nullOnce Again [Book 2]
-Ian Joseph Barcelon.
Chapter Thirty-two
Mula sa screen ng laptop, dahil nag-i-skype kami ni papa, lumingon siya para tingnan ang wall clock sa likod niya, at sinabing, “Hm, maliligo na si Papa, nak. I guess, hanggang dito na lang muna tayo.”
Ibinaba ko ang tinidor sa plato, kumakain kasi ako ng strawberry cake habang kausap si papa, kanina pang 6PM. Pinunasan ko ng tissue ang bibig ko at sinabing, “Okay po, pa. Ingat po kayo.” Ngumiti ako at nag-flying kiss sa kanya.
“Still my baby girl,” sabi niya naman sa Papa-way niya. Nag-wave siya ng goodbye, sinabing, “Sabihin mo sa mama mo na tumawag ako, okay? Pag-uwi ko, marami kang ikukuwento sa ‘kin. I miss you.” Kumindat siya.
Kumaway din ako sa kanya. “I miss you too, pa. Take care.” Ngumiti ako nang matipid, iniisip pa lang kung pa’no kong sasagutin ang mga nakahandang tanong ni papa pag-uwi niya.
“Bye,” “Bye, muah,” sabay naming sabi saka naputol na ang linya sa pagitan namin. Ilang segundo lang din ang lumipas, nag-offline na ang account ni Papa.
Ngayon lang ulit kami nagka-chat simula nung gabi ng debut party ko. Kahit pa busy ako ngayon, pumayag pa rin akong makipag-chat sa kanya. Sobrang nami-miss ko na rin kasi si papa. Sa December pa ang uwi niya, isang buwan pa ang hihintayin. Pero kahit iniisip ko pa lang 'yon, mas nae-excite akong makita ulit si papa.
Since wala si mama, dahil nasa subdivision meeting siya ng Ridge ngayon sa hall, ako lang ang mag-isa sa bahay. Pagkatapos kong i-shut down ang laptop, bumaba ako ng kuwarto at nagpunta sa kusina, kung saan nakalagay ang mga materials na ginagamit ko sa paggawa ng prizes para sa event. Nangangalahati na rin naman ako, na mabuting bagay na rin, dahil sa Tuesday, November na at Thursday na ngayon.
Nakalatag sa mesa ang mga laruan, candies, trophies at iba’t ibang costumes. Gagamitin ang lahat ng ‘to para sa games sa Halloween event, at prize sa mga makakatapos ng horror maze. Naka-pack na ang mga candies na ipamimigay sa mga Elementary students, at na-polish ko na rin ang mga trophies.
Pagkaupo ko sa mesa, nag-ring ang cell phone ko.
OMG, Bells. This chuchu meeting’s going to be late! Though I really like to go and help you there, wala naman akong magagawa. They should’ve said this earlier, para naman hindi na ‘ko nagpunta pa rito. But really, sorry. L
Ni-reply-an ko si Tracy ng, Ayos lang. Just concentrate there, okay? Ingat! :*
Naiintindihan ko naman si Tracy, may pakulo rin syempre ang organization nila para sa event, katulad namin. Si Joy naman, kasama niya ngayon si Patrick dahil may date sila. Mabuti na nga lang at sinabi niya kaagad, bago ko pa siya in-invite, naistorbo ko pa siguro ang paglabas nila ngayong gabi. Sa tingin ko naman, things are going well sa pagitan nila ni Patrick. Mukhang seryoso naman sa kanya si Patrick, at masaya naman siya.
Binaba ko ang cell phone sa mesa at nagsimulang gumupit ng black cloth. Dito ko nilalagay ang candy sa pormang pouch bag at nilalagyan ko ng gold sash sa pormang ribbon para i-lock ‘yon.
Nakaka-apat na pouch na ‘ko ng candy nang maisipan kong i-text si Jacob. Nagtatalo pa ang isip ko kung sasabihan ko ba siyang pumunta, pero naisip kong baka wala naman siyang ginagawa at matulungan niya ‘ko.
Free ka ba ngayon?
Hindi ko pa nagagawang ilapag ang phone nang mag-reply siya.
YES. Honestly, I was about to text you. Can I come over to your house now?
Napangiti ako dahil hindi ko na kinailangang sabihan pa siya.
Sure, okay.
I’ll be there in twenty minutes. ;)
Nagpunta ako sa kitchen counter at kinuha ang silver tray sa drawer. Kinuha ko rin sa refrigerator ang pizza na ginawa ko kaninang umaga—na first ever pizza na ginawa ko—at nilagay ‘yon sa tray nang maingat, para hindi masira ang toppings. Binuksan ko ang oven at ininit ‘yon. Kaninang umaga, ito ang lunch namin ni mama kaya hindi na buo ang pizza circle at may bawas nang apat na slices. Sabi naman ni mama masarap ang pagkakagawa ko kaya naman confident akong kapag natikman ‘to ni Jacob, magugustuhan niya rin—kay mama kasi ako bumabase ng opinyon pagdating sa mga pagkain.
Akala ko nga masisira ang kuwintas na binigay sa ‘kin ni Jacob dahil nang isara ko ang oven, sumabit ang pendant. Hay! Mabuti na lang talaga!
Habang hinihintay na uminit ang pizza, chine-check-an ko na sa notebook ang mga nagagawa ko na, kasabay nang pagbibilang ko ng sobrang budget na ibabalik ko kay Mr. Jackson bukas. Nang mainit na ang pizza, kinuha ko ‘yon sa oven at nilagay sa kitchen counter. Tumingin ako sa wall clock—7:46PM. Nilagyan ko ng plastic cover sa taas ang pizza para hindi madumihan ‘yon at hindi lumamig kaagad. Fifteen minutes na ang nakalilipas nang mag-text si Jacob kaya naman siguradong parating na siya.
Bumalik ako sa paggawa ng candy pouches, paulit-ulit na sumusulyap sa wall clock. Dumaan na ang 8PM, pero inisip ko na baka na-traffic lang si Jacob sa daan. Paulit-ulit ko ring tinitingnan ang cell phone ko para i-check kung nag-text ba siya. 8:31PM—8:56PM.
Malapit nang mag-nine kaya naman nag-alala ako kung nasaan na ba siya. Tinext ko siya ng, Nasa’n ka na? Malapit ka na ba?
Tinigil ko na ang ginagawa ko at ipinatong na lang ang ulo sa braso ko habang hinihintay ang text ni Jacob.
Beep!
Sorry, Bella, hindi ako makakapunta. Tumawag si Crislyn. Pupunta ako diyan bukas. Okay? Good night.J (received 9:39PM).
Parang may tumusok sa puso ko nang basahin ko ang text niya. Napatingin ako sa kitchen counter, sa pizza na mukhang malamig na. Binalikan ko ng tingin ang screen ng cell phone ko, in-off ‘yon at huminga nang malalim. Hindi ko na namalayang nadiinan ko na ‘yung pagpindot sa off button na halos dumikit na ang hinlalaki ko do’n.
Pinaghintay niya ‘ko ng almost two hours at—at kasama niya si Crislyn?
***
Ooopps. :(
BINABASA MO ANG
(Available Under Tuebl)Once Again Book II: Forgetting Last Summer [Finished]
Roman pour AdolescentsOnce Again Book 2: Forgetting Last Summer. Bella is struggling to come to terms with what happened on her summer the year before now. It's almost a year... Dumating si Jacob. Jacob? The kind of guy that every girl wishes to have. What's his role in...