Once Again [Book 2]
-Ian Joseph Barcelon.
Chapter Thirteen
“Just… Oh my… really, really God!” parang batang sabi ni Tracy, na nasa gilid lang, nakaupo sa kama at pinanunuod kami ni Joy habang inaayusan ako ng buhok. “You look… so gorgeous! Or should I say, DDG.”
Mula sa salamin, napakunot ang noo ni Joy. “DDG? Ano naman ‘yun?” tanong niya, focused ang mga mata sa pag-aayos ng buhok ko. Malapit na siyang matapos.
“Hello? DDG means, Drop-Dead-Gorgeous,” sagot naman ni Tracy at binigyan niya kami ni Joy ng irap. Andito na naman siya sa mga acronyms niyang sosyal. Napangiti na lang ako sa kanya. “Believe me, Bellskie, you look very different.” Wala akong sinabi, sa halip ngumiti lang ako sa sarili kong repleksyon. Ilang beses na niyang sinabi ‘yan.
“In a good way,” dagdag niya.
Kanina pa sinasabi ni Tracy na sobrang ganda ko, kahit pa nung mine-make-up-an niya ‘ko. Wala na ‘kong marinig sa bibig niya kundi, ‘You really look good, Bellskie’, ‘You’re so beautiful’, ‘You look different tonight’, at etcetera. Gusto ko na ngang maniwala. Pero sa totoo lang, hindi ko rin makilala ang sarili ko—sa gabing ‘to.
Bahagyang ibinaba ni Joy ang mukha niya, palapit sa mukha ko at tiningnan niya ‘ko sa salamin. Magkapantay na ang mukha namin ngayon. Ngumiti siya saka sinabing, “Done, princess.”
Dahan-dahan, tumayo ako sa upuan at tiningnan ang sarili ko sa full-body mirror. Suot ang creamy yellow one-shoulder dress na medyo mataas sa tuhod ko, na binigay ni Jacob, ang kuwintas na binigay sa ‘kin ni mama na may puting pearls at diamond pendant, yellow stilettos na pinahiram sa ‘kin ni Tracy, at color gold na purse bag na binili ko last, last month. Maya-maya pa, tumabi na rin sa ‘kin sila Tracy at Joy—si Tracy suot ang violet long sleeve flare dress niya, violet purse sa kaliwang kamay, silver necklace na may amethyst na pendant at purple stilettos; si Joy naman, suot ang black slit open black dress niya, black mini-shoulder bag, black stilettos, at white gold necklace niya. Talagang terno sa mga damit namin ang kulay ng accessories na gamit namin.
Troy Zevie’s welcome back party.
Isa-isa kaming naglakad na parang model sa salamin. Una ako, pangalawa si Joy at huli si Tracy. Pare-pareho kaming tumawa sa ginawa namin. Kaming-kami pa rin, walang nagbabago—still the vanilla trios.
***
Parang kahapon lang nang makilala ko ang nine year-old na si Tracy at Joy, at kaninang umaga lang nag-transform ako ng seventeen (close to eighteen) at sila naman, nineteen. Nakakatuwa ngang isipin na buo pa rin kaming tatlo, magbe-bestfriends pa rin hanggang ngayon.
Mas matanda sila sa ‘kin ng isang taon—kahit na ka-level ko lang silang sophomore colleges—dahil hindi ako dumaan ng nursery at prep-level, at dumiretso ng grade one. Dalawang buwan na lang ang bibilangin, mag-e-eighteen na ‘ko. Ang edad na simula pa lang ten year old ako, hinihintay ko na.
BINABASA MO ANG
(Available Under Tuebl)Once Again Book II: Forgetting Last Summer [Finished]
Teen FictionOnce Again Book 2: Forgetting Last Summer. Bella is struggling to come to terms with what happened on her summer the year before now. It's almost a year... Dumating si Jacob. Jacob? The kind of guy that every girl wishes to have. What's his role in...