Chapter 27

130 12 2
                                    

Once Again [Book 2]

-Ian Joseph Barcelon.

Chapter Twenty-seven

                Tuesday ng umaga, araw ng birthday ko, lumabas ako ng building ng dorm at nakita ang kotse ni Jacob na naka-park sa labas. Hindi ko pa pinaniwalaan ang mga mata ko, pero totoo. Nakaupo si Jacob sa loob, nakalabas ang ulo kalahati ng katawan niya sa bintana at ilang beses niyang pinindot ang horn push button ng sasakyan niya na nagbigay ng ingay sa umaga.

            May ilang mga babaeng lumalabas na rin ng building, na katulad ko, papunta na sa Farbel at sa kani-kanilang schools. Suot ko ang white three fourths sleeves shirt ko na may black flower print sa gitna, at black skirt.

           

            “Good morning!” malakas na sigaw ni Jacob sa gitna nang maingay na ‘honk’ ng sasakyan niya. “Happy birthday Bella!”

            Tiningnan ko ang paligid—ilang mga mata ang nakatingin sa ‘kin. Naramdaman kong nag-init ang mga pisngi ko kaya naman para patigilin si Jacob, tumakbo ako papunta sa sasakyan niya at umupo sa tabi niya pagkapasok sa loob. Binanggit ba niyang susunduin niya ‘ko ngayong umaga?

            “Surprise!” sabi niya sa ‘kin nang maisara ko ang pinto ng sasakyan, oras din na natigil ang pagpindot niya sa horn. Okay, surprise, kaya walang siyang binanggit kagabi nang magka-text kami. Okay. Binigyan niya ‘ko ng malaking ngiti bago inabot sa ‘kin white paper bag. “Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday . . .” – kumindat siya at—“happy birthday to you.”

            Ang kaninang nararamdaman kong hiya sa labas, napalitan nang tuwa sa simpleng pagkanta lang ni Jacob ng ‘Happy Birthday Song’. Hindi ko alam pero napatawa niya ‘ko sa ginawa niyang pagkindat at kung pa’no niyang d-in-eliver ang last line ng kanta.

            Binuksan ko ang laman ng white paper bag na may nakalagay na The Good in Morning. Sa loob, may dalawang white round bread at isang Moo box. Kumuha ako ng isang tinapay at kumagat. Vanilla. Umandar na ang sasakyan at tumugtog ang morning songs sa sasakyan ni Jacob. Inilagay ko ang mga dala kong libro sa dashboard at tinusok ng straw ang Moo drink.

           

            “Gusto mo?” tanong ko habang ngumunguya, hawak ang pangalawang tinapay na inilapit ko sa gitna ng bibig at ilong niya.

            Hindi sumasagot, kinagatan niya 'yon. “Hmmm . . .” Sandali, napatigil ako para tingnan si Jacob, pero mabilis kong binawi 'yon bago pa niya mapansing nakatingin ako sa kanya.

            Sa sandaling oras, pakiramdam ko, ang hirap lumunok. Pa’no kung—pa’no bang isipin na hindi totoo ang lahat ng ‘to?

            Nang makapasok na kami sa gate ng Farbel, nagsalita si Jacob. “They didn’t forget it. Maybe—maybe they’re just busy in the past few days,” sinabi niya nang mapansin niya siguro akong tumigil na sa pag-imik at nakatingin sa labas ng bintana.

(Available Under Tuebl)Once Again Book II: Forgetting Last Summer [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon