Once Again [Book 2]
-Ian Joseph Barcelon.
Chapter Twenty-three
Tuesday ng umaga, naglalakad ako sa waiting lane dala ang sixty pages papers para ipasa sa Business Analytics class ko. Tatawid na sana ‘ko nang may humaharurot na sasakyang dumaan sa harapan ko—dahilan para mapasigaw at mapaatras ako, mapaupo sa sahig at mabitawan ang mga papel na nagkalat sa sahig.
Sinundan ko nang masamang tingin ang kulay dark pink na kotseng 'yon. Wala man lang ba siyang mga mata? Nakita niyang may tatawid? Hindi man lang marunong pumreno. Habang nakatingin sa kotseng 'yon na sandaling huminto at umandar ulit paliko sa kanan, parang nakita ko na ang sasakyan na 'yon. Kay Crislyn . . . siya lang ang may ganung kulay ng sasakyan dito sa campus. Kung siya nga 'yon, hindi niya naman siguro—o baka naman sinadya niya? Dahil?
Pumasok sa isipan ko kung ano’ng ginawa ni Crislyn sa mga na-link kay Jacob nung sila pa. Pa’no nalang kung—gawin niya rin sa 'kin 'yon? Posible ba? E, bakit ngayon lang? Ang daming tanong na gustong pumason sa subconscious mind ko. Iniling-iling ko ang ulo ko at tinanggal sa isipan 'yon. Imposibleng magselos sa 'kin si Crislyn. At saka pumasok sa isipan ko ang nangyari nung night party. Umalis siya nang mangyari ang plano namin ni Jacob—posible kayang ‘yun ang dahilan? Nakaramdam ako ng kaba sa dibdib ko—kaba dahil sa mga puwedeng gawin ni Crislyn sa 'kin, at kaba dahil ayoko nang isipin ang babaeng ‘ako’ nung party na 'yon.
Nanginginig ang mga kamay, pinulot ko na ang nagkalat na mga papel sa sahig, at nang maiayos ko na ulit sa dati, naglakad na ‘ko papunta sa building ng first class ko.
Pagkatapos ng Business Analytical class, nasa labas si Jacob at naghihintay. Nakasuot siya ngayon ng corporate attire niya—nakasabit sa balikat ang coat niya. Bawat kaklase ko na dumadaan, at ilang mga estudyante na nasa hallway, nakatingin sa ‘min. Sinabi niya sa 'king may magpapatulong daw siya sa accounting subject niya, kaya naman nagkaroon ako ng chance na makaalis na kaagad sa mga matang nakatingin sa 'min at sinabi ko sa kanyang sa lobby na kami magpunta.
Habang naglalakad, magkahawak ang mga kamay namin ni Jacob. Kinakabahan pa rin ako sa tuwing maglalakad kami nang ganito—sa harap ng maraming tao. Mabilis at malakas ang tibok ng puso ko na saka lang magiging normal kapag alam kong bibitiw na si Jacob sa 'kin at nakarating na kami sa dapat naming puntahan.
Sa bakanteng mesa sa lobby area, ibinaba ni Jacob ang hawak niyang libro na mukhang lagpas three hundred pages ang kapal. May ballpen, lukot-lukot na scratch papers, pambura at lapis din siyang inilagay sa mesa.
“This is really annoying,” sinabi niya, mabagal na umupo at hinawakan ang ballpen. “May basketball line up kami ngayon at sasabay pa 'to.”
Umupo naman ako sa tabi niya, inilagay din ang sling bag ko sa mesa. “Patingin nga.” Kinuha ko ang libro niya na binuklat niya sa page two-hundred fifty-three. Ini-scan ko muna 'yon at mabilis na binasa. Financial Accounting Standards.
“Hindi ko talaga alam kung ano’ng isusulat sa essay. I’ve missed three classes.”
BINABASA MO ANG
(Available Under Tuebl)Once Again Book II: Forgetting Last Summer [Finished]
Teen FictionOnce Again Book 2: Forgetting Last Summer. Bella is struggling to come to terms with what happened on her summer the year before now. It's almost a year... Dumating si Jacob. Jacob? The kind of guy that every girl wishes to have. What's his role in...