Pinapasabi po nina Trevor at Berlin sa totoong buhay... MARAMING SALAMAT sa pagpili sa kanilang kuwento!
Hugs and kisses raw! 👄
"ANO ba talaga ang gusto mong patunayan?"
Masama ang tinging ipinukol niya kay Trevor. "Na kaya kong mangalap ng mga kabibe nang walang tulong mo," naka-ingos na saad niya.
Namaywang ito. Kahit na sa simpleng board short at tee-shirt na suot nito ay umaapaw pa rin ang ka-guwapuhan nito sa umaga.
Bahagya siyang napasimangot. Kanina pa niya ito kinukumbinsing tulungan siya sa pangunguha ng mga kabibe sa dalampasigan pero ang herodes ay pinapanood lang siya.
"Hindi mo kailangang sumampa sa mga batong 'yan. You can pick shells right just here." Itinuro nito ang kulay brown na buhangin. "Wala kang makukuha riyan."
Hindi niya ito pinansin bagkus ay hinarap niya ang walang hanggang tubig. Nakatuntong siya sa batuhang bahagi ng dagat dahil naakit siya sa hampas ng alon doon.
"Be careful, Berlin," narinig niyang paalala nito. "Mabato ang bahaging kinatutuntungan mo. Puwede mong ikamatay kapag nabagok ang ulo mo riyan."
She only glared at him. Totoo naman na baka wala siyang makuhang kabibe sa puwesto niya dahil sa alon ng tubig. But she's too captivated by the water she could not resist going over there.
"Alam mo, kung gusto mong makatulong ay bakit hindi ka nalang mamulot diyan at hayaan ako rito? Kaya ko ang sarili ko. I can manage even if these rocks are slippery, you know," wika niya habang pilit kinukuha ang shell na nakakapit sa batuhan.
Hindi siya makakapayag na walang mapala sa maaga niyang paggising para lang mamulot ng iba't-ibang klase ng kabibe. It is childish, yes, but who the hell cares?
Napakapit siya sa bato nang medyo malakas na alon ang humampas sa kainaroroonan niya. Nabasa rin siya sa lakas niyon. Anak ng limang tipaklong naman! Kung kailan siya nagsisimula palang ganahan ay saka naman siya binasa ng dagat.
"That's what I was saying," komento ni Trevor.
Napilitan siyang umalis doon at bumalik kung saan niya ito iniwan. Kapag tinamaan ka nga naman ng malas! Medyo may pagdadabog siyang lumapit dito. Mas lalo siyang nainis nang pulutin nito ang kabibe na dinala ng alon sa may paanan nito at ini-abot sa kanya.
"See? Kusa silang dinadala ng alon sa'yo. You just need to look around and pick them."
Padabog niyang kinuha iyon at ini-shoot sa maliit na lalagyan niya. "Eh, tutulong ka naman pala bakit hindi mo pa ginawa kanina?"
Tumaas ang kilay nito. "Tayong dalawa na nga lang ang tao rito, Berlin. Mag-aaway pa ba tayo?"
Napaismid siya sa litanya nito. Eh, di wow. Sinamaan na lang niya ito nang tingin saka nilampasan. "Sige na, tulungan mo nalang akong mamulot."
"Bakit mas gusto mong mamulot kung puwede naman tayong mamili nalang? Mas magaganda at maaayos pa ang mabibili natin."
"Gusto ko kasi 'yong ako mismo ang nag-effort kumuha. Saka marami naman dito, bakit pa ako bibili?"
Hindi na ito muli pang kumontra at tahimik na lang siyang sinundan. Panaka-naka ay may inia-abot itong kabibe sa kanya. That's how they started their first in the beach. Natutuwa rin siya dahil hindi na ito bugnutin, pero sa kasamaang palad ay parang lumipat sa kanya ang ugali nitong 'yon. She couldn't explain why.
They were just walking alongside the beach shore when he held her by the arm. Nakakaliyong kilabot ang dumaloy sa katawan niya sa simple na namang hawak nito.
BINABASA MO ANG
Her Boss' Broken Heart And Broken Leg
RomanceBoss Series #2 TREVOR: Her Boss' Broken Heart And Broken Leg Trevor felt like crap when his fiancee decided to broke off their upcoming wedding because she unintentionally fell into someone else. As a result of that unlikely news, he drowned himself...