Once Again [Book 2]
-Ian Joseph Barcelon.
Chapter Eight
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Jacob. Papalapit. Papalapit hanggang sa makarating siya sa harapan ko. Sa harapan namin nila Tracy at Joy. Kahit na hindi ko ginusto, naramdaman kong bigla na lang nag-init ang mga pisngi ko.
Napalunok ako bago ko sinabing, “H-Hi.” Na isang salita lang, halos mautal pa ‘ko sa pagbigkas. Nakangiti lang siya sa ‘min kaya mabilis kong idinugtong at sinabing, “Sila pala sila Tracy at Joy. Mga bestfriends ko.” Itinuro ko sa kanan ko si Tracy at sa kaliwa naman si Joy.
“Yeah, they’re familiar. Palagi mo kasi silang kasama,” sabi niya sa ‘kin at kina Tracy at Joy, inilahad niya ang kamay niya. “Nice to meet you, ladies.”
Halatang-halata naman na sobrang kinikilig sila Tracy at Joy nang mahawakan nila ang kamay ni Jacob. Isa yata si Jacob sa mga ini-stalk nila sa facebook at twitter at instagram noong bakasyon. Napailing na lang ako habang naghihintay na matapos silang magkamayan.
Nililigid ko ang tingin ko nang makita ko si Jester. Nag-wave siya ng ‘hi’ sa’kin at tinaas ko rin ang kamay ko para mag-‘hi’ sa kanya. Kinausap niya ‘yung dalawang lalaki—na geeks at mga nakasalamin kagaya niya—at naglakad na papunta sa direksyon namin. Mukhang nagpaalam pa siya sa dalawang ‘yon para lang lapitan ako.
“Hi, Bella. Kamusta?” nakangiting tanong niya. Kita ang nangingintab na braces sa bibig niya at may bitbit siyang ilang libro. Hindi pa man ako nakakasagot, sinabi niya kaagad na, “Long time no see. May gagawin ka ba mamaya?”
Sa gilid ng mga mata ko, nararamdaman kong nakatingin sa ‘min si Jacob. At gaya nang inaasahan, lumapit siya sa ‘min ni Jester at inakbayan niya ‘ko. “Are you asking her out?” seryosong tanong ni Jacob. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at kinindatan niya lang ako. “Sorry, dude. Bellsy’s mine. And no one’s asking her out, get me?”
Binalikan ko ng tingin si Jester. Halatang namumutla na ang mukha niya sa kaba at dama ko rin ang lungkot sa mga mata niya nang sabihin ni Jacob na ‘Belly’s mine’ – na isang mabuting bagay na rin para tigilan na ‘ko ni Jester. Ayoko na siyang maghintay. Hindi ako ang para sa kanya at ayoko rin siyang masaktan.
Sapat na ang nangyari ng party na ‘yon. Way back three years…
Naghihintay ako sa garden sa campus kina Tracy at Joy, malapit sa fountain nang may lalaking maglakad papunta sa direksyon ko. Nakasuot siya ng mask na natatakpan ang mga mata niya. Hindi ko siya makilala hanggang sa ngumiti siya. At ‘yon na ang oras na nakilala kong si Jester ‘yon.
Tumugtog ang sweet music habang naglalakad si Jester hawak ang bouquet ng red roses. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. Kami lang ang nandito sa garden, malayo sa hall kung saan nagaganap ang party. Hinanap ko kung saan galing ang tugtog, pero nawala ang isiping ‘yon nang rumehistro sa isip kong nasa tapat ko na si Jester.
BINABASA MO ANG
(Available Under Tuebl)Once Again Book II: Forgetting Last Summer [Finished]
Teen FictionOnce Again Book 2: Forgetting Last Summer. Bella is struggling to come to terms with what happened on her summer the year before now. It's almost a year... Dumating si Jacob. Jacob? The kind of guy that every girl wishes to have. What's his role in...