Bella
Nanaginip ako . . .
Nakasuot ako ng wedding gown . . . mag-isa sa tapat ng altar.
Walang pari—walang tao. Wala sila mama’t papa.
Walang Tracy . . . walang Joy.
Ako. Ako lang mag-isa.
Tiningnan ko ang paligid. Mula sa isang simbahan, parang nagbago ang paligid at napunta ako sa tabing dagat. Nakapaa na ako, nakasuot ng white sundress; nakaapak ang paa sa maputi at pinong-pinong mga buhangin.
Hinanap ko siya . . . pero sinong siya?
Pumikit ako. At pagdilat ng mga mata ko, bumalik ako sa simbahan. Lumingon ako at nakita ang isang nakatayong lalaki sa pintuan. Pero hindi ko siya makilala—masyadong maliwanag.
Pumikit ako. At sa muling pagdilat ko, bumalik ako sa tabing-dagat, sa pamilyar na lugar na minsan kong napuntahan.
May tumawag ng pangalan ko. Kaagad akong lumingon at nakita ang isang lalaki. Pero hindi ko makita ang mukha niya—natatamaan ng liwanag ang mga mata ko. Lumapit siya at hinawakan ang kamay ko.
Hindi siya . . . hindi ang mga kamay niya ang gusto kong hawakan.
Bumitiw ako . . . o bumitiw nga ba talaga ako?
***
End of our Book 2. Ano kayang ibig sabihin ng panaginip ni Bella? Anyone who can interpret it? Anyone could give a tiny little guess? Ohh. I'd be more than happy to read your comments below!
Goodbye! See you on-- BOOK THREE.
PS. Wala pang exact date kung kailan ang release ng book 3. Thank you for the support guys! Samahan niyo ang kuwento ni Bella til the end. :)
BINABASA MO ANG
(Available Under Tuebl)Once Again Book II: Forgetting Last Summer [Finished]
Teen FictionOnce Again Book 2: Forgetting Last Summer. Bella is struggling to come to terms with what happened on her summer the year before now. It's almost a year... Dumating si Jacob. Jacob? The kind of guy that every girl wishes to have. What's his role in...