Chapter 23

9K 233 13
                                    

“SO this is your idea of a date?”

Natatawang inayos ni Trevor ang kanyang suot na proteksyon sa ulo. “You’ll be fine. Kinaya mo nga ang pagsakay sa roller coaster ride. Ito pa ba?”

Pinanlakihan niya ito ng mga mata pero nginitian ang safety officer slash tour guide na abala sa pag-aayos ng kanyang body harness. Bigla na lang kasi nag-aya ng date ang binata. Hindi naman niya alam na extreme sports din pala ang pupuntahan nila. Nagsisisi tuloy siya na sa amusement park ito dinala noon. Pakiramdam niya kasi ay gumaganti ito.

“Pero iba ito dahil maglalambitin ako sa ere. This is going to be the death of me,” usal niya saka bahagyang nanginig. She knew she is safe with the roller coaster ride, but the zip line? Nah, paano kung mapigtas ang harness niya? She will be dead for sure. Sa taas ba naman ng kinaroroonan niya?

“You’re safe, Berry. Nasa likod mo lang ako,” patuloy naman sa pagbibigay assurance ni Trevor.

“Oo nga naman ma’am,” sang-ayon naman ng guide na kanina lang ay tahimik na nakikinig. “Our harness is safe. Kahit pa isang daang kilo ng bigas ay kaya niyang dalhin hanggang sa dulo.”

“See? Sa safety officer na mismo nanggaling.”

Nahiya siya sa guide at lihim na sinamaan ng tingin ang binata. Kanina pa ito nakasuot ng protective gear. Siya lang itong nag-iinarte dahil naman, ito ang unang beses na susubukan niya ang zip lining. She never tried it before because she does not like the feeling of being suspended in the air. It is the fear she does not want to get over with until today. Kung hindi lang siya nakokonsensya dahil wala naman itong naging reklamo noon. Dapat gano’n din siya ngayon.

“Okay. I’ll give you a minute to decide whether you wanna do this or not.” Bahagyang lumayo sa kanila ang guide upang bigyan sila ng espasyo ni Trevor.

“You decide,” taas ang mga kilay ni Trevor na wika sa kanya.

Dang! There’s the guilt doubling.

Huminga siya ng malalim saka hinarap at tinanaw ang bangin kung saan siya tatawid. She quickly turned around to Trevor and looked at him in the eyes. Pagkaaliw ang nababasa niya sa mga mata nito samantalang siya’y puno ng kaba. “Sabihin mo na nasa likod lang kita,” sambit niya.

“Sinabi ko na ‘yan sa’yo kanina.”

“I need an assurance!”

“I don’t bluff.”

Nakagat niya ang labi saka tumango. “Okay.” She released a rush sigh. “Let’s do this.”

“Are you sure? Puwede nating hindi gawin ito kung ayaw mo.”

Masama ang tingin na ipinukol niya sa binate. “Ngayon pa? Sige na. Kaya ko ‘to.”

“Okay.” Tinawag na nito nang tuluyan ang guide. “She’s ready,” sabi nito nang makalapit ito sa kanila.

Napalunok siya nang pupuwesto na sila. At dahil siya ang mauuna ay mas dumoble ang kabang nadarama. Pero nilakasan niya ang loob at buong tapang na tumalon. Kasabay niyon ay ang pag-alpas ng nakakabinging sigaw ang narinig sa buong kagubatan. Birds flew from tree to tree as if in panicked.

Hanging in the air felt like no other. Halos mawalan siya ng ulirat dahil sa bugso ng halo-halong damdamin. The journey to the end felt like forever. Mangiyak-ngiyak siya nang sa wakas ay marating niya ang dulo. Sinalubong siya ng isa pang staff doon at nginitian, as if telling her that she did a great job.

Pagkaalis ng harness sa kanyang katawan ay nilingon niya agad ang pinanggalingan. Then she saw Trevor was coming her way. Hindi maipinta ang mukha nito. Nang makarating sa end point ang ay ito na mismo ang nagtanggal sa suot nitong harness. Then he was looming over her all of a sudden.

Her Boss' Broken Heart And Broken LegTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon