Once Again [Book 2]
-Ian Joseph Barcelon.
Chapter Three
Malapit nang matapos ang summer. Isang linggo bago ang simula ng pasukan, umuwi si mama. Siya kasi ang mag-aasikaso sa ‘kin sa pasukan, kahit na masyado na ‘kong malaki para doon. Pero palagi niyang sinasabi na ako pa rin ang baby girl niya at dapat niyang gampanan ang pagiging ina sa ‘kin.
Marami siyang ikinuwento sa almost 3 weeks niyang pagbabakasyon kasama ng high school friends niya. Naitanong ko nga sa kanya kung bakit hindi college friends niya ang kasama niya, ang sabi niya, wala pa rin daw lalamang sa friendship nila ng high school best friends niya.
Pumasok nga sa isip ko sila Tracy at Joy, kaming tatlo na classmates since elementary. Ang saya siguro kung magtatagal pa ‘yung pagkakaybigan namin. Katulad nila mama at ng high school friends niya—kahit ilang taon na ang lumipas, nagkaroon na sila ng kanya-kanyang pamilya, hindi pa rin nawawala ‘yung friendship-bond nila.
Alam ko namang naging masaya ang pagre-relax ni mama. Kulang pa nga ang isang photo album na iniregalo ko sa kanya pag-uwi niya (dahil alam kong mahilig si mama sa picture-pictures) galing Palawan. Sobrang daming pictures na inabot kami ng tatlong oras para mailagay sa album lahat.
Siyempre, hindi rin nalimutan ni mama ang mga pasalubong niya sa ‘kin. Kuwintas na may mapuputi at makikintab na pearls at may diamond na pendant. Sinubukan kong itanong kung magkano ‘yon pero hindi sinabi ni mama. Sa halip, sinabi niyang hindi naman mahalaga kung magkano ang presyo dahil napasaya niya naman daw ako—at napasaya niya naman talaga ako sa regalo niyang ‘yon.
Hinayaan ko munang magpahinga si mama sa kuwarto niya at ako na ang nag-ayos ng mga ginamit namin sa album. Matapos kong maglinis ng mga kalat at magwalis sa sala, umakyat na ‘ko sa taas dala parin ang kuwintas sa kamay ko. Pumasok ako sa kuwarto, binuksan ang closet pagkatapos ay kinuha ang maliit na blue box doon.
Napatigil ako nang mabuksan ko ‘yon. Nakita ko ang kuwintas na iniregalo sa ‘kin ni Peter. Hindi lang ‘yon, pati ang singsing ko na kapareho ng kay Peter. Matagal ko nang hindi suot ang mga ‘yon, para malimutan ang lahat. Nakatago sa isang kahon na iniregalo sa ‘kin ni Papa noong 13th birthday ko. Ang sinabi niya, doon ko ilalagay ang mga bagay na importante sa ‘kin. Itatabi sa isang lugar para hindi ako mahihirapang hanapin.
Pero nang makita ko ulit ang kuwintas at singsing, lahat ng ala-ala, ng summer na ‘yon… ay bumalik sa isipan ko. At kaya nakalagay ang dalawang bagay na ‘yon doon, dahil mahalaga sa ‘kin ang ala-ala namin ni Peter. Ng summer na ‘yon.
Nang oras na kumurap ako, tumigil ang pagbalik ng ala-ala.
At saka ko lang naisip na, hindi naging laman ng isip ko si Peter ng mga nagdaang linggo. Hindi ang ala-ala naming dalawa, kundi ang halik na nangyari ng night party. Ang ginawang paghalik sa ‘kin ni Jacob.
At sa sandaling panahon na ‘yon, hindi ko naisip ang last summer, kundi ang oras na ginagalawan ko sa mga lumipas na araw ng buhay ko.
**
Katatapos ko lang mag-bake ng cookies sa kusina. Nilagay ko na agad ‘yon sa tupperware at inihanda sa mesa. Sabi kasi nila Tracy at Joy, pupunta sila ngayon para bumisita. Wala namang importanteng mangyayari o pag-uusapan, nasanay lang siguro kaming mag-bonding madalas tatlo kahit sa mga tipikal na araw lang.
BINABASA MO ANG
(Available Under Tuebl)Once Again Book II: Forgetting Last Summer [Finished]
Teen FictionOnce Again Book 2: Forgetting Last Summer. Bella is struggling to come to terms with what happened on her summer the year before now. It's almost a year... Dumating si Jacob. Jacob? The kind of guy that every girl wishes to have. What's his role in...