Chapter 24

8.8K 226 8
                                    

NOTHING.

She's been checking out her phone constantly for three days in a row but still got nothing. No single message or even a missed call from Trevor. Hindi ba niya alam sa mismong sarili kung bakit hindi niya rin magawang tawagan ito para kumustahin. Something is holding her back.

Sumimsim siya sa juice na kanyang in-order sa fast food na pinili niyang tambayan sa loob ng mall habang pinapanood ang mga taong dumadaan sa harap ng salamin na pader. She also kept on sighing.

“Hi.” A smiling man approached her table, placing his large burger on it together with the drinks before seating on the available chair in front of her.

Something clicked within her. Iisa ang mukha nito at ni Khyryu ngunit magkaiba ng persona.

“I’m Kyzer,” pagpapakilala nito sa sarili. "Khyryu's twin."

Akalain mo 'yun. May kambal pala ang lalaking 'yun.

Binigyan niya ito ng isang maliit na ngiti ngunit hindi tumugon. He looked neatly handsome but he was a bit weird. There was an awkward silence between them when he started to eat, taking a big bite on the burger. Napalunok siya dahil nakaka-engganyo ang paraan ng pagkain nito. It seems that to him, burger is life.

“Wanna have a taste?”

Napangiwi siya nang tanungin siya nito. “No, thanks,” iling niya.

Cloud shrugged his shoulders then continued on those big bites. Siya naman ay inabala ang sarili sa panaka-nakang pag-inom sa kanyang juice at pagtingin sa hawak na telepono. It’s also weird of her to stay in her seat in front of this man. Kung iba siguro ‘yun ay mahihiya at aalis na lang.

“Still no call from him?”

Napaangat ang tingin niya rito. Hayun na naman ang ngiti nito na parang kilala siya at ang pinagdadaanan niya. Even if he's Khyryu's twin, she still doesn't know him. “Ha?”

“Hayaan mo na kung hindi pa rin siya tumatawag. Don’t call him. Instead, have a life. Gumimik ka. Magtrabaho at magbakasyon. At kung wala pa rin siyang naging aksyon sa mga panahon na ‘yun, kalimutan mo na. Hindi lang siya ang guwapo sa mundo,” mahaba nitong wika saka kumindat.

Matagal na nakamata lang siya rito tapos saka siya nangingiting napapailing. “Kung magsalita ka ay parang alam mo ang nangyayari sa buhay ko, ah. Manghuhula ka ba?” O nai-chismis na ng kamba mo ang sitwasyon ko? Gusto niyang idagdag.

He chuckled and took the last bite of the burger. At least ay ngumuya muna ito bago nagsalita. “Hindi pero kung pagbabasehan natin ang ekspresyon mo…” Binitin nito ang huling sasabihin at uminom muna ng drinks. “I know that expression. May kaibigan din akong ganyan kalayo ang mga tingin. Tulala. Tumatagos. And I told him exactly the things I’ve said to you just now.”

“Really? Why is that?” taas ang kilay na sabi niya. Kung ano man ang trip nito ay sasakyan na lang niya. Besides she likes their conversation, baka may masabi pa itong puwedeng makatulong sa kanya.

“Dahil pareho kayong duwag.”

His sudden statement caught her off guard. Hindi siya nakapagsalita at tinitigan lamang ito.

“Kung pareho kayo nang nararamdaman ay bakit hindi na lang maging kayo? Why do you choose to let the past get in your way? That’s just plain stupidity, you know.” Sumeryoso ang mukha nito. “Kung hahayaan ninyong lamunin kayo ng katangahan at maghihintayan ng tawag ay pareho kayong hindi magiging masaya. When you are in love, have the guts! All is fair in love and war. You don’t need to isolate yourself just because you think he’s still trapped in the past. At ang torpe ko namang kaibigan ay isa ring malaking bugok. Who would in their right mind to wait for a girl to do the first move? None. Si Trevor lang ‘yon! Tsk. Tsk.” Dismayadong umiling-iling ito. “What a fool.”

Her Boss' Broken Heart And Broken LegTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon