Chapter 15

8.9K 233 3
                                    

Reminder: This is not edited. 😊

KUMABOG ang dibdib niya nang unti-unting nagmulat ng mga mata ang binata. Disoriented, he slowly sat up, rubbing his face with both of his palm. Hindi pa yata nag-si-sink-in dito ang presensya niya. After few seconds, his gaze focused on her, his eyes held no emotions in them. Tumatagos sa mukha niya ang tingin nito.

Gising na ba ito?

Then he started to recognize her, his blank expression became a mixture of surprise and annoyance.

"Ano'ng ginagawa mo rito? At paano ka nakapasok?"

"Ah..." Siyet, ano'ng idadahilan ko? "Dinadalaw ka, sir." Tipid niya itong nginitian saka umalis sa pagkaka-upo sa mesa nito at lumipat sa couch. Nag-iwan siya nang isang dipang pagitan nila. "Medyo nag-alala kasi ako nang matagal kang hindi nagbubukas ng pinto. So I tested if my finger prints still work, and it did. Nandito rin kasi si Sean kanina para bisitahin ka pero umalis na. He said he's going back on a mission," mahaba niyang paliwanag.

Her heart hammered in her chest as his eyes followed her every move. Medyo naningkit din ang mga mata nito.

"Bakit ka na naman ba naglunoy sa beer?" hindi napigilang itanong.

Stupid, stupid question, Berry!

Hinilot nito ang sintido at mahinang nagmura. "Sarah and I met last night," umpisa nito at saka ibinagsak ang kalahati nang katawan sa couch.

Siya naman ay hindi makapaniwala sa naging sagot nito. May posibilidad na mag-open up ito sa kanya nang tunay na saloobin tungkol sa nangyari kagabi. She peered at him. Nakakatitig ngayon ito sa chandelier.

"She said she did not fall in love with another man," patuloy nito na animo'y ang kisame ang kausap.

"A-ano raw ang tunay na dahilan?" tanong niya kahit na alam na niya ang sagot.

Isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga bibig nito. Ilang segundo itong nanatiling tahimik bago sumagot. "Hindi na mahalaga kung ano man iyon."

Sobra niya itong hinangaan sa sagot nito. Mas pinipili nitong itago sa kanilang dalawa ni Sarah ang totoong rason. Hindi lahat ng lalaki ay katulad nito. Marami siyang kilalang lalaki na kapag hiwalay na sa dating kasintahan ay binubunyag ang mga lihim na dapat ang mga ito lang ang nakaka-alam. Mas tumaas ang respeto at paghanga niya para rito. Kahit na nasaktan ay hindi ito gagawa ng bagay para mapahiya si Sarah.

"Gusto mo ng yakap?"

Bumaling ito sa kanya, kunot ang noo. "Ano'ng sinabi mo?"

Anak ng tipaklong! Uulitin ko ba?

Lumunok muna siya bago magsalita. "Gusto mo ba ng yakap?"

Mataman siya nitong pinagmasdan. A astonished expression was on his face. Maya-maya ay nahati ang mga labi nito sa isang ngiti na naging mahinang tawa. At that moment, it was her time to look at him with surprise look on her face.

Ano'ng nakakatawa sa sinabi niya?

But damn, his smile and laughter were just too good for his own good.

"Okay ka lang?" nagtataka niyang tanong.

"Oo," sagot nito pagkatapos. "Berlin," iling nito at pinatunog ang dila. "You just say the silliest things in the world."

"Gano'n?" Nakahinga siya ng maluwag. Mas gusto na niya na gan'to ito kaysa laging parang pinagsakluban ng langit at lupa.

Nakangiti pa rin ito. "Yes. It may sound crazy but you just make me smile."

Her Boss' Broken Heart And Broken LegTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon