Once Again [Book 2]
-Ian Joseph Barcelon.
Chapter Thirty
Dumating na ang second week ng October, isang linggo na lang bago magsimula ang second semester sophomore year—ang kaibahan nga lang, walang semester break, unlike last year. Tapos na rin ang 3 day final exams, at sa kabutihang palad, kasali ako sa top students ng bawat subjects. Panibagong semester, panibagong sets ng classmates bawat section, panibagong sets ng subjects. Sana lang, wala na si Mrs. Hilda sa list ng mga professors ko.
Proud din ako kina Tracy at Joy dahil pareha silang kasali sa top students ng courses nila. Nagkaroon nga kami ng celebration nung isang araw sa bahay nila Tracy. Pool party kasama ang mga classmates niya.
Si Jacob? Pagkatapos ng birthday ko, hindi ko na siya nakakausap. Hindi ko rin alam kung bakit, pero hindi siya dumating nang araw na 'yon. Walang texts, walang phone calls, walang e-mail o chat, na sobrang hindi siya. Basta, bigla na lang siyang hindi nagparamdam. Hindi ko nga alam kung bakit hindi siya dumating sa eksaktong araw pa na 'yon, pero wala naman akong karapatang tanungin siya dahil wala naman talaga akong karapatan.
Sa tingin ko, babalik na sa dati ang lahat. Ako, na isang simpleng estudyante lang ng Farbel, business administration student at hindi 'girlfriend' ni Jacob na star player ng basketball team ng school. Ah! Nanalo rin pala kami last week sa NCAA laban sa St. Margo University. Nagkaroon nga ng whole day celebration—which is after ng finals—na ikinatuwa nang lahat, dahil bukod sa nanalo ang Farbel, malaya kaming makakapagdiwang dahil wala nang exams.
Pero . . . hindi ko nakita si Jacob nang araw na 'yon.
May parte sa 'kin ang nag-aalala sa kanya. Huling nakita ko siya at nagkausap kami, umaga ng birthday ko. Gusto kong tanungin sila Patrick, ang mga teammates niya, pero ang problema lang, hindi ko alam kung dapat ko bang gawin 'yon. Hindi na rin kasi ako sigurado kung parte pa rin ako ng buhay ni Jacob ngayon.
Nag-iisip pa rin ako kung pa'no ko sasabihin kina Tracy at Joy ang lahat. Lahat-lahat. Tungkol sa deal namin ni Jacob. Ito nga ang bumabagabag sa 'kin sa tuwing iniisip ko—lalo pa ang magiging reaksyon nila Tracy at Joy kapag nalaman na nila.
***
Inilagay ko lahat sa backseat ang mga dala kong libro pati ang mga materials na gagamitin namin para sa darating na Halloween celebration ng school. Ito ang pinagkakaabalahan ng section namin last week pa na isa sa mga dahilan para hindi ko masyadong isipin ang tungkol sa 'min ni Jacob . . .
Isinara ko ang pintuan pagkatapos.
Si Rupert, sariling sasakyan ko na ulit ngayon na huli kong nakita, nung eleven year-old pa lang ako. Paboritong-paborito namin 'to ni Papa'ng sakyan (na kami pa nga ang nagbigay ng pangalan), pero nang maaksidente kami sakay nito, akala ko binenta na 'to ni Papa. Akala ko, hindi ko na ulit makikita si Rupert, pero nang araw ng debut party ko, ito ang pinakamasayang regalong natanggap ko sa lahat ng birthdays ko. Ito ang pinagkakaabalahan nila Tracy at Joy, kaya isang linggo bago ang birthday ko, parang nakalimutan na nila ako. Hindi pala.
BINABASA MO ANG
(Available Under Tuebl)Once Again Book II: Forgetting Last Summer [Finished]
Teen FictionOnce Again Book 2: Forgetting Last Summer. Bella is struggling to come to terms with what happened on her summer the year before now. It's almost a year... Dumating si Jacob. Jacob? The kind of guy that every girl wishes to have. What's his role in...