Chapter 5 (Jacob)

164 12 6
                                    

Once Again [Book 2]

-Ian Joseph Barcelon.

Chapter Five

Jacob

“Narinig mo ang mga sinabi ko, Jacob. Ayokong pumasok sa issue niyo ni Crislyn.” And with that, she stood up and left. Wala na ‘kong nagawa at hinayaan ko na lang siya.

If she hadn’t cheated on me, hindi sana ako mahihirapan nang ganito. Hindi dapat ako nasasaktan. Tumayo na rin ako sa pagkakaupo at lumabas ng canteen. Hindi na ako bumalik sa first class ko, sa halip ay nagpunta ako sa park, sa labas ng campus building. Nagpunta ako sa lugar na palagi kong pinupuntahan.

Humiga ako sa damuhan, nakapatong ang ulo sa dalawang kamay ko. Ipinikit ko ang mata ko at dinama ang malamig na hangin. As I closed my eyes, all the memories came back. Like series of pictures—and as it flashback, I could feel my heart breaking. Bleeding. Badly.

I was going to surprise her that day. May dala akong bulaklak at pizza box, kasama ang DVDs na binili ko dahil sa tuwing magkasama kami, palagi kaming nanunuod ng movies habang kumakain. I thought, that that day would be just one of our normal days together. But I was wrong. That day was the end of our relationship. I was the one who’s surprised when I saw her—and Erick. They were cuddling in the couch. They were kissing, they were makin’ out. And it felt like, I was stabbed in the back, habang pinapanuod ko sila.

Nanatili lang akong nakatayo, parang na-paralyze ako. It didn’t occur right away that it was happening. That was happening. She’s cheating on me. Shit. I could see it in my own eyes. Gusto kong isigaw ang pangalan niya. Gusto kong makita niya ‘ko. Gusto kong sirain ang pintuan nila, pasukan sila at suntukin si Erick sa mukha. But then, I turned away, close-fisted. My heart’s literally breaking—that moment, that time.

Nang makarating ako sa dorm, inilapag ko lang ang hawak kong pizza box sa table at pinatong sa ibabaw ang ilang DVDs. Good thing, wala ang dorm mate ko na si Tristan. Gusto ko munang mapag-isa. Humiga ako sa kama, nakapatong ang ulo sa isang kamay ko at nakatakip sa mata ko ang kaliwang bisig ko. I cried. That was the first time I cried for the very long time, dahil nang huling umiyak ako, that was on my mom’s funeral years ago.

Para akong bata na humagulhol ng iyak. I loved her, I gave her my everything. Parang may matulis na bagay na tumutusok sa puso ko habang bumabalik sa isipan ko ang lahat. Malinaw. She’s having an affair with Erick. Ngayon, alam ko na kung bakit nagiging secretive siya, kung bakit sa tuwing tatawagan ko siya, naka-off ang cell phone niya, sa tuwing yayain ko siyang lumabas, sinasabi niyang busy siya—which was really unlike her. Ngayon naiintindihan ko na ang lahat.

I rejected her call that afternoon. Pagkatapos niyang tumawag, in-off ko ang cell phone. Tumayo ako sa kama at naglakad papunta sa fridge, kumuha ng ilang beers at bumalik sa kama. Tinanggal ko ang suot kong t-shirt at hinagis lang kung saan. I was in my boxers when Tristan came in. Nadatnan niya ‘kong umiinom. May dala pa siyang ilang libro. Siguradong katatapos lang ng klase niya.

“Hey,” iyon lang sinabi niya. Napatingin siya sa sahig at alam kong nakita niya ang ilang bote ng beers. He put his bag on the table and sat in the edge of his bed, near me. “May problema, bro?”

(Available Under Tuebl)Once Again Book II: Forgetting Last Summer [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon