Once Again [Book 2]
-Ian Joseph Barcelon.
Chapter Twenty
Tiningnan ko muna ang buong kuwarto ko—isang kulay yellow na shelf na nakadikit sa dingding kung saan nakalagay ang Harry Potter books at ilang paboritong libro ko nila J.K Rowlings, John Green, E.L James at marami pa; ang kama ko na pinalitan ni mama ng red pattern bed dress bago ako magpunta rito last week; ang tatlong unan ko na bago rin ang punda; ang bedside desk ko kung sa’n nakapatong ang lamp light ko tuwing gabi at ang personal laptop ko; ilang litrato namin ni mama, papa at ako na nasa dingding. Matapos kong tingnan ang apat na sulok ng hindi-kalakihang kuwarto ko—dahil hindi ko naman pinangarap na magkaro’n ng king-size room—bumalik ako sa pag-iimpake ng mga librong dala ko pabalik sa bag, ilang mga damit at mga gamit.
Bumalik ako sa pagtingin sa salamin: Suot ko ang dark green lace peplum top at denim pants na pang-ibaba. Nakalugay lang ang buhok ko, may black hair clip ang bangs at—done.
Bumaba ako at dinig na dinig ang yabag sa hagdan. Nadatnan kong binabalot na ni mama ang cookies na dapat sana ay ako ang magbe-bake, pero sinabi niyang siya na lang at mag-asikaso na ‘ko sa itaas.
Walang ingay na naglakad ako papunta sa kanya at mahigpit siyang niyakap. “Hmm! Mami-miss ko na naman ang pinakamamahal kong mama sa buong mundo!”
Ngumiti siya, hindi lumilingon na sinabing, “Bakit? Hindi ka ba uuwi by next week? Have you forget that it’s your—“
“My mama’s birthday,” pagputol ko sa sinabi niya. Mas hinigpitan ko ang pagyakap ko sa kanya. “Hindi pa ‘ko ulyanin para makalimutan ang birthday mo, ma. And yes, uuwi ako next week. Hmm . . . pinag-iisipan ko nga kung ano’ng ireregalo ko.”
Inilagay niya na sa lunchbox ang cookies at bumitiw na ‘ko sa pagkakayakap sa kanya para mailagay niya ‘yon nang maayos. “Invite Tracy and Joy over. Kailangang nandito kayo sa birthday ko. And to mention, na-invite ko na si Grace.”
Si Tita Grace, mommy ni Tracy. Hindi na nakapagtatakang in-invite niya na kaagad si Tita Grace, dahil trademark na naman ni mama ang mang-imbita one week before the occasion.
Inabot sa ‘kin ni mama ang paper bag na nakalagay na ang cookies. “Off you go. Take care,” sinabi niya sa mahinahon niyang boses.
Lumapit muna ‘ko sa kanya para halikan siya sa pisngi. “See you next week, ma.”
Tumango lang siya at binigyan ako nang ngiti na hindi kita ang mga ngipin niya. Tumakbo na ‘ko papunta sa pintuan, palabas ng bahay at nang makalabas na ‘ko, sumigaw pa ulit ako nang lumingon ako ng, “Advance happy birthday ma!”—habang inaayos ang kulay creamy brown na sling bag sa balikat ko.
Hindi ko na kinailangang puntahan pa ang bahay ni Tracy dahil sa oras na makalabas ako ng white fence namin, dumating ang sasakyan niya at huminto. Nakasuot siya ng pink shades na may gold edges; nakalugay ang buhok niyang may wave-y curl ends at suot niya ang floral top shirt at white skirt na binili niya last week, kasama ang opinyon namin ni Joy sa damit na ‘yon.
BINABASA MO ANG
(Available Under Tuebl)Once Again Book II: Forgetting Last Summer [Finished]
Teen FictionOnce Again Book 2: Forgetting Last Summer. Bella is struggling to come to terms with what happened on her summer the year before now. It's almost a year... Dumating si Jacob. Jacob? The kind of guy that every girl wishes to have. What's his role in...