Chapter 10

8.7K 279 17
                                    

Hello peeps! Ako'y nagbabalik... Kumusta kayong lahat? *waves*

Maraming salamat sa mga bomoboto sa bawat parte nang kuwentong ito. Nakakatuwa at nakakataba ng puso. Salute to you all!

And hi to all the silent readers out there! Please be silent no more, I need your thoughts... 😁

I hope you enjoy this part too! Happy reading!


PINAKATITIGAN ni Berry ang litratong nakapaloob sa picture frame na hawak. Larawan iyon nina Trevor at Sarah. In the picture, they were both grinning from ear to ear, not caring of their surroundings. 'Yong tipong ang mga ito lang tanging tao sa mundo.

It was a candid photograph. Mas bukas ang mukha at mas guwapo si Trevor kapag nakangiti. He has a smile that's very captivating and attractive. Si Sarah naman ay, well, sobrang ganda. Her smile, on the other hand, was very contagious. Nakakahawa. They really looked good together, and very much in love with each other.

Buntong-hininga niyang inipon ang mga iba't-ibang klaseng frames na may litrato nang dalawa na naka-display sa sala at kusina nito. Ayaw ba nitong mag-move on sa buhay? Hinahayaan pa kasi nitong pakalat-kalat sa pamamahay nito ang mga larawang magpapaalala sa nakaraan.

What a fool, she thought. Kinuha niya ang mga iyon saka hinanap si Trevor.

Inabutan niya ang binata sa may likod ng bahay. He was seating on his backyard, holding the same kind of frame she's about to dispose. He had a solemn expression on his face while staring at it. Mukhang malalim din ang iniisip nito.

"Sir..." she called, letting him know her presence.

"What now, Berlin?" tanong nito sa hindi nagbabagong ekspresyon.

Bigla siyang kinabahan sa gagawin niya. Mentally crossing her fingers, she showed him the frames she was holding. Kung magagalit ito sa gagawin niya at sasabihing mag-alsabalutan na siya ay maluwag niyang tatanggapin. "Magagalit ka ba kung..." Lumunok siya. "Itatapon ko na ang mga ito?"

Please be good to me. Please be good to me. She chanted in her mind while waiting for his wrath on her. Ngunit ilang segundo na ang nakalipas ay nanatili lamang itong tahimik.

"Trevor."

"Ha?" Naguluhan siya. Ba't nito sinasabi ang pangalan?

"Tawagin mo ako sa pangalan ko simula ngayon. Naririndi na ako sa kaka-sir mo."

Hanudaw?

Itunuro niya ang hawak na mga frames. "Sige, sir... Errr, Trevor. Puwede ko na bang-----"

Hindi niya natapos ang sasabihin nang ihagis nito sa paanan niya ang picture frame na hawak nito. "Isama mo na 'yan," tanging saad nito.

Napaawang ang mga bibig niya. "That means, payag ka? No questions, no yelling, and no kicking me out?"

"Gusto mong paalisin kita? Believe me, I've tried that a lot. Hanggang ngayon ay nandito kapa naman. Sige na. Gawin mo na kahit anong gusto mong gawin sa mga litratong 'yan. Lukutin mo, ibasura mo o sunugin. Do it."

Matagal niyang tinitigan ito. Galit na ba ito sa lagay na 'yan? Pinulot niya ang frame at nagdesisyong huwag nang magsalita kasi baka kung ano pa ang lumabas sa bibig niya na hindi na naman nito magustuhan.

Damn it, magpapaalam pa pala ako! bigla niyang naalala. Tumawag ang kaibigan niya kanina na galing Canada at balak sana nilang magkita.

Her Boss' Broken Heart And Broken LegTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon