liligawan ko siya?"
Inubos niya ang laman ng lata. "Matino siyang babae, Khyryu. Hindi siya papatol sa mga singkit."
Umaktong nasaktan ito sa sinabi niya. "Aray naman, kaibigan, masyado mo naman kaming minamaliit. Singkit kaya ang bagong depinisyon ng kaguwapuhan ngayon, hindi mo ba alam? Saka kahit magaling kang lawyer, kayang-kaya kitang kasuhan ng paninirang puri."
Ngising aso lang ang isinagot niya rito.
"I like her actually," singit ni Sean. "Mukha siyang matalino."
"Hindi naman kasi siya makakapagtapos ng pagaaral at makakapasa ng board exam kung hindi siya matalino," ani Cloud.
"Bakit, minsan naman, eh, tsamba-tsamba sa exam, ah, hindi ba pareng Trei?"
He gave Sean a dark look. "Huwag mo akong tawagin sa ibinigay na pangalan ni Berlin sa tuta at hindi, hindi ako tsumamba lang no'ng ako ang nasa top 1 sa BAR exam."
Khyryu scoffed. "Ang yabang ng kakilala ko, makapag-take nga rin ng BAR Exam."
"Bakit nagaral ka bang maging abugado?"
"Kailangan pa ba 'yon? Kahit naman isa lamang akong small time restaurant co-owner ay alam ko ang Philippine Constitution."
"Sige, magyabang ka pa. Kaya ka hindi nagkaka-girlfriend dahil walang nakakatiis sa hangin diyan sa ulo mo."
Kyryu just shrugged. "Kung gusto kong magka-girlfriend ay magkakaro'n ako. Hindi ko na kailangan pang manligaw."
Sean shook his head, clicking his tongue. "Malala kana, pare."
Ngumisi lang ang huli.
Napapailing na pinagmasdan niya ang mga kaibigan. Ilang buwan niya ring hindi nakita o nakausap ang mga ito. Julian and Zero are always the quiet ones, si Sean ay wala ng ibang inisip kundi ang makahanap ng asong pinoy na puwede nitong i-introduce sa K9 Unit, minsan ay iniisip niyang ito lang ang misyon nito sa buhay bukod sa pagiging sundalo nito. Si Cloud naman ay medyo may pagka-kengkoy pero kapag nagseryoso sa isang bagay ay wala nang ibang makakapagpabago sa mood nito. While the twins, Kyzer and Khyryu ang pinaka-makulit sa kanilang lahat, palibhasa ay dikit ang mga bituka nang mga ito. Napadako ang tingin niya kay Zero, kanina pa niya kasi ito napapansing panay ang inom.
"May problema ka ba, Zero?" tanong niya.
Muli itong uminom. "Wala. Gusto ko lang uminom."
"He's having a hard time dealing with his stalker."
Napangiti siya. Hanggang ngayon pala ay hinahabol-habol pa rin pala ito nang babaeng matagal ng nanliligaw dito.
"Nakausap ko si Sarah," pahayag ni Julian na ikinatahimik ng lahat.
That name. Hanggat maaari ay ayaw na sana niyang marinig ang pangalang iyon. The person that has the name brought an excruciating pain in him. Oo nga at lalaki siya pero tao lang din siya na may kakayahang masaktan. Minahal niya ito. And heck, mahal niya pa rin ito hanggang ngayon, at sigurado siyang hahawakan nito ng matagal ang espasyong iyon sa kanyang puso. A seven year relationship was no joke. They've invested so much time together, so much love and affection towards each other. Tapos sasabihin nito sa kanya isang linggo bago ang kasal nila na may mahal na itong iba at hindi kayang ituloy ang kasal.
Hell, that was the most devastating news he had ever received in his entire life. Muntik ng sinira niyon ang pagkatao niya. But he was able to pull his self together, at ngayon mas pinili niyang mapag-isa muna.
"She's back?" Khyryu asked, open mouthed.
"Yes," Julian answered with a sigh. "She came to my office, asking where she could find..." Binalingan siya nito. "You. She said she's got some confessions to make."
"And?" Zero asked, tinungga nito ang huling patak ng beer nitong iniinum.
Julian looked at him seriously in the eyes. "I don't know. Mukhang ikaw lang ang gusto niyang makausap."
There was a pin drop silence after. Naikuyom niya ang palad na may hawak ng lata ng beer hanggang sa mayupi iyon. He somehow knew that this day would come. Pero hindi siya laruan na puwedeng itapon kapag pinagsawaan at puwedeng balikan kapag kailangan.
Kinalma muna niya ang sarili. "Ano'ng sinabi mo sa kanya?" mababa ang boses niyang tanong bago muling nagbukas ng isa pang beer.
Julian sighed. "I told her nothing. But I gotta say she's lost some of her weight."
Napakurap siya. Pumayat ito? He swallowed. Then his friend, Sean, shook his head. "What a pity. Hindi ba naging matagumpay ang relasyon nila nang lalaking ipinagpalit niya kay Trevor? Who was the guy again? Baron Grayler?"
"Beiron Gray," pagtatama ni Cloud.
"Ah, yes, Beiron Gray of Germany."
Inubos niya ang laman ng pangatlo niyang beer. His heart wanted to see her, but his mind wanted nothing of her.
He cursed under his breath.
"Would you like to see her?"
"Or at least hear her confessions?"
"Or maybe have a closed closure with her?"
"So you could finally move on and do not have to isolate yourself here in the middle of nowhere."
He looked at his friends. Hindi niya masisi ang mga ito dahil naging parte rin ng pagkakaibigan nila si Sarah. She was a good woman. Palakaibigan ito at hindi mahirap kausap.
Muli siyang lumagok ng beer. "No. Hindi pa sa ngayon. I'll see her when I'm ready."
His friends simply nodded with understanding. At nagkanya-kanya na silang inom.
He could just tell Sarah to go to hell, right? Ang tanong, kaya ba niya?
😖 Kapag minahal mo talaga ang isang tao ay hindi mo ito madaling makalimutan kahit gaano pang sakit ang naidulot niya sa puso mo. Pero minsan ay tama na iyong patawarin mo siya, pero huwag mo nang balikan. *punas luha*
So, ano sa tingin ninyo ang susunod na gagawin ni Trevor? Susundin ba niya ang sinasabi ng puso niya o mas mangingibabaw ang sinasabi ng utak niya?
Realice
BINABASA MO ANG
Her Boss' Broken Heart And Broken Leg
RomanceBoss Series #2 TREVOR: Her Boss' Broken Heart And Broken Leg Trevor felt like crap when his fiancee decided to broke off their upcoming wedding because she unintentionally fell into someone else. As a result of that unlikely news, he drowned himself...