Chapter 25

10.5K 239 12
                                    

See? Told ya! *grins*



“PANAY ang OT mo ngayong mga nakaraang araw, ah,” puna sa kanya ni Ian, kapwa niya nars at kaibigan sa ospital. They’re both washing their bloody hands from an emergency operation in the operating room. “Bumi-binggo na ang ospital sa’yo. You’ve been here for thirty-six hours. May balak ka pa bang umuwi sa inyo?”

She sighed, taking off the surgical mask on her mouth. “Kailangan ko nang makaipon para sa application ko abroad,” wika niya habang nagpapahid ng alchohol sa mga kamay. “Kaya doble kayod ako ngayon.”

Of course that isn’t a hundred percent true, gusto niya lamang makalimot sa kasawian. Kapag pagod kasi ang katawan niya, hindi na mag-e-effort ang kangyang utak na isipin pa si Trevor. Her body would always shuts down and sleeps. At kapag nagigising siya ay agad naman siyang gumagayak para pumasok sa trabaho. That was her daily routine after her heart break. Nang mga nakaraang araw lang ay nagprisinta siyang maging stay in sa ospital lalo na sa OR at sa ward. Kulang kasi sila nars at nursing assistants.

“Sigurado ka ba r’yan? Masyado mo naman yatang pinapagod ang sarili mo. Baka naman magkasakit ka niyan.” Naupo ito sa lounging area bago siya matamang tiningnan. “You need rest.”

She also occupied the other seat, palming her head. Medyo sumasakit nga ‘yun. “Nakakapagpahinga naman ako. Pinapayagan naman ako ni Doc na umidlip sa nurse’s quarter.”

“Pero hindi ‘yun sapat. Tumingin ka sa salamin. Pa-zombie ka na. Kung babae lang ako at manganganak ay ayaw kong zombie ang mag-a-assist sa magpapaanak sa akin.”

Natawa siya. “Grabe ha.” Nag-inat siya. “I just need a little more sleep,” she told him, yawning.

Nailing na lang si Ian saka tinungo ang teleponong nag-iingay. Sinagot ito ‘yun. “Punta ka raw sa opisina ni Dr. Rosete,” imporma nito sa kanya pagkatapos ng tawag.

“Bakit daw?”

He shrugged. “I dunno. Baka pauuwiin ka na.”

“Pffft!” Inikot niya ang mga mata sa tamad na tumayo. She’s almost like dragging her feet to walk as she makes her way to the hospital administrator’s office.

“Come in,” wika nito nang kumatok siya.
She went in. “Ipinapatawag niyo raw ho ako?” Nabitin ang kanyang kamay sa pagsara ng pinto nang mapansin ang taong nasa harap nito. He was looking at her.

What the hell is Trevor doing in there? Dinadaya ba siya ng mga mata niya? Mukhang kailangan na nga talaga niyang umuwi at matulog.

Dr. Rosete gestured her by his hand. “Sige na Mr. Bersamin. Take her and please sort things out,” usal nito.

Nanlaki ang mga mata niya nang gumalaw ang lalaki at lumapit sa kanya. Shit! Totoo nga ito! He’s really there! “Hoy, t-teka…” protesta niya nang hawakan nito ang isa niyang braso. She peeked at the doctor behind him, who’s smiling with them. “Dok! Ano’ng---Teka nga!” Tuluyan na siyang nailabas ni Trevor mula sa opisina. “Bitiwan mo nga ako! Peste ka!” Pumiksi siya at nagpumiglas.

“Don’t cause a scene.”

Napamulagat siya. Malakas na pinalo niya ang dibdib nito na dahilan para mapasinghap ito at mabitawan siya. Hinimas nito ang dibdib na nasaktan. “Ang bayolente mo,” komento nito. “Can you just come with me peacefully?”

“Hah! You wish! Ba’t k aba nandito?”

“Para kausapin ka.”

Hah! Linya niya ‘yun!

“Wala na tayong pag-uusapan. Tapos na!” Tatalikod na sana siya nang bigla na lang siya nitong buhatin at isabit sa balikat nito. Ano siya, isang sako ng bigas?

Her Boss' Broken Heart And Broken LegTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon