[MAKE SURE THAT YOU'VE ALREADY READ THE BOOK 1 OF ONCE AGAIN BEFORE READING THIS.]
Once Again (Book 2)
Forgetting Last Summer
-Ian Joseph Barcelon.
Intro
Bella
Nagkita ulit kami ni Peter makalipas ang anim na buwan, sa labas ng campus. Niyakap niya ‘ko, niyakap ko rin siya. Naramdaman ko ang halik niya pagkatapos nang mahabang panahon. Gumaling siya matapos ang aksidente at isang taon ang lumipas, bumalik ang pamilya nila sa Cavite. Bumalik ang lahat, nung panahong mga bata pa kami. Parang bumalik sa lahat ang dati.
Pumasok kami sa loob at nadatnan sila Mama at Tita Carol na naghahanda ng meryenda. Pagkatapos, umakyat kami ni Peter sa kuwarto ko. Nilabas niya ang singsing.
“Will you marry me after 4 years?”
Lumipas ang apat na taon, ikinasal kami ni Peter.
“Bella?”
Nagising ako sa pagtawag ni Tracy sa pangalan ko. Imahinasyon lang ang lahat. Tama, ito ang realidad. Ngayon. Sa oras na ‘to. Sa oras na ginagalawan ko ngayon.
Nakaupo kami sa couch, muted ang tv, at tanging maririnig lang ay aircon sa sala. Walang commitment after 4 years. Walang kasalang mangyayari. Bumalik ako sa Cavite at iniwan si Peter sa Batanes na nakahiga sa kama niya sa hospital. Pinutol ko ang koneksyon namin sa pamilya nila. Hindi na kami nagkausap pagkatapos noon. Doon natapos ang summer ko noong nakaraang taon.
Isang taon na ang nakalilipas…
**
Hi readers! Book 2 for Once Again! Yay!
Any idea kung bakit bigla na lang nagkaganito? Akala niyo happy ending sa book 1? Hmmmn! Leave your comment and votes after reading. Please, please and please!!! ^_____^
BINABASA MO ANG
(Available Under Tuebl)Once Again Book II: Forgetting Last Summer [Finished]
Teen FictionOnce Again Book 2: Forgetting Last Summer. Bella is struggling to come to terms with what happened on her summer the year before now. It's almost a year... Dumating si Jacob. Jacob? The kind of guy that every girl wishes to have. What's his role in...