Chapter 11

8.1K 249 19
                                    

Update. Update. *grins*

Enjoy reading, while I savor the moment with the only thing that makes me go hmmmm... Kopiko Brown Coffee!

CIAO!

"SIGURADO ka ba na kaya mo?" may pagaalalang alalay ni Justin sa kanya habang pasakay ng taxi.

"Yes, am fine," she stated, snickering. "Hindi naman ako lasing, eh."

Binalingan nito ang driver ng taxi. "Manong, ihatid ho ninyo sa tamang destinasyon itong kaibigan ko, ha?"

"Oo sir," sagot ng driver.

"Sige na." Bahagya niyang tinulak ito saka sinara ang pintuan ng sasakyan. "I'll call you when I'm home. Kuya, tara na ho."

Tumango ang driver at pinaandar na ang sasakyan.

During the ride, Berry remained wide awake. Medyo nag-enjoy sila ni Justin sa kanilang bonding dahil inabot sila hanggang madaling-araw bago nag-desisyong oras na para umuwi. Their soul searching mission ended up in a bar where they get drunk. Ito palang ang pangatlong beses na uminom siya sa tanang buhay niya. At sa tuwing nalalasing siya ay pare-pareho ang nagiging epekto sa katawan niya. Hindi man siya diretso kung maglakad ay nananatiling diretso ang pagiisip niya. She can still think straight, medyo bold lang.

"Bayad ho," abot niya sa driver ng makarating sila sa bahay ni Trevor. Bumaba siya sa sasakyan at tinungo ang pinto. Good thing it has her finger print, kaya hindi na niya kailangang kumatok pa.

Why the hell did I come here? tanong niya sa sarili habang papasok ng bahay. I should go home to my own house, right? It's my freaking day off! So, bakit dito pa rin ako umuwi?

Sinapo niya ang ulo nang makaramdam ng pagkahilo. Saan ba ang kuwarto ko? Naningkit ang mga mata niyang pilit inaaninag ang pinto ng kuwarto. Tahimik ang bahay. Marahil ay nasa malalim ng pagtulog si Trevor.

Nang nasa bar sila ay madalas itong sumagi sa isip niya. Kung ano'ng ginagawa nito o kung kumain na ba ito at marami pang iba. She just can't take him off of her mind, kahit pa iba ang kasama niya.

Gently shaking her head, she walked straight ahead, and entered a door. Wala na siyang pakialam kung hindi iyon ang kuwartong inuukupa niya. Gusto na nang katawan niya ang mahiga dahil pakiramdam niya babagsak ang mga talukap niya anumang sandali. Malawak na ngiti ang pinakawalan niya ng bumungad sa kanya ang malaki at malawak na kama.

She had difficulty in maintaining her balance while walking towards it. Medyo natatawa siya sa sarili. When she was standing beside the bed, she spread her arms wide and dove in. Then her consciousness slipped into a deep slumber.




"BLOODY hell!" Trevor's body jerked up as a soft body fell onto him. On his freaking bed! Cursing, he took a good look at the intruder. Naihilamos niya ang dalawang kamay nang natutulog na mukha ni Berlin ang makita.

What a troublesome woman!

She looked like she's in a deep sleep. Naaamoy din niya ang amoy ng alak dito. He sat up, pushing her so he could move out his bed, careful not to strain his leg. Wala man lang itong naging reaksyon nang iangat niya ang dalawang paa nito sa kama dahil kalahati lang ng katawan nito ang nakasampa. Mabuti na lang hindi niya naundayan ito ng suntok.

"Berlin," tawag niya, giving her shoulder a little push.

Nothing happened.

Pero hindi siya agad sumuko. Dahil nakadapa ito ay kalahati lang mukha nito ang nakikita niya. He pushed her shoulder a little harder this time. "Hoy, Berlin...Gumising ka nga. You can't just barge your way in here, you drunk irresponsible woman!"

Wala pa rin.

Inilapit niya ang mukha dito at tinapik ang pisngi nito. "Gising..." He backed away as she puffed an air right on his face. Napangiwi siya sa amoy ng alak na dala ng hininga nito.

Calm down, Trevor.

Bakit ba ito naglasing? Pinagmasdan niya ang natutulog nitong pigura. Berlin's body was quite sexy. Morena ito at makinis ang balat. And damn those pair of sexy legs! Dumako ang mga mata niya sa mukha nito. Maliit pero matangos ang ilong nito, natural na maayus ang mga kilay, and she has a very kissable pair of lips. Am I desiring my aide now, really? Darn it! Trevor shook his head to eliminate inappropriate thoughts of her.

Once again, he tried to wake her up. "Berlin...." Now, he's shaking either side of her shoulders. "You can't sleep here..."

Unfortunately, his efforts came to no avail.

Sa huli ay napabuntong-hininga nalang siya. Minsan pa niyang pinagmasdan ito. Hanggang sa pagtulog ba naman, eh, ayaw siyang tantanan nito? Makulit ito, and sometimes it really gets to his nerves. But the other side of him thought that she's pretty cute.

He can't believe this! This is just plainly unbelievable!

Inayus niya ang pagkakahiga nito sa kama. She moved a little, hugging his pillow. May munting ngiti ang sumilay sa mga labi nito.

Nailing nalang siya bago kumuha ng ibang mattress at unan at naglatag sa sahig ng kanyang kuwarto. Habang nakahiga ay hindi pa rin siya makapaniwalang naglasing ito tapos saka siya aagawan ng tulugan.

Trevor shook his head, closing his eyes.

Tomorrow. She'll be out of the house for real.


😊 This is such a short update, I know. Hehe. Pero ito lang talaga ang kinaya ng utak ko ngayon. Anyway, babawi nalang ako sa susunod na chapter.

And, oh, Berlin, you're in good trouble now...

Realice

Her Boss' Broken Heart And Broken LegTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon