Chapter 9

8.8K 250 13
                                    


BERRY kept on looking at Trevor while he's eating. Silang dalawa nalang ang natira sa bahay dahil kaninang madaling araw ay umalis na ang mga kaibigan nito. Kagabi ay naikuwento sa kanya ni Sassa ang buhay pagibig nito at ng ex-fiancee. They had a very colorful relationship, and were deeply in love with each other.

Hanggang paggising niya ay hindi maalis sa utak niya ang katanungan kung bakit at paano nawala ang pagmamahal ni Sarah para dito. Is it possible for someone whose deeply in love to just fall out of love? Parang hindi naman posible iyon. Kailangang mayro'ng isang malalim na rason para mawala ang isang malalim na pagmamahal. Hindi iyong basta nalang mawawala na parang bula. There's got to be a reason.

"May gusto ka bang sabihin? Kanina kapa hindi mapakali diyan sa upuan mo," puna nito na nakatingin sa kanya.

Tipid siyang ngumiti at umiling. "Wala naman, sir. May iniisip lang ako."

Tumaas ang kilay nito. "Ano'ng iniisip mo kung gano'n?"

Really? Bakit mo pa kailangang itanong? "Nothing important."

Nagdududa ang ibinigay nitong tingin. "May sinabi ba sa iyo si Sassa?"

Nakagat niya ang pang-ibabang labi. "Wala, sir. Wala naman masyado," nakailing na tanggi niya saka nagsimula na ring kumain. Sunod-sunod ang ginawa niyang pagsubo.

"Really?"

Lumunok muna siya. "Oo sir. Ano naman ang sasabihin sa akin ni Sassa, saka wala ka bang tiwala sa kaibigan mo?"

"Mayro'n..."

"Naman pala si----"

"May tiwala akong nasabi niya na lahat ng nalalaman niya tungkol sa akin at sa personal kung buhay."

Nasamid siya. Inabot niya ang isang baso ng tubig at uminom. Siyet, mamamatay pa yata siya ng maaga. Napabuga siya ng hangin nang matapos uminom. Nakamata lang ito sa kanya. She meant to ignore his words by continuing her meal when he spoke again.

"Now, spill it out."

Lumipad ang mga mata niya pabalik dito. Trevor coolly sipped on his coffee, gesturing her to speak. Puwersa niyang nilunok ang natitira pang pagkain sa loob ng bunganga niya.

"Kung hindi ka magsasalita ay mas mabuti pang mag-impake ka na at ipapasundo kita kay mang Kardo," may pagbabantang saad nito.

Her heart rate went fast again. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. "Gaya ng sinabi ko kanina, sir, wala naman siyang masyadong nai-kuwento. She just told me your story with Sarah, your ex-fiancee. She told me that you were deeply in love with each, that you were inseperable and that you had the----"

"Stop," putol nito na bahagyang dumilim ang mukha. "Tapusin mo na ang pakain at mag-impake ka pagkatapos. Aalis tayo."

Nanlaki ang mga mata niya. "What, why?"

Lalong dumilim ang ekspresyon nito. "Huwag ka nang magtanong. Just do it."

Wala sa sariling napasubo siya. Ang aga-aga, masama na naman ang timpla nito. Wala siyang nagawa kundi tumango na lamang. "Sige, sir. Sabi mo, eh."

"Medyo lumulusog ka ma'am, ah," nakangiting komento ni mang Kardo habang isinasaayus nila sa likod ng sasakyan ang mga gamit nila ni Trevor. "Hiyang ka yata rito."

Nanlaki ang mga mata niya. "Kuya Kardo, ha, huwag kang nagbibiro ng ganyan. Masakit sa aming mga babae ang napagsasabihan kapag lumulusog kami."

Natawa ito. "Naku ma'am, hindi naman ako nagbibiro. At saka bumagay naman sa iyo, ma'am. Mas lalo ka ngang gumanda, eh."

Her Boss' Broken Heart And Broken LegTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon