Once Again [Book 2]
-Ian Joseph Barcelon.
Chapter Thirty-five
Para sa ‘kin, mas naging mahirap pa ang mga sumunod na araw hindi katulad nang inaakala ko. Malapit nang matapos ang buwan ng Nobyembre, at pagkatapos nang araw na sabihin ko kina Tracy ang tungkol sa ‘min ni Jacob, hindi ko na nakausap pa si Tracy. Kahit pa nagkakasalubong kami sa daan, o nagkakasabay na pumila sa canteen, hindi niya ko binibigyan ng pansin. Nagkaroon na kami nang ilang hindi pagkakaunawaan ni Tracy dati, pero hindi ‘yung ganitong klase. Ito na siguro ang pinakamalala naming alitan.
Si Joy, nasa gitna lang namin ni Tracy. Wala siyang kinakampihan pero inamin niya rin sa ‘king nagkamali ako na hindi sinabi sa kanila ang lahat nung una pa lang. Alam ko naman ‘yon kaya nga binibigyan ko ng time si Tracy na magpalamig muna bago ko siya kausapin at humingi ng sorry.
Sa bawat araw na dumadaan, pakiramdam ko mas lumalaki na ang pader sa pagitan namin ni Tracy. Nararamdaman ko ‘yon at sa bawat araw na dumadaan, nararamdaman kong mas lumalayo siya sa ‘kin. Natural lang naman na magkaroon ng away sa pagitan ng magkaybigan at darating din ang araw na hahanap sila ng daan para magkaayos. Pero isang bagay ang kinatatakutan ko—na baka hindi na dumating sa ‘min 'yon ni Tracy.
***
Nasa mall ako ngayon, sa Super Market at nag-go-grocery. Hawak ko ang listahan ng mga pinapabili ni mama. Ito na ang routine ko since last two weeks kong pananatili sa bahay—ako na ang nag-go-grocery para sa ‘min mama. Wala rin naman akong ginagawa sa bahay kaya pinili ko na lang na gawin ‘to kesa naman mag-isip at magkulong lang sa kuwarto.
“Gardenia bread . . . check. Nutella, check. Chocolate Milk Mix, check. Hunts pork and beans, check. Cheese flavored popcorn—“ Tinanggal ko ang tingin sa grocery items list at naglakad. Hinanap ko sa bawat grocery stand ‘yon. “Check.” Kumuha ako ng dalawa at nilagay ‘yon sa basket.
Dahil Friday ngayon, magmo-movie marathon kami ni mama. Syempre, hindi mabubuo ang movie night namin ng walang kasamang pagkain. Pagkatapos niyang malaman ang nangyari sa ‘min ni Jacob, pati na kay Tracy, tinutulungan niya rin akong malibang kahit na papa’no. Mabuti nga’t nandiyan si mama. Palagi niyang pinapaalala sa ‘kin na mapupunta rin ang lahat ng nangyayari sa tamang lugar—na nakakatulong din para mabawasan ang bigat na dala ko.
Next week na ang uwi ni papa, third day ng December. Gagamitin namin si Rupert para sunduin siya sa airport. Hindi niya alam na si Rupert ang sasakyang niregalo sa ‘kin nila mama kaya naman siguradong matutuwa siya kapag nakita niya ang sasakyan ko.
Naglalakad na ‘ko papunta sa counter nang makita ko si Jacob. Hindi lang siya, kasama niya si Crislyn. Magkahawak sila ng kamay. Mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kanila at nagpatuloy sa paglalakad.
Parang may matulis na bagay na humiwa sa puso ko. Bakit ba ‘ko nasasaktan? Bakit kailangan ko pang masaktan?
Habang nakapila, panay din ang tulo ng luha ko na mabilis kong pinupunasan ng panyo. Hindi ko ‘yon mapigilan. Hindi ko naiintindihan kung bakit nararamdaman ko ang ganitong pakiramdam—na naramdaman ko matagal na.
Isa lang ang gusto ko, ang makaalis na kaagad sa lugar na ‘to. Ayokong makita ako ni Jacob na umiiyak, o ni Crislyn. Ayokong maging katawa-tawa sa kanila.
Pagkatapos kong magbayad ng bill, dala ang plastic bags, naglakad na ‘ko palabas ng grocery store. Dumiretso ako sa lady’s bathroom. Hinugasan ko muna ang kamay ko at naghilamos. Ano bang ginagawa mo, Bella? Bakit nasasaktan ka? Sila na. Walang kayo ni Jacob para masaktan ka, paalala ko sa sarili ko habang naririnig ko ang patuloy na pagbuhos ng faucet. In-off ko ‘yon at pinunasan na ulit ang mukha ko. Ilang beses akong huminga nang malalim bago tuluyang gumaan ang pakiramdam ko.
***
Dumating na ang gabi, pareho kami ni mama na nasa kitchen at naghahanda ng pagkain. Nakahanda na ang tatlong movies na papanuorin namin ngayon. 3PM pa naman ang make-up class ko bukas sa Biological Science kaya okay lang na magpuyat ako ngayon.
“Done!” sabi ni mama dala ang bowl na puno ng popcorn. Dalawa ‘yon—tig-isa kami.
Nauna na siyang umalis ng kusina dala ang tray. Ilang sandali lang din ang lumipas, natapos ko na ring i-prito ang fries. Naglagay ako ng tomato ketchup sa maliit na lalagyan at saka sumunod na sa sala.
Ngumunguya ng popcorn si mama, sinabi niyang, “Ano sa tingin mo ang uunahin natin?”
Hawak niya ang tatlong DVD case—Dear John na based sa novel na sinulat ni Nicholas Sparks, The Notebook na sinulat niya rin at isang horror movie na ang title ay The Sinister. Kumuha ako ng fries at sinawsaw ‘yon sa ketchup.
Tinuro ko ‘yung DVD case ng The Sinister. “Hm, mas okay kung igi-gitna natin ‘yung horror.”
“Okay,” sinabi niya at nilagay na niya ang Dear John.
Sa panunuod namin ni mama, unti-unti akong nawalan nang gana. Pakiramdam ko bigla, gusto kong mapag-isa. Gusto kong magkulong sa kuwarto hanggang sa makatulog. Kaya naman, sa gitna ng panunuod, hinawakan ko ang ulo ko gamit ang kanang kamay ko at sinabing, “Ma, medyo masakit po ang ulo ko. Magpapahinga na siguro ako.”
Halatang nagulat si mama sa sinabi ko, pero sinabi niya na lang na, “Hmm . . . I guess tatapusin ko na lang din muna ‘to. Marami pa namang next time. May headache medicine sa kuwarto ko, kumuha ka na lang do’n.”
Tumango ako sa kanya at tumayo. Pag-akyat ko sa taas, hindi na ‘ko pumasok pa sa kuwarto ni mama dahin hindi naman talaga masakit ang ulo ko at hindi ko kailangan ng gamot. Pagpasok ko sa kuwarto ko, dumiretso ako sa paghiga sa kama. In-off ko ang lights para lumitaw ang glow in the dark stars sa kisame.
Nakahiga lang ang ako sa kama, nananatiling nakatingin sa kisame. Pumikit ako . . . inisip ang nakita ko kanina. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko, bumagsak na naman ang luha ko, pababa sa gilid ng pisngi ko.
Binuksan ko ang bedside lamp at kinuha ang frame namin nila Tracy at Joy. Huminga ako nang malalim, kinagat-kagat ang ibaba ng labi ko at tiningnan ang picture naming tatlo. Niyakap ko ‘yon nang mahigpit.
Kailangan ko sila ngayon . . . lalo pa sa mga oras na ‘to na wala akong masabihan nang nararamdaman ko. Kailangan ko silang dalawa na magpapagaan ng pakiramdam ko. Kasama ko sila dapat ngayon, pinapatawa ako, pinapasaya ako. Tracy, Joy . . .
***
Ugh, I feel you Bella. Malapit na ang Christmas, ano na ang mga susunod na mangyayari? Share your wild guesses dahil malapit nang matapos ang Book 2! :) -IOS
BINABASA MO ANG
(Available Under Tuebl)Once Again Book II: Forgetting Last Summer [Finished]
Novela JuvenilOnce Again Book 2: Forgetting Last Summer. Bella is struggling to come to terms with what happened on her summer the year before now. It's almost a year... Dumating si Jacob. Jacob? The kind of guy that every girl wishes to have. What's his role in...