Chapter 12

8.7K 265 14
                                    

NILAPAG ng binata ang medical clearance nito sa harap niya. Nakatingin lang siya sa mga iyon, at nahuhulaan na niya kung ano ang mangyayari. That means only one thing, hindi na siya nito kailangan. Nang magising siya na nakahiga sa kama nito ay alam na niya agad na palalayasin na siya nito. For real. Maybe she wasn't thinking straight last night. No, not at all. Gusto niyang sampal-sampalin ang sarili. Nahihiya siya. Kaya naman ay hindi siya makatingin dito nang diretso.

Umupo si Trevor sa bakanteng upuan sa harap niya. "One question," he said. "Do you remember what you did?"

Buntong-hiningang tumango siya.

"How about the consequence of what you did?"

Napalunok siya. "Alam ko na rin."

"Good. Very good." Sumandal ito sa kinauupuan. "Huwag kang mag-alala dahil nakausap ko na si mama, I've already sent a copy of my medical clearance to the hospital too. Hindi mo na rin kailangang mag-report do'n kahit hindi pa tapos ang kontrata mo. Doctor Rosete told me you can have a vacation for a job well done." Binigyang diin nito ang huling tatlong salita nito.

Tumungo siya. "Okay."

Matagal itong hindi umimik. Marahil ay naninibago ito sa pagiging submissive niya. Well, ganito talaga siya kapag aminado siyang may kasalanan siya. She's gone too far invading his privacy anyway.

"No hard feelings?"

Umiling siya. "No." Nag-angat siya ng ulo. "Mag-iempake na ako," saad niya saka tumayo at naglakad palayo.

Sumandal siya sa katawan ng pinto nang nasa loob siya ng kuwartong tinutuluyan niya. Bakit ang bigat ng dibdib niya? Hindi ba dapat masaya siya dahil sa wakas ay magkakaro'n siya ng mahaba-habang bakasyon imbes na nagtatrabaho?

You're having this feeling because you know that deep inside of you, Trevor is special. He has taken a portion of your heart and there is no point denying it, a voice within her stated. You are falling for him, and he's not there to catch you.

Berry palmed her chest, looking up, then sighed a deep sigh. "Puwede ba 'yon?" bulong na tanong niya sa kawalan. "Puwede bang mahalin ang isang taong wala namang ginagawa para mahulog ang loob mo sa kanya?" Napailing-iling siya. Pushing herself against the door, she started packing. Mas mabuti na rin siguro ang ganito nang hindi pa gano'n kalalim ang nararamdaman niya. Mas madali siyang mag-move on sa buhay.

This is real, huh? she thought as she closed the room's door. Bitbit ang dalawang maliit na maleta ay tinungo niya ang pintong palabas ng bahay. Medyo nagulat siya nang makita si Trevor nakasandal mismo sa pinto. His hands were in his jeans' pockets, looking like a model as always.

Hayun na naman ang pagkabog ng dibdib niya. Inilapag niya sa sahig ang mga maleta nang nakatayo na siya sa harap nito.

"Sir, nakaharang ka sa pinto," mahina niyang sambit.

Bumukas ang bibig nito ngunit muli ring itinikum. Parang may gusto itong sabihin pero hindi tinuloy. Still staring at her, umalis ito mula sa pagkakasandal sa pinto at binuksan iyon.

Tahimik siyang lumabas.

"Hello, ma'am," bati sa kanya nang isang lalaki na nakatayo sa tabi nang isang itim na sasakyan sa labas ng bahay ng binata. "Ako ho si Kevin, ihahatid ko na ho kayo sa bahay niyo."

Hinayaan niya nang kunin nito ang mga gamit niya. Nilingon niya si Trevor. This time, with a smile on her lips and slightly waving at him. "Bye, sir," she muttered then went into the car. "Sa Greenville ho tayo, kuya," wika niya sa driver saka pumikit.

Goodbye, Trevor...


"NICE to see you here, Berlin."

Sinuklian niya ang ngiting iyon ni Khyryu saka inilibot ang paningin sa loob ng restaurant na pagma-may ari nito. "Nice place..." puri niya.

Her Boss' Broken Heart And Broken LegTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon