Once Again [Book 2]
-Ian Joseph Barcelon.
Chapter Fourteen
Hinintay naming maubos ang lahat ng kapwa naming estudyanteng makalabas ng bulding—lahat, kagaya naming tatlo, pupunta sa party ni Troy Zevie—bago kami bumaba. Narinig kong magiging enggrandeng party raw ‘yon. Iniisip ko nga kung makakauwi ba ‘ko bukas nang maaga, gaya ng ipinangako ko kay mama. Mag-i-skype kasi sila ni papa at gusto na rin akong makita ni papa. Sobrang nami-miss ko na sila.
Nang makababa na kami, kakaunti na lang ang mga babaeng nasa labas suot ang party attires nila. Aalis na rin naman sila ilang minuto na lang. Sa labas, habang naglalakad kaming tatlo nila Tracy at Joy, nakatayo sila Tristan, Patrick at Jacob. Nakasuot ng v-neck white shirt si Tristan at pinatungan niya ‘yon ng kulay gray na coat at silky black slacks; si Patrick suot ang dark blue polo shirt niyang may kulay white na kuwelyo at red bottom jeans; si Jacob suot ang black long sleeves niya, nakapatong ang white coat sa balikat niya at grayish na slacks ang pang-ibaba niya. Ang guguwapo nilang tatlo.
“Hi boys!” masiglang bati ni Tracy bago siya lumapit sa boyfriend niyang si Tristan. Naiwan kami ni Joy na nakatayo, nakatingin kay Tracy nang halikan niya sa labi si Tristan. Pakiramdam ko, nagkaroon ng awkward silence sa pagitan namin ni Joy.
Tinapunan ako ng tingin ni Tracy. “Bellskie, hindi mo man lang ba lalapitan si Jacob? He’s waiting for you to kiss him!” sabi niya. Napalunok ako, tiningnan si Tracy, at sunod si Jacob. Boyfriend ko siya—dapat bang may public kissing? Sa harap ng mga kaybigan namin? Hindi kasali ‘yon sa contract.
Pilit na napangiti ako, hindi sigurado sa susunod kong gagawin. Nagsimula nang mag-‘ayiiieee’ si Tracy na sinabayan ni Tristan, at sumunod na si Patrick. Pakiramdam ko, namumula na ang mukha ko sa hiya. Alam ko ang hinihintay nila at hindi sila titigil hangga’t hindi ko gagawin ‘yon. At saka, kailangan kong gawin 'yon para hindi nila kami pagdudahan ni Jacob. Go, Bella!
Mabagal na hakbang, sinundan nang mabilis na hakbang papunta kay Jacob at hinalikan ko siya sa labi. Ilang segundong nagtagal ‘yon. Nalasahan ko ang mint na medyo matamis sa labi niya. Candy, siguro. Alam kong nagulat si Jacob sa ginawa ko, pero binigyan ko lang siya ng ngiting nagsasabing: Kailangan kong gawin ‘to, na mabilis niya namang naintindihan. Hinawakan niya ‘ko sa beywang at sabay kaming humarap sa kanila.
Hinalikan ko si Jacob… ilang segundo lang. Mabilis na tumitibok ang puso ko.
“Yay! That was so romantic!” sinabi ni Tracy. Nakahawak ang kaliwang kamay niya sa dibdib ni Tristan, nakayakap naman sa likod nito ang kamay niya at nakahawak naman si Tritan sa balikat niya. “Perfect couple of the night!” sabi pa niya na sinabayan ng palakpak.
Nag-bow pa si Jacob at pormal na sinabing, “Merci”— ‘Thank you—sa kanyang pinaka-French accent way. Siguradong natutunan niya sa high school o ‘di kaya sa club na sinalihan niya noong high school. Natatandaan ko kasi, may French at Japanese club sa school namin dati. Si Tracy lang ang pumasok sa French clubs; ako at si Joy naman, sa pastry-cooking club.
Nag-bow rin si Tracy hawak ang dulo ng kanyang palda, na parang prinsesa at sinagot din si Jacob ng, “Soyez le bienvenu”—na ‘You’re welcome’ ang ibig na sabihin sa French.
Ngumiti lang si Tristan bago halikan si Tracy sa noo. Hindi na namin namalayan sila Patrick at Joy, na nakatayo lang at hindi nagsasalita. Walang mga reaksyon.
Nagpalitan kami ng tingin ni Tracy bago niya sinabing, “Napaka-torpe kasi nitong si Patrick. Bakit kasi hindi mo pa tanungin si Joy?” Mabilis na nag-switch mula sa ‘min ni Jacob ang attention, papunta kina Joy—na mabuting bagay na rin para hindi ako gisahin ng tanong ni Tracy tungkol sa ‘min ni Jacob. Phew.
Pumalakpak naman si Jacob. Amoy na amoy ko ang pabango niya. Hindi naman masyadong matapang. “Actually, Patrick’s thinking of asking her. Tonight.”
Unti-unti namang namula ang mukha ni Patrick. “Shut up, J.” Lumabas ang mga salitang ‘yon sa bibig niya na para siyang batang nahihiya—parang isang grade 3 sa isang elementary school at nahihiya dahil nalaman ng iba kung sino’ng crush niya.
“Wooooo.. someone’s in denial,” dinagdan naman ni Tristan.
Napansin ko si Joy, namumula rin siya pero hindi masyadong halata dahil madilim at naka-make-up siya. Alam namin ni Tracy na noong freshmen year pa lang namin, crush na ni Joy si Patrick. Gumagawa pa nga siya ng excuses para samahan namin siya mapanuod lang si Patrick tuwing training—na alam naman na namin ni Tracy ang dahilan. Obvious.
Tinapunan ko ng tingin si Joy, at dama kong nahihiya na siya dahil naka-focus sa kanya ang atensyon naming lahat. Dahil ginigisa siya nila Tristan at Jacob. Kasali na rin si Tracy. Bago pa matunaw ang make-up niya sa pagpapawis ng mukha niya, sinabi ko sa kanilang, “Tatayo na lang ba tayo rito?”
Binigyan ako ng ‘thank you’ look ni Joy at nginitian ko naman siya.
Sa kotse ako ni Jacob sumakay habang sina Tracy at Joy naman, sasakay sa silver SUV ni Tristan kasama si Patrick. Gusto ko sanang yayain na sumakay na lang sa ‘min si Joy, pero naisip ko rin na baka gusto niya ring kasama si Patrick—at perfect time na rin ‘to para makapag-usap sila. Makilala ang isa’t isa—gaya nang matagal nang gusto ni Joy. Love of her college life yata niya si Patrick.
At kung totoo man ang sinabi ni Jacob at Tristan kanina, tungkol kay Patrick-to-Joy, hindi na ‘ko magtataka na by next week, makikita ko na silang magkasama. Syempre, in behalf of Joy, bilang kaybigan niya, matutuwa ako. Kung magkakataon, second boyfriend niya si Patrick. Hindi ko pa man kilala si Patrick nang lubusan, tingin ko naman, hindi siya kagaya ni Drew. Ni Andrew Salazar.
***
Hi! Hehe. Malapit na tayo sa party, pero bago 'yon, balikan muna natin ang kuwento ni Andrew Salazar. Next chapter-- Joy and Drew. A third year memory flashback :D
Please vote and comment!
BINABASA MO ANG
(Available Under Tuebl)Once Again Book II: Forgetting Last Summer [Finished]
Teen FictionOnce Again Book 2: Forgetting Last Summer. Bella is struggling to come to terms with what happened on her summer the year before now. It's almost a year... Dumating si Jacob. Jacob? The kind of guy that every girl wishes to have. What's his role in...