Chapter 1

332 14 6
                                    

Once Again [Book 2]

-Ian Joseph Barcelon.

Chapter 1

Nagkita ulit kami ni Peter makalipas ang anim na buwan, sa labas ng campus. Niyakap niya ‘ko, at niyakap ko rin siya. Naramdaman ko ang halik niya pagkatapos ng anim na buwang hindi namin pagkikita. Gumaling siya matapos ang aksidente at isang taon ang lumipas, bumalik ang pamilya nila sa Cavite. Bumalik ang lahat, nung panahong mga bata pa kami. Parang bumalik sa lahat ang dati. Ang pamilya niya, kasama ng pamilya ko.

Pumasok kami sa loob at nadatnan sila Mama at Tita Carol na naghahanda ng meryenda. Pagkatapos, umakyat kami ni Peter sa kuwarto ko. Nilabas niya ang singsing at—

“Bella? Bellskie? Hello?”

Narinig ko ang pagtawag ni Tracy sa pangalan ko. Ilang segundo ang lumipas bago rumehistro sa isipan ko ang pagtawag niya sa ‘kin. Para akong nagising sa katotohanan. Imahinasyon lang ang lahat. Tama, ito ang realidad. Ngayon. Sa oras na ‘to. Sa oras na ginagalawan ko ngayon.

“Tinatanong kita kung may nakahanda ka na bang damit mamaya sa Ridge’s Night Summer Party? Remember?”

Tumayo ako sa pagkakahiga sa couch at inayos ang sarili ko. M-in-ute niya muna ‘yung TV para marinig ang sasabihin ko. Sinagot ko ang tanong niya, “Damit? Para saan?” Hindi ko kasi masyadong narinig ‘yung huling mga salitang sinabi niya.

Tinaasan niya ‘ko ng kilay at inirapan. “Kakasabi ko lang. Ridge’s Summer Party!” Tiningnan niya ‘ko nang seryoso, na para bang sinusuri ako. “Ayos ka lang ba?”

Muli akong humiga sa couch sa sala, bumuga ng hangin at tumingin sa kawalan bago ko siya balingan ng tingin.

Yearly ang Ridge’s Summer Party, dito sa subdivision namin kung saan lahat ng mga dalaga’t binatang teens, required na pumunta sa party na ‘yon. Parang tradisyon na ‘yon tuwing summer para sa mga kabataan. Nagsimula ang summer party na ‘yon, apat na taon na ang nakalilipas. Kaya 4th year na ngayon. Dumalo kami nung second year celebration pero hindi ako nakasama kina Tracy at Joy last year dahil nasa Batanes kami. Masaya ang party na ‘yon, marami kang makikilala at hindi matatanggal ang ngiti mo hanggang matapos ang gabi.

—Pero, sa tingin ko, ang pinakamasayang summer ko ay nang makasama ko si Peter. Sa Batanes. Iba na ngayon. Dito na ulit ang summer ko sa Cavite, kasama ng mga taong nakilala ko nang mawala ang kababata ko.

“Ayos lang ako.”—kahit sa totoo, hindi.

Walang commitment after 4 years. Walang kasalang mangyayari. Bumalik ako sa Cavite at iniwan si Peter sa Batanes na nakahiga sa kama niya sa hospital. Pinutol ko ang koneksyon namin sa pamilya nila. Hindi na kami nagkausap pagkatapos noon. Doon natapos ang summer ko noong nakaraang taon.

At isang taon na ang nakalipas. Pinagtagpo kami ulit ni Peter, ng kababata ko, at nagkaroon ng pag-ibig ng summer na ‘yon. Pero sa pagtatapos ng summer, sa pagsisimula ng June, natapos na din ang lahat. Na parang panaginip lang ang summer na ‘yon.

(Available Under Tuebl)Once Again Book II: Forgetting Last Summer [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon