Chapter 19

153 14 11
                                    

Once Again [Book 2]

-Ian Joseph Barcelon.

Chapter Nineteen

            Nilagyan ko ng lip gloss ang ibabang bahagi ng labi ko at idinikit ang ibabaw para kumalat ‘yon nang buo. Nag-spray ng pabango malapit sa pulso at sa ilalim ng tenga saka ko nilagay ang kulay pink na hikaw na may heart design na isa sa mga binigay sa ‘kin ni mama noong bumili kami sa isang for-girls-only shop. May glittery design ‘yon at pa-curve na clasp. Suot ko din ang pink floral patterned dress na hindi lalampas ng tuhod ang haba. Naka-braid ang buhok ko na ginawa ni Tracy—thank you, Tracy—pagkatapos kong maligo kanina. Isang beses ko pang pinagmasdan ang buhok ko bago tumingin kina Tracy at Joy na nakatayo sa likuran ko.

            “So . . . ano sa tingin niyo?” tanong ko sa kanila.

            “Beautif—“ “Gorgeo—“ nagpalitan sila ng tingin dalawa at pare-pareho kaming tumawa dahil sabay silang nagsalita.

            “You look presentable,” komento ni Tracy habang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. “And . . . the dress really fits you.” Binigyan niya ‘ko ng kindat at nginitian ko naman siya pabalik.

            Si Joy, na nakasuporta ang isang daliri sa ilalim ng baba at naniningkit ang mga matang nakatingin sa ‘kin, nagkomentong, “I agree with Tracy. Kung ako ang papa ni Jacob, magugustuhan kita para sa kanya,” nakangiting sabi niya.

            Ngumiti ako nang matamis at nag-curtsy bow sa kanila. “Thank you, ladies.”

            Hinatid ako nila Tracy hanggang sa baba. Naghihintay na ang sasakyan nila Jacob na nasa labas at hindi si Jacob ang nasa driver’s seat dahil sinabi niyang hindi niya ‘ko masusundo dahil sira ang sasakyan niya at ipasusundo niya na lang daw ako sa personal driver nila. Wala akong binigay na siguradong sagot kung pupunta ba ‘ko sa dinner nila ngayon—pero heto ako, nakabihis at magpupunta sa bahay nilang kahit isang beses, hindi ko pa nararating. Puro messages niya kaya ang cell phone ko kanina kaya naman wala na ‘kong nagawa kundi ang pumayag (without texting him back).

            Nang sabihin ko kina Tracy at Joy, dahil gusto kong hingin ang opinyon nila, syempre isa lang ang sinagot nila sa ‘kin—Pumunta ka, Bella. Seryoso si Jacob sa ‘yo dahil ipapakilala ka niya sa papa niya. Gusto ko talagang sabihin sa kanila na: Masasabi niyo kaya ‘yan kung alam niyong hindi talaga ako girlfriend ni Jacob? Pero tinikom ko na lang ang bibig ko at nag-isip ng ilang oras habang nakatalukbong sa ilalim ng kumot bago nakapagdesisyon na pumunta na lang. Tama sila, nakakahiya naman sa papa ni Jacob kung hindi ako pupunta. Inaasahan niya ako—na pretend-girlfriend ng anak niya at hindi totoong girlfriend—na dumalo at samahan sila sa isang dinner.

            “W-wait. Where’s Jacob?” pabulong na tanong sa ‘kin ni Tracy na nasa likuran ko lang. Pinaniningkitan niya ng mata ang matandang lalaking naka-puting uniporme na lumabas ng sasakyan, binuksan ang pinto sa passenger’s seat habang hinihintay akong maglakad at pumasok sa loob. Hindi ko pa lang nabanggit sa kanilang hindi ako masusundo ni Jacob. “Who’s he?” Kinulbit niya ‘ko sa tagiliran.

(Available Under Tuebl)Once Again Book II: Forgetting Last Summer [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon